Chapter 17: Proud to Say.

1016 Words
"Sorry, na-late ako ng gising eh," salubong ko kay Rex habang sumasakay ako sa kotse. Sinundo niya kasi ako at sabay na daw kami pumasok sa restaurant. "Okey lang,napaaga lang ako ng sundo," sagot niya habang hinahanda ng paandarin ang sasakyan. Habang daan ay kwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Ata napag usapan namin kung paano sasabihin sa mga katrabaho namin. Kasi ayaw naman kasi namim maglihim sa kanila. Nang makarating kami sa restaurant ay napansin ko na nakatingin na yung ilang waiter na nasa dinning kasi nagtataka siguro sila bakit sabay kami ni Rex. Nagtungo naman ako sa locker at si Rex ay nagpark sa gilid ng restaurant. At nagtungo na din siya sa opisina niya. "Ui Patrick,bakit sabay kayo ni sir?" tanong ng isang waiter na mga kaibigan ko na din. "Ah wala,nakisabay lang ako. Nakita niya ako sa sakayan ng jeep," pagsisinungaling ko. Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko. Bago pa ako makarating sa opisina ni Rex ay lumabas ito seryoso ang mukha at kasunod si Mrs. Cherry. Nagulat ako nang haltakin ni Rex ang kamay ko at nagtungo kami sa malapit sa kitchen. At nagulat nalang ako nang magsalita siya,"makinig ang lahat," At nakita ko na unti-unting nagiipon ipon ang mga staff ng restaurant. Tumabi sa akin si Mrs. Cherry at sa kasalukuyan ay di pa din binibitiwan ni Rex ang kamay ko na hindi ko pa din maiintindihan ang nangyayari. "Andito na ba ang lahat?"tanong ni Rex na nakaseryoso ang mukha. "Para di na kayo nahihirapan na pag-usapan kami. Sasabihin ko na sainyo. Balak na nga namin sabihin sa inyo kasi ayoko ng mga usap usapan. Pero mukhang di na nga kayo makapaghintay. Ilan sa inyo ay maiintindihan kami at ilan naman sa inyo ay huhusgahan kami. Pero hindi mahalaga kung maintindihan o hindi niyo kami," sunod sunod na sabi ni Rex. At ang lahat ay seryosong nakikinig at napapansin ko ang iba ay tumitingin sa akin at sa magkahawak na kamay namin. Tumingin siya si Rex sa akin at tinuloy ang sinasabi, "Ako at si Patrick ay nag da-date. Alam nyo ang ibig kong sabihin. Lahat naman tayo ag naghahanap ng taong bubuo sa pagkatao at magbibigay ng saya,ispirasyon at pagmamahal sayo. Ang gusto lang namin ay respetuhin nyo pa din kami bilang boss at katrabaho niyo at higit sa lahat bilang tao. Simula ngayon na alam nyo na ang relasyon namin ni Patrick ay walang magbabago at kami pa din naman ito." Nagtinginan ang mga staff,may ilan na natuwa at may ilan na seryoso ang reaksyon. Hindi naman talaga namin mapipigil kung ano man ang gusto nilang isipin sa amin. Hindi ko manlang nakuhang magsalita dahil talagang nabigla ako. Kasi pinaguusapan palang namin ni Rex kung paano namin sasabihin sa mga katrabaho namin ang tungkol ay nabigla ako na ngayon na sinabi. At di ko inaasahan na ganun sya katapang para umamin sa lahat ng tao kung ano siya at kung ano ang nararamdaman niya. Na minsan hindi ko nagawa at di koanlang siya nasamahan sa pagpapaliwanag. Naunahan ako ng takot sa mga matang mapanghusga. Nakabalik na kami sa opisina ngunit ang mga kamay ko ay nanlalamig pa din at di ko pa din makapaniwala sa nangyari ganun kabilis. "Okey ka lang Patrick?" tanong ni Rex at nilapitan niya ako. Tumingin ako sa kanya at hiyakap ko siya bigla,"Sorry,.. dahil di man lang ako nakapagsalita kanina." "Ano kaba okey lang yun,ako dapat talaga ang magsasabi noon dahil andito sila sa restaurant ko." paliwanag niya na hinigpitan pa niya ang akap niya sa akin. "Pero salamat. Salamat dahil ikaw ang nanindigan sa atin. Ikaw ang may lakas ng loob para sabihin iyon." "Ginawa ko lang ang nararapat. At ayoko na pinaguusapan tayo dito. Ngayon nasa kanila na iyon kung tatanggapin nila tayo. Wag mo nang isipin iyon ang mahalaga ay nasabi na natin sa kanila." paliwanag ni Rex at ngumiti sa akin. Habang nakaupo sa pwesto ko ay naalala ko si Christian. Sa ngayon ay di pa niya alam ang tungkol sa amin ni Rex. Nag aalala din ako kung ano ang magiging reaksyon niya. Paano kung layuan niya ako dahil di niya tanggap kung ano ako. Hanggang ngayon kasi ay wala manlang ako balita tungkol sa kanya. Mabilis na lumipas ang araw at ni isang usap usapan ay wala manlang akong narinig na usap usapan tungkol sa amin. At di nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Na minsan makakasabay ko sa c.r. at sa locker kahit sa oras ng kainan. Siguro nga naging openminded na din ang lahat sa ganitong relasyon. Dahil sa may inaasikaso pa si Rex ay di na ako sumabay na umuwe sa kanya. Namasahero nalang ako. Pero nang magpaalam ako ay sinabihan niya ako ay may sorpresa daw siya sakin. Habang naghihintay ako ng jep. Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Naalala ko tuloy ang nakita ko kagabi na nasa labas ng bahay namin. Nang may humintong jeep ay dali dali akong sumakay. Habang nasa jeep ako ay di mawala ang takot ko. Ite text ko na sana si Rex kaso baka di siya makapag pokus sa ginagawa niya. Kaya ang ginawa ko ay sinecure ko nalang ang bag ko. Sa puntong iyon ay nagiging paranoid na ako. Lahat ng tao sa jeep ay palihim kong tinitignan. Nakahinga ako ng maluwag nang nasa bahay na ako. Pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko si nanay na nasa kusina. "Nay andito na ako,si Jayjay po wala pa?" tanong ko kay nanay. "Wala pa,mamaya pa daw andun siya sa kaklase niya may gagawin daw sila," paliwanag ni nanay. Ako naman ay umupo sa sopa di mo na ako umakyat at nagpapawala pa ako ng kaba. Binuksan ko ang t.v. at humiga. Maya maya ay biglang tumunog ang selpon ko. At dahil nasa bag ko ay natagalan ko bago sinagot. Nakita ko na unknown number. Nang balak ko na itext ay tumawag ulit. Sinagot ko,"hello sino to?" Ngunit walang sumasagot. "Hello...Hello?" wala pa din. Dahil sa werdong tagpo na iyon ay muli ay nakaramdam na naman ako ng takot kaya minabuti ko nalang na patayin. Itutuloy......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD