Naglalakad na ako patungo sa bahay ngunit ramdam ko pa din ang sumusunod sa akin.
Kahit natatakot ay nilakasan ko ang loob ko,tumakbo ako,tumakbo ng mabilis ang sumingit ako sa isang iskinita at nagtago. Alam kong susundun pa din ako ng lalaking iyon ngunit sa puntong ito ay makikilala ko na sya.
Ilang minuto ang lumipas na nagtatago ako ay nakarinig ako ng isang yabag ng paa na tumatakbo. Naisip ko na siya na ito. Hinintay ko na makatapat sa akin bago ko sya sitahin kahit takot na baka may dala siyang baril o kutsilyo ay kailangan lakasan ko na ang loob ko.
"Lintik san na nagpunta yun." narinig kong boses. Sa puntong iyon ay sumilip ako ng bahayga sa awang kung san ako nagtatago. Sakto naman na nag alis siya ng hood habang nakatalikod siya sa akin. Naghahanda na ako para hampasin siya ng hawak kong kahoy nang humarap siya at napatigil ako sa balak ko.
Nanlaki ang mata ko."Christian!"
Habang tulala ako. Na madaming tanong sa isip ko. Ay di ko na malayan na umalis patakbo si Christian.
"Bakit nya ginagawa ito sakin? Bakit kailangan niya akong sundan? Siya ba ang nagsabi sa mga magulang ni Rex ang tungkol samin?"
Ilan yan sa mga tanong sa isip ko.
Tulala akong lumabas kung san man ako nagtatago. Wala na akong pakialam kung bumalik si Christian at patayin ako o kung ano mang balak niya.
Malaki ang tiwala ko sa kanya bakit kailangan niyang gawin ito.
Nakarating ako sa bahay ng tulala at sing lalim ng balon ang iniisip ko.
"Hi nay," bati ko kay nanay na nunuod ng tv sa sala.
"Oh kamusta,akala ko dun kayo magdinner sa bahay nila Rex." tanong ni nanay.
"Ah opo tapos na po," maikli kong sagot. Na tila ramdam ni nanay na may gumugulo sa isip ko.
"Halika nga dito anak, pag usapan natin yan?" alok ni nanay na tinanggap ko naman at gusto ko ng kausap ng mga oras na iyon.
"Nay,alam ko na tanggap mo ako na ganito ako.Pero may aaminin po ako. Boyfriend ko na po si Rex." dire-diretsong wika ko kay nanay.
Nguniti lang siya sa akin at inayak ako. "Alam ko,simula nung dumalaw siya sa atin noong nakaraan napansin ko na may kakaiba sa inyo. Nung mga oras na iyon habang pinagmamasdan ko kayo na masayang nagkukulitan sa kusina at nakita ko na talagang masaya ka,masaya na din ako anak." sambit ni nanay habang yakap niya ako. Di tuloy mapigilan ng luha ko na tumulo kasi alam ko na tanggap na ako ng nanay ko.
Hindi ko sinabi sa kanya na may problema kami dahil andyan ang mga magulang ni Rex. At alam na yung tungkol sa amin. Hindi ko na din sinabi na may sumusunod sakin. Gusto ko munang alamin kung bakit ginagawa ni Christian iyon.
Nagpaalam ako at umakyat na sa kwarto. Humiga ako sa kama at iniisip ko kung sisitahin ko ba si Christian o hindi. Pero pano ko malalaman kung bakit niya ginagawa iyon.
Habang nag iisip ako ng paraan para malaman ang dahilan ni Christian para sundan ako at parang binabantayan niya bawat kilos ko ay tumunog ang selpon ko.
Si Christian tumatawag, bigla akong kinabahan pero naisip ko ayoko na ipahalata sa kanya.
"hello buddy." normal kong sambit sa kanya.
"hey buddy. kamusta? Gusto ko lang mag sorry kasi naging rude ako sayo.Tanggap ko na best friend lang talaga tayo. Masaya na ako dun basta makita lang kitang masaya." sabi ni Christian sa kabilang linya.
"Ahhh..sorry din buddy,di ko naman alam na ganyan na pala nararamdaman mo sakin."
"So kung nalaman mo ng mas maaga,tayo sana hahah.joke lang" singit niya bigla. Na nagpangiti naman sakin.
"Baliw ka talaga buddy."
"Pero kapag sinaktan ka ni Rex lagot talaga sakin yun at kukunin kita sa kanya at di na kita ibabalik pa." matapang na sabi niya sa akin.
"Baliw neh hahaha,di ako sasaktan nun."
"Sige na buddy tinatawag na ako ni tita,kakain na daw kami?"
"sige." maikling sagot ko. Nakahinga ako ng maluwag. Gustong gusto ko ng tanungin na nakita ko siya kanina. Pero parang gusto ko na magimbestiga muna. Magpapanggap ako na di ko pa alam na siya ang lalaking nagmamasid sakin.
Tumayo ako para maligo at matulog na ngunit nang matingin ako sa bintana ay napansin ko ang isang lalaki na nakatayo sa di kalayuan. Kinabahan na naman ako.
Lumigid ako pero nakasilip pa din. Dahil gusto ko na makumpirma na si Christian iyon ay tinawagan ko siya. Habang tinatawagan ko siya ay pinagmamasdan ko yung lalaki at laking gulat ko na bigla niyang kinuha ang selpon niya at sinagot.
"hello buddy." wika ng kabilang linya.
Di ako agad nakasagot dahil di ko alam nararamdaman ko sa puntong ito ay nakumpirma ko na si Christian nga ay nagmamatyag sakin.
"ah...ah..sorry napindot ko lang." sagot ko na sabay patay ng tawag ko.
Pagapang ako na bumalik sa kama. Sa puntong iyon ay natatakot na ako. Nakakatakot na ang mga ginagawa ni Christian.
Tinatawagan ko si Rex ngunit di sumasagot. Siguro kinakausap ng Daddy at mommy niya.
Kalahating oras na siguro ang lumipas. Sinubukan ko ulit silipin ngunit wala na si Christian. Kaya pinagpatuloy ko na ang paliligo ko.
--------
Paglabas ko ng banyo ay ramdam ko padin ang takot. "Ano kaya ang nangyayari kay Christian?"
Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko bukas kapag nagkita kami.
Dahil tulala ako ay di ko napansin na tumutunog ang selpon ko.
Tumatawag pala si Rex.
Nagsasagutin ko ay namatay naman kaya ako nalang ang tumawag.
"Rex hello," panimula ko.
"Patrick sorry di ko nasagot tawag mo kanina. Pinaliwanag ko kila dad at mom ang tungkol sa atin. Syempre di sila payag pero wala naman silang magagawa ang mahalaga sinabi ko sa kanila na walang kinalaman ang relasyon natin sa mababang sale ng restaurant." masayang binalita ni rex sakin na halatang masaya sya dahil sa tono ng boses niya. Kaya nakaramdam ako ng saya din sa kabila ng takot kay Christian.
"Rex thank you, alam ko na di madali itong relasyon natin. Alam na din ni nanay ang tungkol sa atin at masaya sya para sa atin." balita ko din sa kanya.
"I love you Patrick. Oo basta magkasama tayo kakayanin lahat."
"I love you too Rex. Stay strong."
Itutuloy..............