CHAPTER 2
-------------
YANZ POV
------------
Gustuhin ko mang humingi ng tulong ay hindi ko na ginawa dahil ayaw ko ng magtiwala. Tama na ang minsang naloko nila ako dahil sa kahinaan ko. Baka pag nagsuplong na naman ako sa presinto ay ibalik lang nila ako sa mga scammer na yon.
"Yanz! Yanz! Andyan ka pa ba?! Bakit hindi ka sumasagot. Okay ka lang ba ha?! Yanna!", Umiiyak na tanong ni Ruth sa kabilang linya. Bakas na bakas sa boses nya ang sobrang pag aalala.
Pinigilan ko ang sarili ko na lalong mapa iyak. Gusto kong magsumbong sa kaibigan ko at ikwento lahat ng pasakit na inabot ko pero ayaw ko na mas mag alala pa sya.
"Okay lang ako... Ruthay pakiusap ikaw na muna ang bahala kay nanay. Pangako ko babalikan ko kayo, hahanap lang ako ng perang pang opera kay nanay...",napatakip ako sa bibig ko at pilit kong pinigilan ang aking paghikbi.
Sobrang dami ko pa sanang gustong ibilin at sabihin pero nawalan ako ng pagkakataong gawin yon dahil sa isang putok ng baril na narinig ko.
"Ayon yung babae!!! Hulihin nyo!!!" narinig kong sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan sa mga kasama nya.
Alam ko na isa sya sa mga humahabol sa akin dahil magkakamukha sila ng suot na itim na jacket.Sa gulat ko ay hindi na ko nakapagpaalam pa kay Ruth at nagtatakbo na kong paalis sa telephone booth.
Pinili kong puntahan ang palengke kung saan ay maraming tao ang nagkukumpulan.
Lakad, takbo at tago ang ginawa ko.
Halos sumabog ang puso ko sa lakas ng t***k nito. Natatakot ako na baka mahuli nila ako.
Natatakot talaga ko!
Sa kakatakbo ko ay hindi ko na napansin na nakarating na pala ako sa gawing parke. Ang malas naman at walang masyadong tao ngayon dito.
Kaya sa pagkakatong ito ay na spot-an na talaga ako ng mga humahabol sa akin. Pawang mga nakasakay sila sa isang kotseng puti at brown na van. Hindi ko maipagkakamali ang mga sasakyang yon dahil doon nila ako pilit isinakay nung damputin nila ko dati sa police station.
Parang praning na nagtatakbo ako sa iskinita na nakita ko. Kung may makakakita nga sa ayos ko ngayon ay mapagkakamalan pa akong runaway princess sa maganda at mamahalin kong white dress. Idagdag pa ang mahaba at kinulot kong buhok.
Bakit nga eh ang ganda ganda ng damit ko at may pwersahan pang make up kanina. Kung baga, binihisan talaga nila ako dahil for pick up na ako ng mayamang customer nila.
"Diyos ko..." Natawag ko pa ang panginoon ng marating ko ang dead end.
Wala man lang mga katao tao doon o lugar na pwedeng pagtaguan. Basta parking area yon na madaming mga sasakyan na nakaparada. Unang pumasok sa isip ko ay magtago sa likuran ng isang kotse pero hindi tanga ang mga humahabol sa akin para hindi nila ako makita.
Dahil desperada na ako ay isa isa kong pinagbubuksan ang mga pinto ng alin mang sasakyan na madaanan ko. Umaasa ako na baka sakaling may naka iwan na bukas ang sasakyan nila ay makikitago muna ko.
Promise naman ay hindi ko itatakas ang sasakyan nila dahil hindi naman ako marunong mag drive!
Hindi matapos tapos ang dalangin ko habang nagbabakasali pa din ako. Hindi ko na alintana ang taas ng sikat ng araw at kung naghahalo na ba ang pawis at luha ko sa pagtulo ng mga ito. Basta ang mahalaga, maging safe lang ako kahit sandali.
"Please... Please... Isa lang..." Nanginginig ang mga kamay na pinagpatuloy ko ang pagbubukas ng mga seradura ng kotse.
Kaya laking gulat ko ng biglang bumukas ang front seat ng isang itim na kotse kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumakay don. Timing na timing lang kase dahil yung pagkakatago ko ay sya namang pagparada nung dalawang sasakyang humahabol sa akin.
"Diyos ko Lord, salamat po!" relieved na sabi ko. Feeling safe at the moment! Napa sign of the cross pa nga ako eh!
Tapos wala sa sariling napatingin ako sa driver seat at laking gulat ko ng makita ko na may lalaking naka subsob sa manibela na akala mo nakatulog habang nagmamaneho.
"Kuya?! Kuya!?", Kinalabit ko sya sa pag aakalang natutulog lang sya.
Pero nakakailang tawag at kalabit na ako ay wala pa ring sagot. Lalo akong natakot at kinabahan, kase napansin ko na may dugo ang kanang kamay nya.
Shet!
Sa isip ko ay di ko talaga napigilan ang mapamura! Hindi ko alam kung ano tong napasukan ko pero sana ay hindi naman komplikado dahil talagang maloloka na ko!
"Kuya! Siguro hindi ka naman patay hindi ba?!" Mukhang tangang tanong ko.
Nung di pa rin sya kumilos ay lakas loob ko syang hinila at isinandal sa head rest ng upuan. Nakapikit sya at maputla na sya. Ganon pa man ay hindi ko naiwasan na mapatitig sa mukha nya!
Hindi ito ang tamang oras para humanga pero...
Isa talaga syang "oppa!" With matching his hair na nakababa like kpop!
Ang gwapo! Just like my type! Titig na titig talaga ako kasi mukha syang artista. Ang ganda ng kutis nya halatang may pagka foreigner.
Nasa ganon akong moment nung bigla syang dumilat at tumitig din sa akin.
Tumitig ng masama!
"Who the hell are you?!" Naka kunot ang noo na tanong nya.
Halatang nagulat din sya pagkakita nya sa akin kaya pinilit nyang umayos ng pagkakaupo. Napansin kong napangiwi sya dahil baka may sugat syang kumirot sa pagkakagalaw nya.
"Sorry, hindi ko naman sinadyang sumakay dito sa kotse mo. Kaya lang may mga taong humahabol sa akin eh. Papatayin nila ko pag nakita nila ko kaya sana...",
"I don't care! Just leave!" singhal nya sa akin na hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko.
Halatang nainis sya sa ginawa kong pagpasok sa sasakyan nya ng walang paalam.
Napagsalin salin ko ang tingin ko sa katabi ko at sa mga lalaking humahabol sa akin na ngayon ay sinisimulan na ang pag silip sa mga kotse na dinadaanan nila. Ewan ba at parang sure sila na hindi ako lumayo at nagtatago lang talaga ako sa isa sa mga sasakyan dito.
Ang nakakatakot pa ay ilang sasakyan nalang ang layo nila sa kotseng kung saan naroon kami. Nakakainis naman kase at ayaw pa nila akong tantanan!
Eto nga at nalilito na talaga ako kung tatakbo na ba kong palabas ng sasakyan ngayon dahil pinagtatabuyan na ko ng lalaki sa tabi ko o magmamakaawa nalang muna ko sa kanya na baka pwedeng mag stay muna ako?
"Please, magtatago lang ako sandali." pakiusap ko ulit.
"I said, I don't care! Get out!" sigaw nya na hindi nagbago ang expression ng mukha.
"Get out! Now!" ulit pa nya at automatic na na-unlock ang pinto ng kotse.
Isang malakas na putok ng baril ang nagpagulat sa akin.
"Please! Ayan na sila papatayin nila ko! Madadamay ka pa! Please! Umalis na tayo! Umalis na tayo!", Halos maiyak sa takot na sabi ko.
I mean! Umiiyak na talaga ako!
Tapos may nag beep beep sa loob ng sasakyan, yung parang sound na warning...
Then narinig ko lang na sabi nya ay "s**t!"
Tapos ay mabilis na nyang pinatakbo yung sasakyan paalis. Natakot nga ako sa paraan nya ng pagda-drive eh. Kaskasero kase sya!
Hindi ko sure kung ganito talaga sya o dahil may sugat lang kase sya kaya medyo bad mood sya!Muntik pa nga nyang sagasaan yung isa sa mga taong humahabol sa akin eh. Ni hindi na nga kami nagawang paputukan ng baril ng mga yon, mga nagulat din siguro dahil biglang may sasakyan na humarurot.
"Salamat kase nagbago ang isip mo! Pero sana wag naman masyadong mabilis ang pagda-drive mo kase baka maaksidente tayo!!!!", Napapikit ako ng bigla syang lumiko sa eskinita at muntik na kaming makasagasa ng isang tao!
As in ng tao!
Kaya ganun nalang ang nerbyos ko. Nakita ko na may in-open syang parang maliit na button sa may manibela tapos ay may maliit na monitor din na lumabas don. Mukhang hologram projector.
Parang ganon.
Basta hindi ko naiintindihan pero parang may binabasa sya sa mga nagbi-blink blink don. Tapos ay mas bumilis pa ang takbo namin. Liliko liko kami sa eskenita na parang sure na sure syang hindi yon dead end.
"Ano ba to? Shooting sa pelikula?!", Napatanong tuloy ako sa isip ko.
"Hoy ano ka ba?!", Bawal ko sa kanya habang halos masubsob na ko sa kaka preno nya. Salamat nalang talaga sa seat belt at buhay pa ko ngayon!
So eto at nasa highway naman kami!
Aatakihin na talaga ako sa puso dahil ngayon naman ay ini-ignore nya ang ang mga traffic lights! Halos mapatili nalang ako sa kaba at takot!
"Shut up! Or i'll push you out!", pananakot nya at tinignan pa nya ko ng masama!
Medyo natakot ako don kaya naman tumahimik nalang talaga ako at paimpit nalang na sumisigaw.
"Ang sungit ng englishero na to!", Bulong ko sa sarili ko pero nevermind!
Ang mahalaga ay wala na yung mga humahabol sa akin! Kung makakalayo talaga ako ngayon ay siguradong hindi na ako magpapakita sa kanila!
Pag "wang wang" ng police car ang nagpatigil sa mga isipin ko. Ano naman daw to ngayon?Parang gusto ko ng bawiin ang salitang "kung makaka layo talaga ako!" Dahil baka walang ganon!
Kase paglingon ko sa likuran namin ay wala nga doon ang dalawang sasakyan ng mga scammer na humahabol sa akin ay meron namang dalawang mobil car. Idagdag pa ang ilang itim na sasakyan na nakabuntot din sa amin.
"Teka muna! Anong nangyayari dito?!", Natatarantang tanong ko.
Ngayon ko lang nabigyan ng higit na pansin ang lalaking katabi ko. Kanina kase ay talagang nabighani ako sa kagwapuhan nya.
Ngayon ko lang napansin na, nakadamit pa pala sya ng hospital gown ng isang sikat na hospital sa syudad! Mukhang tumakas lang talaga sya don!
Wala sa sariling nalibot ko tuloy ng tingin ang sinasakyan namin. Sobrang moderno! At bagong bago pa!
At sa edad nyang halos ka edad ko lang ay sure akong wala pa syang lisensya!
Nahintakutan ako!
What if kung ninakaw lang pala nya ito?
Oh no!
At ano kaya ang lalaking to?
Worst ay baka isa syang miyembro ng sendikato at ngayon ay nadamay na rin ako! Baka may ginawa syang palpak na magpa pahamak sa grupo nila kaya ngayon ay idi-dispose na sya! Iyon siguro ang dahilan kung bakit may mga itim na magagarang sasakyan na humahabol ngayon sa amin!
Namutla ako at natahimik.
Itutuloy...