Chapter 19: The Dinner

1063 Words
"Dad,Mom!,biglaan ata ang uwe nyo ng pinas?"tanong ni Rex habang papasok kami ng bahay at nakita namin ang mga parents nya na nasa sala. Tumingin lang ito sa kanya,di manlang sinagot ang tanong ni rex. Habang papalapit kami ay napagmasdan ko ang mga magulang niya. Talaga palang nakakatakot. Ang daddy niya ay parang si Eddie Garcia na matapang ang itsura,parang kunting pagkakamali mo lang ay talagang makakatikim ka. Parang si Cherie Gil naman ang mommy nya na sa kabila ng magandang mukha ay parang masungit din. Dahil dun ay kumabog ng kumabog ang dibdib ko. Halos pinagpapawisan na ang kamay at paa ko. Nag mga sandaling iyon ay nakatayo kami sa harapan nila. Hinihintay kung ano ang sasabihin. Di pa din ako pinakikilala ni Rex sa kanila. Nag akmang magsasalita ang mommy ni Rex ay inunahan nya ito. "Ah mom,dad si rex po kaibigan ko." Natakot ako na umamin na agad si rex na boyfriend nya ako. Di ko alam ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila agad. Tumingin sa akin ang mommy niya."Goodevening po." bati ko na medyo yumukod ng kunti. Ngumiti naman ito ng kaunti kaya medyo nakahinga ako ng bahagya. Hinihintay ko na tumingin din ang daddy ni rex pero bigo ako dahil patuloy ang pagbabasa sa laptop. Dahil napansin ni rex na di ako komportable ay nagpaalam sya sa mga magulang na aakyat muna sa kwarto. Ngunit bago pa man kami makatalikod ay nagsalita ang daddy niya,"mamaya mag-uusap tayo rex." Tumango si Rex at dumiretso kami sa kwarto niya. Pagpasok namin ay doon ko nilabas ang isang bugkos ng hininga ko na kanina pa gustong mawala. "Grabe Rex nakakatakot naman ang daddy at mommy mo." palabiro king sinabi. "Pasensya kana Patrick di ko kasi alam na darating sila eh." Pero halata sya mukha ni rex ang kaba at takot na may halong inis na di alam kung ano ang rason bakit bigla biglang umuwe ng pinas ang mga magulang. Habang nakahiga kami Rex sa malaking kama niya ay napag usapan namin kung sasabihin na ba namin sa mga magulang niya ang tungkol sa amin. Ngunit tumanggi muna si Rex hindi daw ito ang tamang panahon para malaman nila. Kilala daw niya ang mga magulang na may problema kaya dumating ng biglaan. Ayaw daw niya muna na sumabay. Humingi naman siya ng pasensya sa akin. Ilang minutong katahimikan ay biglang may kumatok. Dali-dali kaming bumangon at tinungo ni Rex ang pintuan upang buksan. Bumungad sa kanya ang isang kasambahay nila."Sir pinababa na po kayo nila mam,kakain na daw po." Tumango lang si Rex at tumingin sa akin. Inayos ko na ang sarili ko at bumababa na kami. Habang nasa hagdan kami ay bumulong si Rex sakin na wag na daw ako matakot at kabahan. Ngunit di naman niya maiiaalis sa akin iyon. Nagpakarating kami sa lamesa ay umupo na kami ni rex. Nagsisimula na silang kumain. Nakakabinging katahimikan. Ilang minuto ang lumipas at biglang nagsalita ang mommy ni Rex. "Patrick right?" Napatingin ako sa kanya bigla at sumagot,"opo mam" "Balita ko sa restaurant namin ka ngtratrabaho?" "opo" "So nakikita mo ba na ginagawa ni Rex ng mabuti ang trabaho niya?" "opo mam,masipag at maayos niya po napapatakbo ang restaurant." "so bakit? mababa ang sale ng restaurant nitong mga nakakaraang buwan." "Mom," pangsingit ni Rex sa usapan namin."Ginagawa ko naman ang lahat para tumaas ang sales natin,pero naapektuhan kasi ng mga bagong tayong restaurant." "Exactly my point. Kung ginagawa mo ang lahat sana di tayo nauungusan ng ibang restaurant." "Kung buhay lang sana......" Di na naituloy ng daddy ni rex dahil pinutol nya ang sasabihin. "Sino pa si kuya? Si kuya nalang palagi. Siguro sinasabi niyo na sana ako nalang ang namatay para may aasahan kayo sa restaurant." Nabigla ako sa mga sinabi ni rex na halatang papaiyak na siya. Tumataas na din ang tensyon. Binagsak ng daddy niya ng mga hawak na kubyertos sa plato. Dahilan para magulat ako at mapahinto sa pagkain. "Sana nga buhay pa ang kuya mo nagwalang ganitong problema. Akala mo siguro di makakarating sa amin ang mga pinaggagawa mo dito. Alam namin kung sino yang kasama mo?" galit na sabi ng daddy niya na sabay turo sa akin. Na syang kinatakot ko lalo. Tumayo ang daddy niya na sinundan naman ng mommy niya. Naiwan kaming dalawa na nagulat sa lahat ng narinig namin. Nag mga oras na iyon ay nang gigilid na nga mga luha ko. Gusto ko ng umalis. Himawakan ni rex ang kamay ko ng mahigpit at tumingin sya sa akin. Di sya kumibo pero alam ko na nag aalala sya sa akin. Tumango ako sa kanya. Pilit na nilalakasan ang loob kasi ayoko na makita nya na mahina din ako kasi alam ko sa mga oras nato ay ngayon niya ako kailangan. Dahil sa tensyon ay di na namin natapos ang mga pagkain namin at nag paalam ako na uuwe na. Magpapaalam pa sana ako sa mga magulang niya ngunit sabi niya ay sya na ang bahalang mag sabi. Ayoko mang umalis ngunit masmaganda na sigurong wag na muna ako makigulo sa kanila kahit alam ko na sangkot ako sa problema. Hinatid ako ni Rex sa may gate,dahil subdivision nga ang lugar nila ay sinabi ko na lalakarin ko nalang papaunta sa sakayan ng jeep. Gusto ko din kasi makapag isip isip at makahinga sa tensyon na nagyari kanina. Bago pa man ako makaalis kay Rex ay sinabihan ko sya na tatagan niya. Ipakita niya na kaya niyang bumawe. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni rex ang di makita ang halaga niya bilang anak. At yung kagustuhan na sana sya nalang ang nawala. Masakit sa isang anak ang ginagawa mo ang lahat para mapunan o makakuha ng pagmamahal sa sariling magulang ngunit di nila iyon nakikita. Masakit maikompara sa iba pero mas masakit kung sariling magulang mo ang magkokompara sa sarili mo ding kapatid. Habang naglalakad ako ay nag iisip ako kung paano nalaman ng mga magulang ni rex ang tungkol sa amin. Eh kailan lang namin sinabi sa staff ang tungkol dun. Habang naghihintay ako ng jeep ay napansin ko na naman ang isang lalaki na nakahood sa di kalayuan na natatingin sa akin. Sa puntong iyon ay nilakasan ko ang loob ko at tinawag ko sya at akmang hahabulin ngunit bigla syang tumakbo dahil na din sa kagustuhan ko na malaman kung sino iyon ay hinabol ko sya. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD