Chapter 18: Comeback

1052 Words
"Goodmorning mrs.Cherry," Isang pamilyar na boses ang narinig ko habang nasa locker room ako. Pagtingin ko ay di nga ako nagkamali si Christian nga. Nagbalik na. Akmang lalapitan ko na siya ay bigla soyang lumihis ng daan. May malaki tuloy na katanungan na namuo sa isip ko. Bakit? Bakit niya ako iniwasan? Lahat ng text ko ay di niya nireplyan. Tawag ko ay di sinasagot. Hindi ko alam ang nangyari sa kanya. Isang linggo siyang nawala pero parang wala lang sa kanya bilang na magkaibigan kami. Hindi ko na nakakuhang lapitan siya ulit dahil pinatawag na ako ni Rex. Lumipas ang maghapon na di manlang kami nakapag usap ni Christian. Habang palabas ako ng c.r. ay siya namang pagpasok ni Christian. Nagulat ako. Nagulat din siya. "Ah buddy," tawag ko sa kanya. Ngunit para siyang walang narinig. Tumuloy lang siya sa isang cubicle. Ngunit naisip ko na ito na yung pagkakataon na makausap ko siya. "Buddy,ano ba ang problema?" paninimula ko. "Mula kaninang umaga di mo manlang ako pinapansin at kinakausap. May problema ba tayo?" kinakalampag ko na ang pintuan ng banyo. "Ano ba?" pasigaw niyang sinabi nang lumabas. Tumingin siya sa akin na parang di ko na siya kilala. Parang ibang tao na siya. "Alam mo ang problema ikaw!" sabay turo ng daliri niya sa akin. At sa sobrang gigil niya halos iduro niya sa mga mata ko. Nagulat ako. Di ako makapag salita. "Ikaw ang problema,buhay ng dumating ka sa dito. Sa buhay ko. Sa buhay namin dito. Binago mo lahat." sunod sunod na salita ang narinig ko sa kanya na unti-unti ng pumapatak ang mga luha niya. Sa puntong iyon ay gulong gulo na ako. Di ko alam kung saan siya humuhugot. Siya nang gagaling. Bakit nasabi niya iyon? "Huh! Bakit? B-bakit ako ang problema?" tanong ko na nais makakuha ng magandang sagot sa lahat. Tumatalikod siya habang patuloy ang pag agos ng luha. "Hindi ko alam pero gusto kita Patrick. Maayos ang buhay ko nung wala ka pero ginulo mo dahil dumating ka. Dahil minahal kita. Sa twing magkasama tayo ayaw ko na matapos ang oras. Ayokong dumating yung oras na maghihiwalay tayo." Nagulat ako sa mga sinabi niya. Kasi hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman niya sa akin. Nagpatuloy pa siya. "Dumating yung araw na mas napalapit kana kay Rex. Nababawasan na yung mga oras na magkasama tayo. Noong nakita kita a burger store talagang gusto kong makipagkaibigan sayo. Pero hindi lang pala kaibigan ang mangyayari dahil sa kabila ng lahat ng pagtatago ko sa kung ano ako ay unti unting lumabas." "Sorry,di ko alam na ganyan na pala nararamdaman mo sa akin." "Isang linggo ako nag isip kong aamin ba ako sayo kasi natatakot ako na di ka aware sa ganitong sitwasyon. Baka layuan mo ako. Pero habang nag-iisip ako na magtapat sayo. Tinaas mo kaso ako eh,sobrang taas. Pero ako lang yung nag assume na kapag umamin ako sayo ay maaring maging tayo. Kaso huli na ako. Eh kayo na pala ni Rex. Iisang dugo lang pala ang dumadaloy sa atin. At eto ako ngayon,isang tanga na naduwag at umasa na masasabi at pipiliin ako. Siguro talagang tatanggapin ko nalang na buddy lang talaga tayo." pagkasabi niya iyon ay nagpunas ng luha at tuluyan ng lumabas. Walang nais lumabas na salita sa bibig ko. Tinignan ko lang siya habang lumalabas. Pero ramdam ko na may namumuong luha sa mata ko. Hahabulin ko sana kaso hindi ko alam ang sasabihin ko. Nasaktan siya. Ako ang dahilan bakit siya nagkaganyan. + Nang nasa kotse ako ni Rex. Hindi mawala sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Christian. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin kay Rex. "Uyyy, Patrick okey ka lang? Kanina kapa tahimik diyan ah." pagbati sa katahimikan ko ni Rex. "Ah wala to. Medyo masakit lang ulo ko," pagsisinungaling ko. Kasi ayoko na munang sabihin sa kanya ang nangyari. "Nagkausap na kayo ni Christian? Buti pumasok na siya?" tanong ni Rex habang patuloy sa pag dri-drive. "Ahmmh o-oo," maikling sagot ko. "Kamusta daw,naayos daw ba problema nila?" tanong pa niya na patingin tingin sa akin. Tumango lang ako at pilit na iniiwas ang tingin sa kanya. "Ah,may sasabihin nga pala ako sayo. Talagang di ko agad sinabi sayo para suprise. Sa bahay tayo mag dinner nagpahanda ako ng pagkain." masayang sinabi ni Rex na talagang nabigla ako. Pero dahil ayoko naman na masira ang effort niya at pumayag ako. "Sige ba. Para din makita ko ang bahay niyo. Text ko lang si nanay na dun ako mag dinner sa inyo." Ngumiti ako sa kanya. At kinuha ang selpon ko. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ni Rex. Parang mas excited pa siya kaysa sa akin. + Nang malapit na kami sa subdivision nila ay huminto kami sa isang convenience store para bumili ng beer parang gusto daw niyang mag inum ngayon. Bumili kami ng apat at nang nasa counter na kami ay patingin tingin sa amin ang dalawang kahera. Isang babae at isang bading. Nagbubulungan at parang kinikilig. Doon ko nalang napagtanto na magka-holding hands pala kami ni Rex. Nung napansin ni Rex na kami ang kinakikiligan nung dalawang kahera ay mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko at hinila pa ako para dumikit sa kanya. At doon lalong lumabas ang ingay ng dalawang kahera dahilan para tanungin kami kung kami daw ba. Tahasang sinabi naman ni Rex,"oo kami." At tumingin siya na kahit ako ay kinilig dahil talagang nangungusap at sinsero ang mga mata niya. Ang mga mata niya ang isa sa mga nagustuhan ko at attractive naman talaga kasi. + "Sh*t bakit dumating sila!" nagulat ako sa sinabi ni Rex nang huminto siya at napansin ko na may kotse sa harap namin. Tumingin naman siya sa bahay kung saan nakahinto kami sa tapat nito. Kita sa mukha ni Rex ang pagkainis at tila nawala sa mood. Tinanong ko kung bakit pero wala akong nakuhang sagot. Minasdan ko lang bahay. Malaki at maganda ng pagkadesenyo ng labas ng bahay. Maya-maya ay may lumapit na gwardya. Binaba ni Rex ang salamin ng bintana. "Sir magandang gabi po. Dumating po ang mom at dad niyo po." Binalita ng gwardya. Na lalong nagpakunot ng noo ni Rex. At isang kabog na malakas ang naramdaman kong bumigat sa dindib ko. Itutuloy......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD