Chapter 1

2450 Words
CHAPTER 1 ------- YANZ POV ------- "Isa akong babae!" Pero ngayon habang nakaharap ako sa salamin ay hindi na ako sigurado kung ano ba talaga ako. Habang pinagmamasdan ko kasi ang aking repleksyon ay hindi ko na nakikita ang aking sarili bilang si Yanna Cruz. Bagkus ay isang gwapong lalaki na may magandang mga mata. Oo, isa akong babae pero simula sa araw na ito ay kailangan kong mamuhay at magpanggap bilang ang nag-iisang tagapagmana ng Grand Midori Corporation. Ito ay isang sikat na kompanya na may kinalaman sa produksyon ng mga modernong teknolohiya. Ang tagapagmana nila ay may malaking pagkakahawig sa akin. At sa tulong ng makabagong kagamitan na naimbento nila ay lalo niya akong naging kamukha. Hindi ko alam kung tama ang aking desisyon na pumayag upang magpanggap. Subalit wala akong ibang pamimilian dahil ito lamang ang tanging paraan upang makalaya ako at ang aking pamilya sa aming miserableng kalagayan. Kalagayan na hinding-hindi ko makakalimutan habang ako ay nabubuhay. ------ SIX MONTHS EARLIER ------ MANILA PH ------ "CONGRATULATIONS, Yanz!" bati sa akin ng kaibigan kong si Ruth. Simula elementary pa lang ay best of friends na kami kung kaya't kitang-kita ko sa kanyang mukha kung gaano siya ka-proud. "Salamat Ruthay! Sinuwerte lang talaga ako dahil ako yung nakakuha ng mataas na score sa exam!" sabi ko na hindi pa rin makapaniwala. "Anong sinuwerte? Matalino ka naman kasi talaga noh! Kaya super deserve mo ‘yung scholarship na iyon for college! Grabe! I'm so happy for you!" sabi ulit niya na pinindot-pindot pa ang mukha ko na parang nanggigigil. Nung in-announce kasi sa school kanina ‘yung about sa scholarship na bigay ng principal namin ay nagkataong absent siya. So, ngayon na nagkita kami dito sa maliit na grocery na malapit sa mga bahay namin ay sobrang saya niya. "Aray! Ano ka ba? Tigilan mo nga ‘yung pisngi ko! Mamaya n’yan ay mapalaki mo pa ‘to!" Kunyari ay reklamo ko. "Ang sungit mo naman, ghorl! FYI, malaki na talaga 'yan, noh!" natatawang sagot naman niya sa akin. Bago niya tuluyang tantanan ang mga kawawa kong pisngi ay pinisil pa niya ulit ang mga ito. Ang kulit talaga! "So Yanna, dahil may scholarship ka na... meaning makakapag-aral na tayo nang magkasama sa college, tama?" maya-maya ay tanong sa akin ni Ruth. Dahil hindi ako sigurado sa isasagot ko ay hindi na lang muna ako sumagot. "Huy, ano na?" pangungulit niya. "Ruth ang totoo, hindi ko kasi alam. Kahit kasi libre ang tuition fee ko marami pa rin tayong magiging gastos sa pagpasok araw-araw. Hindi ako sigurado kung kaya pa ng mga magulang ko na tustusan ang pag-aaral ko ngayon. Alam mo naman na nagsara na ‘yung maliit naming kainan kaya wala na kaming nakukuhanan ng panggastos. Naawa nga ako kay nanay kasi ang dami niyang problema. Kaya nga ang balak ko talaga ay magtrabaho na lang muna para matulungan ko sila kaysa ang mag-aral," honest na sagot ko habang titingin-tingin ako sa mga estante ng mga de lata. Ginawa kong busy ang aking sarili habang si Ruth naman ay matiyagang nakasunod sa akin at nakikinig. Ayaw ko mang maghimig kawawa at malungkot sa harap niya ay iyon naman kasi ang totoo. God knows how much I want to study pero alam ko sa sarili ko na medyo imposible na. Ngayon ay halos mas mahirap pa kami sa daga at mas magiging mas mahirap pa. Dahil habang lumilipas ang bawat araw ay lalo kaming nababaon sa utang. Ang laki kasi ng mga tubo ng utang ni Tatay sa loan shark sa bayan. Nanggigipit silang masyado dahil grabe din silang maningil ng pautang. Walang araw na hindi sila nagpupunta sa bahay at minsan ay may kasama pang pananakot. Hindi man aminin ng mga magulang ko ay natatakot na sila tulad ng takot na nararamdaman ko. "Ganoon ba?" malungkot na sabi niya tapos ay napabuntonghininga pa. "Alam mo, kung mayaman lang kami, I'm sure pag aaralin ka nina Mama. Alam kasi nila na matalino ka at masipag mag-aral na hindi katulad ko. Kaya lang, alam mo na... Iniraraos lang din nila ang pag-aaral naming magkakapatid kaya hindi ko sila mahilingan. Kaya pasensya ka na, Bes, kung wala akong maitulong sa’yo, ha?" "Ano ba 'yang sinasabi mo? Gagi! Huwag ka ngang madrama! Mga bata pa naman tayo at may next time pa. Malay mo, ‘pag nakaipon na ako, makapag-aral na rin ulit ako," nakangiting sabi ko sa kanya. "Tara sa cashier, magbayad na tayo kung tapos ka na," yaya ko sa kanya. Ayoko nang mas lumungkot pa kaming magkaibigan kaya iniba ko na lang ang usapan. "Dalawang daan at limampung piso," sabi nung cashier after niyang kuwentahin ang halaga ng mga pinamili ko. Ang kaunti lang ng mga bagay na kinuha ko pero ang taas na agad ng presyo. "Eto po, salamat," sabi ko sa cashier. "Huy, Yanna, halika dito. Dali!" tawag sa akin ni Ruth habang may pinapanood siya sa may telebisyon na naka-hang sa wall nung tindahan. Actually, sa taas nga no’n ay halos nakatingala na siya. Sinenyasan ko siyang sandali lang. Nauna kasi siya sa akin na makabayad. Nung makuha ko ‘yung supot ng pinamili ko ay lumapit agad ako sa kanya. "Ano ba iyang pinapanood mo?" usyoso ko. Pagtingin ko sa screen ay nakita ko ang popular na commercial ng isa sa prestigious school ng bansa, ang King's Pride University. Hindi man ipakita ang loob ng kanilang paaralan ay maraming nagsasabi na sobrang laki daw nito. Sabi pa nga ng iba ay para daw itong palasyo sa ganda at lawak. Kaya nga ang mga nakakapag-aral lang din dito ay mga anak ng mayayaman. Lalo na at ang school nila ay matatagpuan pa sa isang pribadong isla na pag-aari ng isang mayamang tsinoy. Iyon ay ang sikat na sikat na Wangguan Island, ang hugis koronang isla. "Huwag mong sabihin sa akin na pinapangarap mo na mag aral diyan?" tanong ko kay Ruth na walang kakurap-kurap ang mga mata habang nakatunghay sa commercial. "Oo naman! Bakit ikaw, ayaw mo ba?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. "Gusto ko! Pero mas gusto ko na lang mangarap ng ibang bagay na malapit sa katotohanan, noh! Sa katayuan ko sa buhay, ilusyon na lang ‘pag pinangarap ko pa na mag-aral sa ganyang university! I'm sure sobrang mahal mag-aral diyan at sobrang taas ng standard pagdating sa mga IQ ratings! Kahit utak ko, hindi papasa sa kanila," naiiling na sagot ko sa kanya. "Grabe ka naman sa part na hindi ka papasa! Matalino ka! Kailangan mo lang ng konting tiwala sa sarili mo, Bes! Anyway, umaasa pa rin ako na sabay tayong makakapag-college tapos pakopyahin mo pa rin ako ng mga assignments, ha!" natatawang komento pa niya sa akin. "Gagi! Iyon lang pala ang intensyon mo, ha!" natatawang sabi ko din sa kanya. "Tara na nga at baka gabihin pa tayo," yaya ko sa kanya. "Ikaw ba si Yanna Cruz?" tanong sa akin ng isang lalaki. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Ruth sa kalsada nang may tatlong lalaki ang biglang humarang sa amin. "S-sino ba kayo?" kinakabahang tanong ko. Pero imbis na sagutin nila ako ay inulit lang nila ‘yung tanong kanina. Nung mapansin ko ang tila logo ng loan shark na pinagkakautangan ni Tatay sa gawing ladlaran ng jacket nila ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ulit ako sumagot kaya napilitang dumukot sa bulsa niya ‘yung isang lalaki at may kinuhang larawan. "Siya nga ‘yung babae, boss," sabi nito sa katabi niyang lalaki after niyang ihambing ang aking istura sa hawak niya. Mahina lang ang boses niya pero umabot pa rin iyon sa aking pandinig. "Yanna, ano bang nangyayari dito? Sino ba iyang mga lalaking 'yan?" pabulong na tanong ni Ruth habang lalong humihigpit ang pagkakataban niya sa akin. Hindi man niya tahasang sabihin ay natatakot din siyang katulad ko. Bakas iyon sa tono ng boses niya at sa pamamawis at panlalamig ng kanyang mga palad. "Hindi ko alam pero sigurado ako na hindi maganda ang sadya nila," kinakabahang sagot ko sa kanya. I planned to ask Ruth to run pero bago ko pa magawa iyon ay bigla na lang akong dinaluhong ng mga lalaki. Lalo tuloy akong nahintakutan. "Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan!" sabi sa akin nung isang lalaki habang mahigpit niya akong hawak. "Anong ginagawa n’yo? Bitiwan n’yo ‘ko!" sigaw ko habang pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nila. "Bitiwan n’yo si Yanna! Bitiwan n’yo s’ya!" sigaw naman ni Ruth habang inihahampas n’ya ‘yung mga pinamili niya sa mga lalaking nakahawak sa akin. Halos magkapaos-paos pa nga siya sa paghingi ng saklolo. Pero dahil papadilim na rin at madalang ang dumaraang tao at mga sasakyan sa gawing ito ay walang makarinig sa kanya. "Tulong!!! Tulungan n’yo kami!" sigaw naming magkaibigan. "Tumahimik kayo! Lalo na ikaw!" singhal nung isang lalaki na bigla na lang sinuntok si Ruth. Dahil sa lakas ng impact no’n ay nawalan ng malay ang kaibigan ko at humandusay na lang sa sahig. "Ruth!" sigaw ko. Nang makita ko ang nangyari sa kanya ay talagang nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Nahigit ko ang aking paghinga, nanlamig at nanginig ang buong katawan ko sa magkahalong galit at takot. "Ang daldal kasi! Boss, pwede ko bang tangayin ang babaeng ‘to?" hiling pa nung lalaking nanakit sa kanya. Nang marinig ko ang sinabi niya ay lalo akong namuhi. "Mga walanghiya kayo! Ang sasama n’yo! Huwag n’yong idamay dito ang kaibigan ko! Wala siyang kinalaman dito! At pwede ba, pakawalan n’yo ‘ko! Pakawalan n’yo ‘ko!" sigaw ko habang pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nila. Pero hindi sila nakinig imbis ay mas kinaladkad pa ako nung dalawa pasakay sa sasakyan nila. Sa takot ko ay halos namaos ako sa kahihingi ng tulong. "Tumahimik ka kung hindi ay papatayin na lang kita!" bulyaw sa akin nung isa. Kahit nakakatakot ang kanyang pagbabanta ay pilit pa rin akong nag-isip kung paano ako makakatakas. Kaya nga nung makatiyempo ako ay buong lakas kong kinagat sa kamay ‘yung lalaking nakahawak sa akin. Nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin ay nagtatakbo agad ako papalapit kay Ruth. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na gawin iyon. Basta sa isip ko ay kailangan naming makatakas na magkaibigan. "P*uta ang sakit no’n, ah!" mura nung lalaki sabay utos na kunin ulit ako. Kaya nga hindi pa ako nakakalayo ay bigla na lang may humablot ng buhok ko. Sa puwersa no’n ay halos matanggal nga ito sa aking anit kaya napasigaw ako sa sakit. "Tatakas ka pang babae ka! Hoy, baka hindi mo alam? Malaki ang utang ng tatay mo sa amin at ikaw ang napili niyang pambayad!" naiinis na singhal sa akin nung lalaki. "Anong sinasabi n’yo diyan? Masama ang ginanawa n’yong ito! ‘Pag nahuli kayo ng mga pulis, mabubulok kayo sa bilangguan dahil menor de edad kami na winawalangya ninyo!" pananakot ko sa kanya. At bago ko pa matapos ang mga sasabihin ko ay bigla na lang niyang tinakpan ng panyo ang aking ilong at bibig. Nagpumiglas ako pero ewan ko ba at bigla na lamang akong nanghina at nakaramdam ng lubos na pagkaantok. Hanggang sa tuluyan nang namigat ang mga talukap ng aking mga mata at ang nakita ko na lamang ay kadiliman. ------------- THREE MONTHS AGO MANILA PHILIPPINES ->public phone booth ----------------------------- "Yanz, sabihin mo sa akin kung nasaan ka o kung okay ka ba? Alalang ala na ko sayo," halos umiiyak na sabi ng kaibigan kong si Ruth sa kabilang telepono. Pagkarinig ko ng boses nya ay hindi ko napigilan ang umiyak kayat hindi agad ako nakasagot. Sigurado akong matagal na nitong hihintay ang tawag ko. Ilang araw na din kasi akong hindi nakakauwi man lang sa bahay nila kung saan ako nakikitira simula ng mapaalis kami sa sarili naming bahay. Ang totoo ay ilang beses kong tinangkang umuwi sa kanila o tumawag man lang pero sa tuwi tuwina ay laging may mga lalaking naka abang sa akin doon. Maging sa mga telephone booth na katulad ng ganito ay ganoon din. Ilang araw akong nagtago hanggang sa maisipan kong magsumbong na sa mga pulis. Bagay na hindi ko na sana ginawa dahil hindi ko akalain na kasabuwat pala ng loan shark ang mga pulisya doon at ibinigay lang ako ng ganun ganon nalang. Halos mabaliw ako sa kakaisip kung pano ako makaka takas habang nasa poder ako ng mga scammer na yon! Walang segundo na hindi ako naging alerto para protektahan ang sarili ko laban sa mga lalaking halang ang mga kaluluwa. Ilang mga kabataang babae ang mga nakasama ko sa selda nila na hindi nakaligtas sa mga hayok sa laman na miyembro ng samahan nila. Parepareho kami doon ng sitwasyon. Pare parehong nakulong ang aming mga ama dahil sa malaking utang na hindi na nabayaran sa loan shark dahil sa hindi makataong pagpapatubo ng mga ito. Ang naging resulta ay sapilitan kaming kinuha dahil kami na daw ang pambayad sa utang na yon. Tumanggi man kami at lumaban ay wala kaming magagawa kundi ang umiyak nalang at tanggapin kung anong kapalaran ang naghihintay sa amin. Binebenta nila kami na parang isang gamit. Halos mabiyak sa sakit ang ulo ko tuwing maalala ko kung pano bababuyin ang ibang mga nakasama kong kababaihan doon sa lungga nila. Ang mga babaeng walang bumili na mayamang tao ay ginagamit nalang nila at pinagpapasapasahan na animo isang kawawang hayop. Hindi ko alam kung dapat kong ipagpasalamat na may isang mayamang hapon daw ang gustong bumili sa akin kaya ang bilin ng big boss ay huwag na huwag akong gagalawin. Ngayong araw sana ako kukuhanin. Yun ang bagay na hindi ko na kinaya pang hintayin nalang. Kaya kanina habang halos ilan sa mga scammer doon ay umalis para mag deliver ng mga babae ay sinamantala ko ang pagkakataon na yon para akitin yung tinatawag nilang second boss. Ginamit ko ang utak ko! At ipinain ang katawan ko dahil batid ko na type na type ako ng matabang lalaking yon. Sa isip ko ay bahala na kung ano pa ang mangyayari sa akin ng mga oras na yon. Basta ayaw kong tumunganga na lang at hintayin na ibenta ako sa hapon. Kaya nung pinatulan ako ng second boss na yon ay tiniis ko talaga ang pandidiri na mahawakan nya ako saglit at nung bumibigay na sya ay buong lakas ko syang pinagpapapalo. Nung makatakas ako ay nakuha ko pa nga ang baril nya at yon naman ang ipinangtakot ko sa payat na gwardya nya. Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari basta ang alam ko ay nakaalis ako sa lugar na yon. Sa nanginginig na mga tuhod ay nagtatakbo akong palayo. Palayo ng palayo! Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD