Chapter 10

2113 Words
CHAPTER 10 --------------- YANZ POV --------------- Sa lobby naman ay may ilang mga tao ang nakatambay na bumati sa amin. Nag kachikahan lang ng konti tapos diretso na naman si Mr. Reyes sa pagtu-tour nya sa amin. Basta salita lang sya ng salita. Tapos kumpas dito, turo don. Wala nga akong masyadong naintindihan dahil marami syang chismis na sinasabi. Basta ang alam ko... Yung sa ground floor daw bukod sa lobby ay wala ng ibang facility dahil puro room na yon ng mga lalaking professor. Pag punta naman namin ng second floor ay gumamit kami ng hagdan imbis na elevator para makita namin ang ganda ng lugar. So sa second floor, nandon ang mga special rooms para sa mga special guests at mga officers ng paaralan. Like ang director, assistant director, dean etc. And lastly, sa 3rd floor makikita ang Ace of Joker rooms. Dalawa lang daw ang room na ito. First time pinagamit sa estudyante ni Mr.Tiu ang boss ng Tiu Group na may ari ng buong isla ang lugar na ito bilang pagtanaw na rin sa partnership ng kompanya nya at ng GMC. Proud na proud pang sinabi ni Mr.Reyes na triple ang laki ng kwartong ito sa mga regular dorm room na tatluhan pa ang bed. Sa isip ko... 300k ba naman ang upa nito sa loob ng isang buwan eh, bakit hindi ito gumanda di ba?! So ayon... After ng ilan pang talks and reminders from ofcourse, sa assistant director ay iniwan muna nya kami sandali. Hahayaan daw muna nya kami na mabisita ang magiging silid ko sa loob ng apat na taon. "Wow!" Naibulalas ko agad pagpasok na pagpasok ko palang sa loob ng silid. Nag expect kasi ako, at yung nakikita ko ngayon sa paligid ko ay more than pa don. Halos hindi ako nakapag salita sa ganda ng magiging kwarto ko. Alam mo ba yung para kang nasa loob ng palasyo? Ganon ito! Ang luwang! Ang taas pa ng ceiling at may magandang chandelier.Sa mga movies ko nga lang nakikita yung ganito eh. Na excite tuloy ako na silipin ang bawat parte ng lugar. "Wow! Grabe! Ang laki talaga ng kwartong ito!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na humanga ng todo lalo na nung matanawan ko yung oversized bed. Masasabi ko na daig ko pa ang prinsesa nito sa luwang non! Tapos tingin ko ay sobrang lambot non! Nag gagandahan pa ang mga bedsheet, unan at kumot. It doesn't matter kahit pa nga ba panlalaki ang kulay non. Bet ko rin naman ang design. Kung hindi nga lang nakakahiya kay Ms.Rika ay gusto ko na talagang dumaib don at maglulundag! Hay grabe! Pati ang mga couch na nandon, study table at iba pang dinagdag na kagamitan ng GMC ay wala talaga akong masabi. Kulang na kulang ang salitang "wow!" Para ma i-describe kung gano ako ka swerte! Kahit yata sa panaginip ay di ko naisip na makakatulog ako sa isang kwarto na mas malaki pa sa bahay namin! Parang panaginip lang talaga ito! Panaginip para sa akin. Pero para kay Iyan, ordinaryong bagay lang ang lahat ng ito. Narinig ko na nag clear ng throat si Ms.Rika para agawin ang atensyon ko. Doon ko lang na realized na hindi ko pala na kontrol ang excitement ko kung kaya't nakalimutan ko na ibang tao nga pala ako at hindi si Yanna Cruz na usual self ko. "Sorry Ms.Rika," nahihiyang hingi ko ng pasensya. "I knew this thing would happen. That's why I asked the maids to leave us so they can't see you," honest na sagot nya. Harsh and brutal as usual. "Sorry. Hindi na po mauulit. Tango lang ang isinagot nya sa akin tapos ay lumapit sya sa malaking bintana at pinindot ang switch ng curtain para mahawi iyon. "What can you say? Did you like this room?" Maya maya ay tanong sa akin ni Ms.Rika habang binubuksan nya ang mga cabinet sa walk in closet. "Yes," simpleng sagot ko. Lumapit ako sa kanya at tinignan ko rin yung mga ini-inspeksyon nya. Pati ang part ng kwartong ito ay superb din! Ready na ang mga uniform ko, casual wear, accessories at iba pang gamit ko bilang si Iyan. Very organized at sobra sobra ang bilang kahit pa nga ba hindi ko na agad palabahan ang mga ito ay marami pa rin akong choices. Nung nag aaral kase ako non, dalawa lang ang uniform ko kaya pagka gamit ko ng isa ay ubligadong lalaban ko na ulit agad un isa pa para may magamit ako sa susunod na araw. "Good, Liam-sama will surely be happy pag nalaman nya ang sagot mo. He tried so hard to get this place just to make sure you are comfortable. We know you will have a hard time in the regular rooms dahil may mga kasama ka don," inform pa nya sa akin. Lumakad sya sa gawing harapan ko at nagulat pa ko nung hinawakan nya ako sa gawing kohelyo ko at inayos yon. "Not everything will be easy here, alam na alam mo yan," seryosong sabi nya sa akin. "But Liam-sama trusts you and so do I," sabi pa ulit nya sabay talikod. Sa sinabi nyang iyon ay hindi ako nakakibo. Hindi ko kasi inaasahan na sasabihin nya na pinagkakatiwalaan din nya ako. Grabe, na touch talaga ako at parang maiiyak ako. Alm ko kasi na konting oras nalang ang nalalabi at kailangan na nilang umalis. Syempre tuwing naiisip ko na iiwan na nila ako ng mag isa ay hindi ko maiwasang malungkot at mag alala. Sinundan ko si Ms.Rika. Nakita kong dinampot na nya ang pouch na dala nya na iniwan nya sa couch kanina. "Aalis na po ba kayo?" Malungkot na tanong ko. Tumingin sya sa relo nya at tumango sya. Lagi nalang isina saalang alang ni Liam ang lahat ng ikabubuti ko. At lagi nyang sinisiguro sa akin na okay ang pamilya ko kaya hindi ako dapat mag alala. Sobrang bait talaga nya. Kaya naman sisiguraduhin ko na gagawin ko din ang part ko at hindi ako susuko para masuklian ko naman ang kabutihan nila sa akin. "This is the only thing we can do for you. The rest is in your hand.", Sabi ulit ni Ms.Rika at tinapik pa nya ako sa balikat bago sya nagpati unang lumabas ng walk in closet Yun ang way nya para sabihin sa aking.. "kaya mo yan" Medyo na teary eyes tuloy ako. Kinalma ko muna ang sarili konat nagpaka normal bago ako lumabas ng walk in closet. Paglabas ko ay naabutan ko si Ms.Rika na kausap ang isa sa bodyguard na may dalang maleta. Inabala ko muna ang sarili ko habang nag uusap sila, though naririnig ko rin naman yon. Lalo na ang maingay na boses ng assistant director na nasa labas ng kwarto! "Yes! Yes! Yes! After po dito ay aasikasuhin ko na yan.hahahah" Napapikit tuloy ako dahil sa malakas na pag tawa nya! Muntik na akong mabingi! "Eavesdropping always has been considered a breach of etiquette di ba?!", Narinig kong sabi ni Ms.Rika sabay pindot nya sa gilid ng eyepatch na suot ko. Hindi man sya galit ay hindi ko na din nagawang itanong pa kung paano nya yon pinatay..Basta nagpapasalamat ako at hindi ko na naririnig pa ang nakaka iritang tawa ni Mr.Reyes. "Hindi ko kasi napatay kanina. Sorry!", Nahihiyang pag amin ko. "You should have asked me. Anyway...", Napatingin sya sa orasan na suot nya. "I don't have much time. Here. Kunin mo ito.", Sabi ni Ms. Rika na inabot sa akin ang isang white envelope. "Ano po to?!", Maang na tanong ko. "Passbook with Atm. Password ay ang totoong birthday mo. Naka deposit na dyan ang monthly allowance mo for the month as we promised you. May platinum card din yan na kasama, feel free to use it whenever you need it." Tinanggap ko yon pero wala ang excitement sa dibdib ko tulad ng mga unang araw na pumayag ako sa special mission ko na to. Dati ay hindi ako makatulog tuwing naiisip ko ang 500k na allowance ko every month. "At eto ang special line na pinabibigay sayo ni Liam-sama. Whenever you need him you can call him personally, he said.", Inabot nya sa akin ang isang latest na cellphone though kakabigay lang din nila sa akin ng bago. Pagka kuha ko non ay mas bumigat pa ang nararamdaman ko. "Nilagay ko din ang personal number ko dyan. Liam-sama is a very busy man, you know that right? You don't have to depend on him too much. Kung alam mo naman na kaya na nating dalawa mapag usapan ang nasa isip mo, then you can count on me. May gusto ka pa bang pag usapan?!", Tanong nya na nasa boses na ang pagmamadali. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko na nagawanl pang magsalita. Sa takot ko ba yon dahil mag iisa na ko sa mundo kong ito o sa lungkot na nararamdaman ko ay hindi ko na matukoy. Napailing nalang ako. Nahihiya ako mag sabi ng kahit ano. Pero gusto kong magpasalamat. "Ms.Rika...", simula ko kaso tumunog ang cellphone nya. Nung makita nya ang name ng caller na nakarehistro don ay sinenyasan nya ako. Like she was saying "wait" and then sinagot nya yung call. Nag usap usap lang sila. "Hai wakarimashita!", narinig kong seryosong sagot nya na ang ibig sabihin ay "yes, understood." Napatingin pa nga sya sa akin. Pero dahil siguro hindi pa sila matatapos ng usapan ay tinapik nalang ako ni Ms.Rika sa balikat bilang pamamaalam nya. Running out of time na kasi sila kaya nag aapura na rin syang lumabas ng kwarto. So eto... Naiwan akong mag isa kung saan nya ko iniwan. Mukha lang naman akong tanga na parang natuod na dito. Wala na sila Ms.Rika! Dapat maglulundag na ako sa tuwa dahil malaya na ko! Wala ng magasusungit at wala ng mga matang laging nakamasid sa akin para pumuna at magalit! Hindi ko na din kailangan pang magsalita ng kung ano anong lengwahe na labag sa kalooban ko! Plus pa nga na may malaking pera na ko sa bangko! Dapat masaya na ko! PERO!!! Ano tong nararamdaman ko? Ang weird kase... ANG TOTOO AY! "Hindi! Hindi ako masaya! HINDI AKO MASAYA!", Sigaw ng isip ko. Pano ako magiging masaya? Ni hindi ko na nagawang makapag paalam ng maayos sa kanila o ang magpa salamat man lang.. Anong klaseng tao ako! ??? Tapos ay bigla nalang kumilos ang katawan ko. Lumabas ako ng kwarto at nagtatakbo talaga ako papuntang elevator. Pinagpipindot ko yon, pero paakyat palang ang service nito kaya wala akong choice kung hindi ang puntahan ang hagdan at doon ako nagmamadaling bumaba. Kailangan kong maabutan si Ms.Rika at ang mga kasama nya. Kung hindi ko masasabi sa kanila ang laman ng puso at isipan ko ngayon ay hindi talaga ako magiging masaya! "Sorry po. Sorry po talaga!", Hinging dispensa ko sa lalaking naka bunggo ko dahil sa pagmamadali ko. Hindi ko na tinignan kung sino yon. Next time na ako magso-sorry ng maayos. Ang importante kase ngayon ay maabutan ko ang mga hinahabol ko. Lakad takbo ang ginawa ko. Eto yung part na pinagtitinginan na ko ng mga tao sa dorm, medyo nakakahiya pero wala na rin akong paki alam. Nung makarating ako sa lobby ay parang nabuhayan ako ng loob. Natanawan ko pa kasi si Ms.Rika na pababa sa may hagdan kasama ang assistant director. Mas binilisan ko pa yung takbo! "Chotto matte kudasai!!!", Malakas na sigaw ko na nagpalingon sa lahat ng nakarinig. Lalo na kay Ms.Rika na timing na pasakay na sa loob ng sasakyan. Pati nga si Mr.Reyes ay na shock ata. Hindi nya siguro akalain na gagawin ko ang ganito. Nandon din ang anim na security guard na kasama namin. Alam kong hindi matutuwa si Ms.Rika sa ginawa kong pag sigaw. Hindi kase yon gagawain ng isang taga pag mana tulad ng turo nya. Pero wala akong paki alam! Ginawa ko to hindi bilang si Iyan Earl. Kundi ay bilang ako, si Yanna. Kung hindi ako sisigaw ay hindi ko na sila maabutan pa! Sobrang hingal ko! Abe ikaw ba naman ang nagtatakbo sa hagdan ng tatlong palapag, hindi ka hingalin? Basta sabay sabay silang napalingon sa gawi ko nung marinig nila ako. Or mas okay sabihin na napatingala. Nasa taas kase ako ng hagdanan. "Mina-san kiotsukete kudasai!", Sigaw ko ulit. Mina-san kiotsukete kudasai- take care everbody! Mina-san is often used when addressing a group of people, especially when they don't know either other too well "hontou ni...arigatou gozaimasu!", Dagdag ko at yumuko ako sa harap nila ng ilang segundo. Note: In Japan, people greet each other by bowing. A deeper, longer bow indicates respect. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD