Nang umagang iyon ay sinundo ako ni Rex. Habang nasa byahe ay gusto ko nang sabihin sa kanya yung tungkol kay Christian pero nang alangan ako na baka tanggalin nya ito sa trabaho. "Katahimik mo ata?" tanong ni Rex. "Ah..wala medyo masakit lang ulo ko." pagsisinungaling ko. "Oh ano? kaya mo bang pumasok? dapat di ka muna pumasok,ibabalik ko." dire diretsong tarantang sinabi nya. "okey lang ako ano kaba? saka diba sabi mo may meeting tayo so dapat andun ako." sagot ko sa kanya na sumenyas pa ng thumb up. "sigurado ka kaya mo?" "opo sir kaya ko po." Hinawakan naman nya ulo ko at hinimas. Ganito talaga sya sa akin mula noong naging kami. Minsan nagugulat nalang ako na bigla nyang hahawakan ulo ko at parang guguluhin ang buhok ko. ----------- "Mrs. Cherry patawag ang lahat at may sasa

