Chapter 11

2202 Words
CHAPTER 11 -------------- YANZ POV -------------- Totoo sa puso ko ang ginawa kong ito. Anim na buwan ko din silang nakasama. Matagal din nila akong inalagaan, pinrotektahan at itinuring na hindi iba. Ngayong iiwan na nila ako ng mag isa, ay lalo kong naramdaman ang importansya nila sa akin. Medyo emotional na nga ako pero pinigilan ko ang umiyak. Lalo na at pag angat ko ng ulo ko ay nakayuko din sila sa akin. Ganon na kami mga nagpaalamanan. Wala ng sali-salita ay umalis na din sila agad. Ngayon alam ko na... Hindi talaga ako magiging masaya kanina. Dahil walang sinuman ang sasaya pag iniwan ka na ng mga taong itinuring mo nang pamilya. ---------------------------------- KINABUKASAN ---------------------------------- -} first day of school ----------------------------------- "Goodmorning Yanz!", Bati ko sa sarili ko habang nag iinat inat ako sa kama. Actually ay halos hindi naman ako nakatulog. Kung dahil sa kinakabahan ako sa pag papanggap kong si Iyan o dahil sa malaking pera na nasa passbook ko ay hindi ko alam. Mix emotion! Basta alam ko parang nakalutang ang ulo ko. Due to lack of sleep ay gegewang gewang tuloy akong bumangon. Hindi ko naman kailangan magmadali dahil maaga pa naman. Alas singko palang ng umaga. 6:30 am umaalis ang mga school bus. Mahaba pa ang oras ko para gumayak at kumain ng breakfast sa dining hall. Kahit pa nga ba nasa note to remember ko ang: hindi kumakain si Iyan ng breakfast! Anong kalokohan yon di ba? Kala ko basta natandaan ko na allergic sya sa mga tree nuts, like walnuts, almonds, pine nuts, pecans at kung anu pang nuts ay makakain ko na lahat ng gusto ko. Nun pala ay buong meal ang hindi pwede? Ah basta! Ngayon ay kakain ako! Kagabi kase ay hindi na ako bumaba para kumain tapos ngayon ay hindi n naman? Baka machugi naman na ako ng di oras nito di ba? So eto.. Diretso ako sa banyo. I mean sa sobrang laking banyo. Actually ay mas akma itong tawaging "indoor swimming pool" kung ako ang tatanungin. Abay sa laki ng paliguang ito ay kasya ang limang tao. Tsaka napaka moderno! Pag pinindot mo ang button for refill ay magkakarga na agad ito, as in saglit lang. Pag nag-drain naman ay goodbye tubig na agad. Kaya sobrang napaka sayang! Sa panghihinayang ko nga ay hindi ko nagawang alisin ang tubig na hindi ko naman masyadong nadumihan. Nakapag desisyon nalang ako na gagamitin ko ulit yon mamayang gabi pag naligo ako. Nasa point na ako na sasampa sa bathtub nung mapagtuunan ko na naman ng pansin yung kamukha ng pintong pinasukan ko. Gusto ko nga sanang sumilip don, kaso naman ay naka lock. Ang ibig bang sabihin nito ay share ng paliguan ang room ko at ang sa kabila? Sabagay, kung wala namang ookupa dito ay wala naman akong magiging problema. Kagabi ko pa kasi na spy-an ang kabilang kwarto pero wala naman akong nakitang ibang tao. So ayon.. Tuloy na ko sa pagswi-swimming! Naligo na naman akong parang isang prinsesa. At gumayak like a final boss. "Goodbye muna boobsie!", Sabi ko pa bago ko i-switch on ang BMD or body miracle device After ng ilang preparation ay ready na ako. Ilang beses ko pang sinipat ang sarili ko sa malaking salamin at paulit ulit na sinuklay ng daliri ang kulay brown kong buhok. Medyo sanay na ako ng short hair. Pero namimiss ko pa rin ang dati kong buhok syempre and my kilay. Kilay is lifer pa naman! Unlike ngayon parang panlalaki na talaga tong nasa pagmumukha ko. "Okay! Pogi na!", Nasisiyahan kong sabi sa sarili ko. Ang ganda din kasi ng yari at disenyo nitong suot ko, not to mention pa ang tela na napaka sarap isuot. Hindi ko na rin balak pang malaman kung magkano ang pares ng bawat damit na to, dahil sure na nakakalula yon! Monday to Wednesday ay itong white longsleeve with tie and navy blue na slacks ang uniform namin plus ang napaka garang overcoat na may logo ng school. May vest naman ang naka schedule every Thursday and Friday then Saturday naman ay ang pang P.E. which is yellow t-shirt and jogging pants. Sa suot kong school uniform ngayon ay mukha na nga talaga akong lalaki. I just have to act like one! "Kayang kaya mo to Yanz!", Cheer ko sa sarili ko bago ko napag desisyunang lumabas ng kwarto. Note: bago ako tuluyang makalabas ng pinto ay ilang "roders" ang nakapakat sa pintuan ang kinailangan kong pindutin para ma deactivate. Roders - robot na spider ..item na bigay ni Liam. Kasinglaki lang ito ng moon marble o yung holen na laruan ng mg bata. Pag pinindot mo ang button nito ay bigla itong magta-transform like robot pero mukha syang spider tapos ay papakat na ito sa ano mang bagay na dinapuan nito bilang lock. Sa case ko naman.. Ginawa ko itong seceondary lock ng pinto para hindi ako nag aalala na biglang may pumasok at makita ako sa anyo kong babae. Yon kase ang nakakatakot at huling bagay na iiwasan ko dito. Ang may makaalam ng sikreto ko. So eto... Pag dating ko ng dining hall for boys ay may ilang estudyante na din na kumakain. Syempre naki gaya na din ako. Pagdating ko sa harap ng buffet ay hindi agad ako makapag decide ng gusto kong kainin sa sobrang daming masasarap na pagkain! Promise! Kinontrol ko lang talaga ang sarili ko para hindi punuin ang malaking platong dala ko! Malaking factor yung parang may bumubulong sa akin tungkol sa listahan ng mga gusto at ayaw, gingawa at di ginagawa ng Iyan Earl Verde na yan! Napaka haba ng listahan na yon! Kinabisado ko lahat yon! Nag quiz at nag recitation pa nga kami ni Ms.Rika about don. Para siguraduhing hindi ko lang basta na isa-ulo kundi na isa-puso ko din! Tulad ngayon... Parang may bumubulong sa akin ng... "Don't #3 - no breakfast just milk" My ass! Pwede erase muna? Promise ngayon lang talaga ko kakain! Wala pa naman syang kakilala na maninibago sa kilos naming dalawa if ever magpapalit na kami di ba? So ayon parang tanga lang ako na kinukumbinsi yung sarili ko. "Pa scan nalang po ng ID, verification ng attendance nyo sa meal.", Sabi ng lalaki na crew doon. Itinuro pa nya ang scanner. Syempre ginawa ko yon. Sa isip isip ko ay may attendance pa pala hanggang dito. Sa isip isip ko ay may attendance pa pala hanggang dito. Late ko nang na realize na bill yon sa kinain. Buko pa tuloy ako nyan! Muntik ko na ngang isoli e, promise! After ng ilang minuto ay ready na ulit ako. Sumakay naman ako ng school bus at nag travel ng more or less 10 mins bago namin marating ang King's Pride University. Gate palang ng school na to ay astig na! Kung baga ay parang papasok ka talaga sa isang kaharian. Mataas ito na iron gate, painted in brown and gold color. Detailed ang design nya sa mga gilid lalo na ang sa bandang top kung saan makikita ang crown emblem ng school with matching giant letters "K" "P" na naghihiwalay syempre pag gate open at may dadaan. Pag pasok namin ng vicinity ng school ay lalo akong namangha. Hindi lang dahil sa nag gagandahang plant box at garden design nila kundi ang mismong makikita mo sa di kalayuan. Ang twinned wall palace ng King's Pride University. Tinawag ito sa pangalang yon dahil dalawang magkamukhang kastilyo ang magkaharap na nakatayo pero separated ng dalawang makapal at matayog na pader. Basically ang nasa pagitan ng mga walls na yon ay ang stadium kung saan kami mag a-assemble mamaya tulad ng nasa guidelines. Bigla akong na excite makita ito upclose. Sobrang na amaze kasi ako dahil literal pala na mukha talagang kastilyo ang school na to! Nabasa ko lang kasi sa description ang bagay na yon. Dahil private ang lugar na to, wala kang mare-research sa internet. "Hanggang dito nalang ang bus," Narinig kong sabi ng driver. Tapos nagbabaan na ang ibang kasama ko. Actually ay lima lang naman kami, tapos parang mga professor yung iba. Bukod kasi sa iba ang uniform nila ay hindi na sila mukhang college student. Nagpatihuli ako ng baba. Kailangan ko kasing kumalma muna. Malamig at basa na ang mga kamay ko dahil sa magka kahalong kaba, takot at excitement. Idagdag pa nga na naka max ata ang aircon ng mini school bus na to! Sobrang ginaw! Manhid yata yung driver! Grrr... Pagbaba ko ng bus ay nakita ko agad ang signage na may nakalagay na Prince na salita at arrow na nakaturo sa dadaanan papunta sa main campus at sa opposite naman ay ang Princess na word with arrow. So bago ko pa makalimutan na sa Prince side nga pala ako ay lumakad na agad ako papunta don. "Excuse me, Sandali lang," Parang narinig kong tawag nung nasa likuran ko. Mahina lang kasi yung boses nya. Pero syempre hindi agad ako lumingon dahil baka hindi naman ako ang sinasabihan nya ay mapahiya pa ako. Bukod sa akin ay napansin ko na dumarami na rin ang nagkalat na mga estudyante sa paligid. "Wait, ahm.. Iyan Earl?" Sabi ulit nung boses. Medyo lumakas na ng konti ang pagsasalita nya pero mahina pa din. Yung parang tamad na tamad sya sa ginagawa nya. So this time ay napahinto na talaga ako kase tinawag nya ang pangalan na gamit ko. Pero promise, mas kinabahan ako at natakot dahil mas magiging mahirap sa akin ang pagpapanggap ko kung may nakakakilala nga ng personal kay Iyan. "Iyan?!" Confirm nung taong tumawag sa akin pag harap ko. Tumango lang ako. Syempre kailangan ko munang mag ingat at mag obserba bago mag salita ng magsalita. Sabi nga less talk! Less mistake! ----------------- Scan result: Name: Li Jie Tiu Age: 17 Height: 5'9 Weight: 60 kg Occupation: first year IQ level: 154 Note: every student na gagamitan ni Yanz ng scanner ay mag a-appear na agad na ganito. At sa ilalim ay ang comment nya na sa isip lang nya pagkabasa nya ng result Li Jie?! Kilala kaya ni Iyan ang gwapong foreigner na to? Infairness, ang ganda ng mata nya ha! Ang lamlam! At ang IQ?! Wow ang taas naman! Hindi kaya sira ang scanner na to? What? First year din sya!? Hala! Pano na ko mag ta-top neto? Eh sa lahat ng aspeto ay mukhang lalamang sa akin ang taong to? Huhu... -------------------- "Sorry.. Binasa ko lang ang pangalan sa ID na naiwan sa bus!" Inform nya sa akin na itinaas pa sa gawing mukha ko yung ID na napulot nya para i-compare ang picture. Wala na nga akong bitbit na kahit ano ay nalaglagan pa ko ng ID? Nakteteng naman oo! Note: wala kaming dalang kahit anong gamit pang school dahil nasa locker daw namin lahat yon. Mamaya palang iche-check Pero sa totoo lang ha... Nakahinga talaga ako ng maluwag nung hindi pala kami magkakilala. "I don't think you understand...," naiinip na sabi nya nung hindi agad ako nakakibo. Akala nya siguro ay hindi ako nakakaintindi ng tagalog. "No! Naintindihan ko. Akin nga ito. Salamat!" sagot ko na hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya. Kinuha ko na din ang ID sa kanya at ibinulsa ko ulit. "I think, it's better kung isusuot mo na ang ID mo. It's very important, so you better take care of it well," Paalala nya tapos ay nauna na syang lumakad sa akin. Sinunod ko naman ang payo nya at isinuot ko na ang ID ko. Baka nga mawala ulit to ay maging problema ko pa. Pagdating sa main entrance ay may scanner na naman na kinakailangang itapat ang ID for verification tsaka palang bubukas ang maliit na gate. Ang porma nga kasi mag a-appear pa ang pangalan at pagmumukha mo don sa mini monitor nila. Plus body scanner. Wala ng guard na naka duty talagang mga machines nalang. Maawa sana ako sa mga naagawan ng workload ng mga ganitong makina pero nung makita ko yung logo ng GMC sa mga ito ay nagbago agad ang isip ko. "Wow! Ang ganda talaga dito!" Paulit ulit na sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan ko ang paligid. Mula sa mga gazebo na ginagamit as waiting area o tambayan ng mga estudyante hanggang sa mismong building ay para talaga akong nasa isang palasyo. Napaka sosyal! "Ooops!!! Look out man!" Narinig kong sabi ng nakabunggo ko. "Sorry!" Sabi ko naman agad. Kahit pa nga ba sa aming dalawa ay ako ang nasaktan. Feeling ko kasi ay hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya ako ang may kasalanan. --------------------- Scan result: Name: Van Clyde David Age: 17 Height: 5'7 Weight: 58 kg Occupation: first year IQ level: 149 --------------------- "Tol, bakit hindi mo naman iniwasan ang mahal na prinsipe este si captain hook? Ang liit na tao na nga oh!" Sabi naman ng kasama nya na naka bully mode agad. ---------------------- Scan result: Name: Ben Kio Reyes Age: 17 Height: 5'8 Weight: 65 kg Occupation: first year IQ level: 150 ---------------------- "Sa liit nga nya, di ko sya napansin! Dapat sya na ang umiwas di ba?" Nakangising sagot nung nakabunggo ko na ang name ay "Van". Skinny head sya kaya napakadali nyang tandaan. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD