bc

World of Enchantment (Tagalog) (TagLish)

book_age4+
53
FOLLOW
1K
READ
adventure
powerful
brave
self-improved
mystery
brilliant
magical world
another world
superpower
special ability
like
intro-logo
Blurb

Maraming kwento ang nakatago.

Maraming kwento ang nakakubli sa bawat pangyayari.

Mga kwentong hindi dapat malaman ng nakararami.

Masaya at kuntento ako kung ano ang buhay na mayroon ako. Sino pa nga ba ang maghahangad pa kung gayo'y na sa saiyo naman na ang kumpletong pamilya at mapagmahal at maalalahanin na kaibigan.

Ngunit ang perpektong mundo na kinagisnan ko ay bigla na lang akong nagimbal ng katotohanan at napagtantong muli na

wala nga palang perpekto sa mundong to...

chap-preview
Free preview
Prologue
It was an cold wind in the evening surrounding the air of July the 13th at exactly 10 pm my shift ended. I'm one of the waitresses at Alice, a fastfood restaurant. Pumunta na ako sa locker room at saktong nandoon din si Nicole kaya binati ko na sya. Dahil sa sobrang puno ng tao kanina ay wala na kaming pahinga o free time man lang. " Happy Birthday Nicole" nginitian nya ako "Salamat! Hayst akala ko pa naman sweswertehen ako sa araw na ito dahil birthday ko naman" bumuntong hininga sya kaya napatawa naman ako "wala ng bago Nicole, When ba umunti ang customer ni Alice?" Napabuntong hininga sya "I'm just hoping huhu malay mo pagbigyan ako ng langit dahil birthday ko naman" Umiling na lang ako at tinapik sya sa balikat tanda ng mag aasikaso na ako para makauwi na. I remove my hairnet and take off my uniform kinuha ko yung pamilit kong damit. Nakaalis na ako sa fastfood at nag abang ng jeep pauwi sa amin, dalawa na lang kami ni Nanay na magkaagapay sa buhay dahil matagal ng wala si Itay, 50 mins. after ay nakita ko na ang bababaan ko kaya pumara na ako. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang gate namin ng may naaaninag akong anino ng tao na nakatayo doon, palapit na ako at ilang metro na lang ang layo ko ng makita kong bigla itong nawala napatigil ako bigla dahil nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan pinikit ko ng dalawang beses na magkasunod sunod ang mata ko para makasigurado kung wala na ba sya doon. "Wtf is that?" mahina kong bulong, kahit gulat pa ay tumuloy na ako sa paglalakad. Pagpasok ko sa gate at dali daling naglakad sa pinto ng bahay namin tinawag ko na agad si Nanay para magtanong "Nay, may bisita ka ba kanina?" Inilapag ko na muna ang bag ko sa upuan malapit sa may pinto namin mamaya ko na lang ilalagay sa kwarto dahil kakain na rin muna ako. "Wala Mia. Bakit?" Mula sa kinatatayuan ko ay kita kong nakaupo si nanay sa may sofa malapit sa lamesang maliit at nagsasalin ng tubig sa baso nya "May nakita po kasi akong pigura ng tao sa labas ng bahay" Takang tanong ko habang nagtatanggal ng sapatos "Wala naman akong bisita anak ah" alam kong nagsisinungaling sa akin ang nanay dahil kinakagat nya ang ibaba nyang labi sa tagal ba naman naming magkasama eh alam ko ang mga ganyang galaw ni Nanay. Weird. Hinayaan ko na lang sya at dumiretso na sa kusina para maghain na ng makakain ko, didiretsuhin mo lang naman ang kusina dahil kitang kita ito mula sa sala kaya nilakasan ko na lang ang boses ko para marinig nya ako "ah sge nay, I will eat na po then matutulog" "Akyat na ako anak magpapahinga na rin ako dahil naglinis ako ng bahay kanina" nilingon ko sya pagkatapos kong magsandok ng kanin "Sweet dreams Nay" tumango lang sya at umakyat na sa kanyang kwarto. After I eat I'm heading towards my room to take a quick shower. Pagkatapos maligo ay naupo na muna ako sa kama at hinilot ang paa ko nahagip ng mata ko yung calendar na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko. "Aish malapit na matapos ang bakasyon. I'll going to school again" napabuntong hininga ako dahil isang linggo na lang mula ngayon ay pasukan na naman. Kapag bakasyon ay naghahanap ako ng pansamantalang trabaho para makatulong naman kahit papaano kay nanay. Hindi naman kami hirap sa buhay kung tutuusin ay hindi ko naman na talaga kailangan pang magtrabaho dahil marami na mang perang nakatabi si Inay. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pera nya dahil simula ng mamatay si Tatay eh hindi ko na sya nakitang nagtrabaho. Ang sabi nya lang may iniwang pera si Itay na sapat na para mamuhay kami ng marangya sa buhay pero kahit ganon ay hindi kami lumipat dito sa not so big na bahay namin. Parehas naming hindi ito iwan dahil nandito ang mga masasayang araw na buo pa kaming pamilya. Ang sabi ng doktor ang inatake daw sa puso si tatay but that's impossible because last time I check wala itong komplikasyon sa puso o kahit altapresyon kaya hindi ako naniniwalang ito yung rason ng pagkawala nya at kailan man ay hindi ko tinanggap ang rason na iyon. Mapag mahal na ama at asawa ang tatay ko kaya hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang pagkamatay nya para akong binagsakan ng langit at lupa halos hindi na ako makapag aral ng maayos. I was feel devastated. Kung mahirap ang pagkawala nya para sa akin ay paano pa kaya kay nanay? Kaya imbis na magmukmuk ako ay sinikap kong bawiin ang mga araw na nawala ako sa klase mas lalo kong inigihan ang pag aaral at kung minsan ay inaaliw na pumunta sa kung saan saan si Nanay. Tinigilan ko na ang pag iisip ng makapa kong tuyo na ang buhok ko. I wake up early than the usual time. I take a quick shower and I cooked for my breakfast and also for Inay. I cooked hatdog and a sunny side up egg nagtimpla narin ako ng aking kape. It's almost 6 am ng matapos ako sa mga gawain ko. "Bat ang aga mo nagising iha" nilingon ko si Nanay. "Hindi po nakatulog ng maayos eh" nagpatuloy ako sa pagsandok ng kanin "kakain ka na rin ba Nay?" "Yes" simple nyang sagot and sinandukan ko na rin sya ng kanin. Umupo na si nanay at nagsimula na kaming kumain "Uhm Nay sigurado ka bang wala kang bisita kagabi?" "Oo Mia" nakatungo lang sya at nagpapatuloy kumain "Kasi Nay may nakita nga po akong nakatayo sa gate tapos biglang nawala" nagtaka ako dahil medyo napatigil sya sa pagsubo pero mabilis din naman syang nakabawi "K-kalokohan Mia walang ganon. Ano yun may ganon ba? biglang mawawala?" tumawa sya ng bahagya kaya mukha namang nagsasabi sya ng totoo staka nakatingin sya ngayon sa mata ko. "Ah baka namalikmata lang po ako" hindi ko na dinugtungan ang usapan namin dahil malalate na ako sa trabaho. Hindi na rin naman nag open up ng topic pa si nanay. "Nay, I gotta go" tumayo na ako dahil tapos na akong mag agahan. Hinalikan ko sya sa pisngi "take care anak" lumabas na ako ng kusina. ----- Ngayong araw ay sa morning shift ako napunta kaya medyo hindi naman kadamihan ang tao sa Alice. As usual nag umpisa na akong umikot kada table para iabot ang mga order nila. Mabuti na lang at hindi masyadong hectic ang araw ngayon dahil hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag iisip ko kay tatay ay pinanaginipan ko sya. "Mia lumapit ka nga sa akin" naglalaro ako ngayon sa isang parke natutuwa ako dahil may palaruan dito. Ang daming slides at monkey bars na sakto lamg ang taas para sa mga paslit na kagaya ko ang daming bata na nakiki paglaro sa akin kaya natutuwa ako pero tinawag na ako ni Tatay kaya tumigil muna ako sa paglalaro at nilapitan sya. "Bakit po tatay? hindi pa po ako tapos maglaro" nakasimangot na angal ko sa kanya. Tinawanan lang ako ni tatay at pinatalikod sa kanya "tignan mo Mia pawis na pawis ka na ang sabi ko naman kasi sayo ay wag kang masyadong tumakbo takbo dahil baka ubuhin ka" pinunasan ni tatay ang likod ko at pagkatapos ay nilagyan nya ng sapin. "Eh kasi naman Itay ngayon lang po ulit tayo nakapunta dito" "Masaya ba ang prinsesa ko?" Ngiting tanong ni tatay at marahang pinisil ang pisngi ko "Opo itay! Balik pp ulit tayo dito ha?" Napapalakpak pa ako sa tuwa "Ofcourse my majesty" napatawa ako. Yan ang tawag sa akin ni tatay simula nung bata ako dahil ako daw ang prinsesa nya at si Nanay ang reyna ganoon din ang tawag ng tatay sa mag ina nya tulad sa palabas sa tv na pinapanood namin ni nanay kadahapon. "I love you princess. Don't ever forget your daddy when you grow up okay?" Tumango ako "yes po tatay! Mahal ka din po namin ni Nanay!" ginulo ni tatay ang buhok ko natigil ang usapan namin ng tinawag na kami ni nanay "Napakaganda namang tignan ang mag ama ko. Halika na kayo't kakain na tayo" ngaiting sabi ni Nanay. Nagising ako nun ng 3:00 ng madaling araw at naiyak dahil napanaginipan ko si Itay. It feel so real and nostalgic. I suddenly miss Tatay muli na naman akong dinadalaw ng mga panaginip kasama si tatay kaya nahirapan ulit akong makatulog. Natigil ang pag iisip ko ng mabangga ako ng lalaking papasalubong sa daan na daraanan ko "Oh sh*t ano ba yan! Miss nabasa mo yung damit ko" nagulat ako ng makitang nabasa sya ng tubig galing sa hawak kong tray na dapat ay dadalin ko sa dishwashing area. Kumuha ako ng tissue sa likod ng bulsa nitong apron na suot ko "I'm sorry Mister!" "Wala ng magagawa yung sorry mo miss. Basa na ang damit ko tsk!" Kumulo ang dugo ko pero hindi ko sya pinatulan dahil customer sya sa halip ay nagsorry lang ulit ako. Umalis na sya habang pinupunasan parin ang damit nya --- Mabuti at natapos ng mabilis iyong kapalpakan na nagawa ko kanina hayst pero hanggang ngayon naiinis parin ako dun sa lalaki. Anyway tapos na ang shift ko kaya nagpaalam na ako sa manager ko and nagsorry dahil sa nagawa ko kanina. Hindi naman big deal sa kanya iyon dahil naayos ko naman daw agad. I'm changing my clothes. Naghahanda na para makauwi when I hear a woman voice saying "Mia" kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Nung una ay hindi ko maalala kung kanino ko narinig ang tinig na iyon dahil para lang itong binubulong sa hangin but when I hear it again and this time it was loud and clear. "Miaaa!" Boses iyon ni Nanay. Her voice scream in fear and hindi na ako nakapag isip pa ng tama, all I want to do is to know if my Nanay is fine. Tumakbo na ako palabas ng Alice pati na rin ang sakayan ay tinakbo ko narin sa sobrang kaba na patanong ako kay mamang driver if he can drive faster because I'm in hurry. Emergency matter. Mabuti na lang ay napakiusapan ko si kuya kaya kahit papaano ay binilisan nya ngunit nandoon parin yung pag iingat dahil may ibang pasahero parin nga naman syang sakay. Lakad takbo ang ginawa ko ng makababa na ilang kilometro na lang ang layo ay rinig na rinig ko ang pagkabasag ng kung ano pagkapasok ko pa lang sa pinto ay kita ko na ang basag basag na flower vase at tv sa sala. Ang kalat ng buhay dahil pati ang mga picture frame at upuan ay nagkalat o natumba narin kung saan mabilis hinanap ng mata ko si nanay. Nakita ko sya na nakatayo sa sulok ng sala malapit sa likod ng sofa na nakatumba na. Sugatan ang kaliwa nyang braso at pati ang kanyang kanang pisngi ay may bahid ng dugo. "Nay! Ano pong nangyari?!" Nilapitan ko sya agad at aligagang tinignan ang mga sugat nya. "Nilooban tayo ng magnanakaw Mia. Nanlaban ako kaya ganito ang inabot ko" "What?! Nay naman dapat hindi ka na lumaban. What if that someone did worst to you?!" Kinakabahan parin ako kahit nandito na ako sa tabi ni nanay. Nakakaba dahil nadatnan ko sya ng ganito "Don't worry iha mababaw lang maman ang mga sugat ko" hinawakan ko sa kamay si nanay at inakay sya sa upuan malapit sa pinto dahil yun lang ang natitirang maayos parin ang lagay. Pumunta muna ako sa kusina at nadatnan kong basag basag rin ang ibang mga kagamitan dito. Hindi ko muna ito pinansin at kumuha ng baso para salinan si nanay ng tubig pagkatapos ay bumalik ako ulit sa sala. Inabot ko ang inumin at hinagod ang likod nya dahil medyo hinihingal parin sya "Nay sino po ba ang nanloob sa bahay? Dapat pagkanon po ay hindi na kayo lalaban" "A-apat na lalaki nak. Hindi ko naman alam na mga armado pala sila. Eh ayoko naman kunin nila ang mga gamit na pinaghirapan namin ni T-tatay m-mo" nauutal sya siguro ay dahil sa mga nangyare "Nay alam nyo naman pong mahal ko kayo at ayokong nasasaktan kayo. Sa susunod pag aalis ako ay maglolock na po kayo ng gate ha? Pati nung screen door natin ay ilock nyo para hindi na tayo ulit pasukin ng magnanakaw" tumango lang si nanay "Do you want to go to the hospital Nanay? Para macheck up kayo ng mas maayos" suhestiyon ko "Hindi na. Hindi naman malalim ito" tinignan nya ang mga sugat nya "Sge nay ako na lang po ang gagamot" kinuha ko sa kabinet doon sa kusina yung medicine kit namin at pagkatapos ay nilinisan ang sugat ni Nanay. Tapos ko na syang linisan "Magpahinga na po muna kayo. Ako na po ang bahala dito" "Salamat iha" aalalayan ko pa sana sya papunta sa kwarto nya ngunit sabi nya ay kaya nya naman na daw Na sa hagdan na sya ng may na aalala ako "Nay. Tinawag nyo po ba ako kanina? Narinig ko po kasi yung boses nyo kaya ako tumakbo papunta rito" kuno't noong tanong ko Tumigil sya sa paglakad sa hagdan at lumingon sa akin "Hindi Mia. Baka dahil ako ang ina mo kaya nararamdaman mo rin kapag may mali sa akin. Like you know yung sinasabi nilang we're connected to each other kasi dugo at laman ko ang nadaloy sayo" mahabang lintanya nya. "Sabagay nay. Sge po magpahinga na po kayo" kahit nagtataka ay tinanggap ko ang mga sinabi nya dahil mukha namang makatotohanan. Nagligpit na ako ng mga kalat at nagwalis ng mga bubog sa sahig. Matapos ko maglinis ay naligo na ako at nagpalit ng damit dahil hindi ako nakapagbihis dahil sa sobrang pag aalala ko. --- Araw na ng sabado ngayon at bukas ay linggo kaya bukas ay wala akong pasok. Tulad ng dati ay naikot na naman ako kadatable para ibigay ang mga order nila. "This is your order mam! Thank you for choosing Alice!" Ngiti ko sabay tango sa babae wala naman itong sinabi kundi ay ngumiti lang sakin kaya tumalikod na ako para umalis. Nakita kong may kalat pa sa table nung lalaking nakaupo na roon. May hawak syang card number kaya malamang ay kadarating lang nito dito para kumain. "Hi Sir! Excuse me" paalam ko bago kunin ang mga kalat sa lamesa nya pagkatapos ay nagspray ng alcohol sa lamesa at pinunasan ng tuyong towel. Aalis na ako kaya tinignan ko na ulit ang lalaki para makapagpaalam sana pero nagkatinginan kami sa mata at may narinig akong baritonong boses sa kung saan "Kailangan na po namin kayo" napakunot ang noo ko. Lumingon ako kung saan saan pero wala naman akong makitang malapit sa akin na ganoon ang sinasabi. "Malapit na ang takdang oras" bulong ulit ng baritonong boses. Tinignan ko ulit yung lalaking katabi ko pero parang nagtataka sya. "Posible bang naririnig mo ako ngayon? Pero hindi ka pa isinasanay kaya imposible iyon" huh? Ito kayang lalaking na sa harapan ko ang nagsasalita? Nangyari narin to sa akin noon yung animo'y tinatawag din ako ni Inay. "Miss pakilinis nga rin po nito" tawag sa akin nung matandang babae sa kabilang table. Kahit nagtataka ay pumunta na ako doon at pinagpatuloy ang trabaho 'kailangan naman saan? Sino kaya yun' pagkausap ko sa sarili ko bago ako umalis sa table na pinag lilinisan ko ay tinignan ko ulit yung lalaki kanina, kumakain na sya ngayon para naman syang normal at baka gutom lang ito dahil 4pm na ng hapon pero hindi pa kasi ako nakain hanggang 5pm pa ako magseserve bago matapos ang shift ko. Mabilis na lumipas ang oras linggo na ang araw ngayon. Ang kwarto ko ay na sa unang palapag lang naman ng bahay kaya dumiretso na ako sa kusina na abutan ko si Nanay na nagluluto ng agahan. "Good morning Nay! Ano pong niluluto ninyo?" Pupungat pungat na tanong ko. "Sopas ito iha. Maupo ka na roon malapit na itong maluto" Pagkatapos namin mag umagahan ay naligo na ako dahil naisipan kong bumili na ng mga gagamitin ko sa school para sa klase bukas. Nakita ko si Nanay na nagdidilig ng halaman nya sa labas ng pinto "Nay alis po muna ako bibili lang po ako ng gamit sa school" "Kumuha ka ng pera ko sa wallet Mia, nandoon sa may tabi ng upuan" "May sahod naman na po ako dito. Ito na lang po yung ipapambili ko ng gamit" "Ganoon ba? Sge kumuha ka na lang sa wallet ko ng pera pang grocery. Nandoon na rin yung listahan ng mga bibilihin, ako sana ang bibili kaso aalis ka na rin naman Anak kaya ikaw na lang ha?" "Sge po Nay" pagkatapos kong kunin yung pera pati listahan ay nagpaalam na ako kay nanay. Papunta roon mag je-jeep na lang ako tapos sa pag uwi naman ay taxi na lang dahil mukhang madami dami iyong binigay ni Nanay na listahan na bibilihin ko. Na sa loob na ako ng mall pumunta muna ako sa bilihan ng school supplies. Tapos na akong mamili ng kagamitan ko sa school kaya dumiretso naman ako sa 4th floor dahil nandoon yung grocery store Napili ako ngayon ng mga frozen foods ng may naramdaman akong nakatingin sakin. Nilibot ko yung paningin ko at nakita ko yung babaeng nakapula doon sa pinaka dulo ng store malapit sa bilihan ng mga hatdogs. Nakita kong kulay pula yung mata nya naisip ko na baka contact lense lang iyon kaya namili na lang ulit ako dito sa mga bibilhin ko pero nagulat ako ng may humawak sa palapulsuhan ko. Kumunot ang noo ko at nag angat ng tingin sa humawak sakin. Nagulat ako dahil ito yung babaeng nakapula pero teka diba na sa dulo sya kanina. "Sumama ka sakin" mahinahon yung boses nya "Who are you?" Takang tanong ko sabay bawi ng kamay ko. "Sumama ka sakin" mas madiin na wika nya ngayon "Hindi kita kilala kaya bakit ako sasama sayo?" Mataray na sabi ko. Kung kanina ay akala ko contact lense lang ang suot nya ngayon ay nakita kong kumislap yung mata nya. Namangha ako at the same time natakot dahil para nya akong lalamunin ng buhay sa tingin nya "Kung ayaw mong magkagulo tayo dito ay sumama ka na sa akin bata" wow? Bata? Sa laki kong to? "Leave. Me. Alone." Nakakairita ha hindi porket hindi ako katangkaran ay pagkakamalan nya akong bata excuse me? 5'5 yung height ko noh! sadyang matangkad lang sya kaya nagmukha akong bata sa harap nya Wtf? Hinawakan nya yung balikat ko at piniga para akong mababalian ng buto kahit isang kamay pa lang gamit nya. Madami ng tao ang dumadaan at nakatingin sa amin pero parang wala lang syang pake. "A-ano ba! Bitawan m-mo nga a-ako?! Tatawag ako ng s-security sge h-ha!" Nilakasan ko na ang boses ko kahit nahihirapan na akong magsalita Naramdaman kong parang gumagalaw ang lupa at lumakas ang hangin para akong kinukuryente ng paligid pero bigla iyong natigil ng may sumakal sa babaeng na sa harap ko. Wala silang binibitawan na salita naglalaban lang sila sa hangin ngayon. Tatawag na sana ako ng security pero nakita kong nakatigil ang mga tao sa paligid. "Anong nangyayari? Ano to?! Sino ba kayo?!" Sigaw ko sa kanila pero parang wala silang naririnig at nagsisipaan lang sa ere Naka cape na kulay yellow ang nakikipag away sa babaeng nakapula hindi ko alam kung babae o lalaki ba yung na sa loob ng kapa dahil nakatalikod sya sakin at sumasabay sa ritmo ng katawan nya yung kapa kaya nikahit aninag ay hindi ko makita ang mukha at katawan nya. Sinipa ng nakakulay pula yung nakayellow kaya tumalsik sya pababa masyado sigurong malakas ang pagkapagsak nya dahil nagbitak yung sahig. Mabilis syang bumangon at lumipad ulit pabalik sa ere. Unang sumugod ulit yung nakapula akmang sasapakin nya pero nasalag ng nakayellow yung pag atakeng gagawin nya sana, tapos ay hindi ko na alam ang nangyari dahil biglang bumilis ang kilos nila para silang naging hangin dahil kung saan saan sila lumilipad at bumabagsak. Ang gulo na ng buong store dahil nagkalat ang mga paninda sa sahig. Hindi ko na binalak na magsalita pinanood ko na lang silang kahit halos hindi ko alam anong nangyayari. Halos abot langit na ang takot at kaba ko Ang huling nasaksihan ko ay bumagsak yung babaeng nakapula at biglang nawala. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil naramdaman kong dumidilim ang paligid at bumigat ang pakiramdam ko. Unti unting lumalapit yung nakayellow sa gawi ko pero hindi ko na maaninag yung mukha nya at bigla na lang akong nawalan ng malay...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Warrior's Second Chance

read
329.6K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
69.9K
bc

True Luna

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
201.9K
bc

Holiday Fling with the Fae King

read
11.7K
bc

Alpha's Rejected Mate

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook