Chapter 9

2066 Words
CHAPTER 9 -------------- YANZ POV -------------- "Halika muna kayo at sa opisina tayo mag usap. Hinihintay tayo doon ng ating school director," Yaya ni Mr.Reyes na itinuro ang mga sasakyan namin. Syempre ay agad namang nagsikilos ang mga bodyguard namin at pinalibutan kami bago kami tuluyang sumakay sa isa sa mga sasakyang naka abang doon. Bali sumabay sa sasakyan namin ang assistant director samantalang ang mga kasama nya ay doon sa naman sa kabila. "Ang cute nya di ba?, mukha syang prinsipe! Bagay na bagay sa kanya yung crown na nilagay ko!" Narinig kong sabi ng isang babae. "Oo, hindi nga lang sya ganon katangkad pero ang cute nya!" Kinikilig pang sagot nung isa. Obviously ay nanggaling ang mga boses na yon sa kabilang sasakyan. Naririnig ko lang dahil sa listening device na suot ko. Basta daldal ng daldal yung mga babae don. Pinagkwe-kwentuhan din nila yung ibang first year na dumating na kahapon. Bali kahapon talaga kase ang admission para sa mga bagong estudyante. Pupunta na lahat sa araw na yon para makapag ayos na ng gamit sa dorm at makapag rest sa susunod na araw which is ngayon nga dapat. At bukas naman ang tinatawag na orientation o first day of classes. Well sa part ko naman, hindi naman ako nag pa late ng isang araw para magpa importante o dahil ayaw ko sumabay sa ibang estudyante. Hindi ako nakarating kahapon dahil may kinausap pa kaming importanteng tao sa Hongkong tapos ay umuwi ulit ng Japan at from there nga ay nag byahe naman kami papunta dito sa Pilipinas. Napaka busy ng buhay ni Iyan Earl. Nakaka enjoy na nakakapagod ang byahe ng byahe. Mas masaya nga sana sa pakiramdam kung wala sana akong mga nilolokong mga tao, hindi ba? So eto... Balik na tayo sa part na nakasakay kami sa loob ng kotse. Nasa gawing likod kami ni Ms.Rika habang si Mr. Reyes naman ay katabi ng driver at wala pa ring tigil sa pagdi-discuss ng kung anu ano. Blah..blah...blah...blah! Matiyaga namang nakikinig sa kanya at nagtatanong si Ms.Rika habang ako naman ay naka tingin lang sa labas ng bintana at nagsa sight seeing. "15mins mula sa airport na pinang galingan natin ay mararating na natin ang King's Pride Dormitory," Dagdag pa nya maya maya. "Kung mapapansin nyo ay tatlo ang mga malalaking gate dito," Sabi ni Mr. Reyes na huminto pa kami sa tapat ng gitnang gate na sinasabi nya. "Ang gate sa kaliwa natin ay ang tinatawag na Princess dormitory for girls. Ang nasa kanan ay ang Prince's Dormitory na of course ay para sa mga estudyanteng lalaki. At itong pupuntahan natin ay ang Crown Building na tinatawag, ang main office ng school," Inform pa nya sa amin tapos ay automatic na bumukas ang malaking gate at pumasok na nga ang mga sasakyan namin sa loob. "Ito naman ang parking ng mga school bus. Bawat building ay mayroong tig limang mini bus na naka park. Since ang school natin ay 15 mins away from the Dorm, diyan kayo lagi sasakay back and forth," Sabi nya na sa akin nakatingin. Napatango tuloy ako ng di oras. Sa isip ko ay... Akala ko pag pasok sa gate ay dorm na. Hindi pa pala! Bali konting usad pa bago tuluyang pumarada ang sasakyan sa harap ng two storey building. Ito nga daw ang Crown building which is yung main office. Sa totoo lang ay pinigilan ko ang lubos na humanga sa karangyaan na nakikita ko. Nakakalula naman talaga kasi bawat area dito. "Welcome to Wangguan Island! Kamusta ang byahe ninyo?" Masayang sabi ng payat na lalaki na sumalubong sa amin at kumamay. Tulad ni Mr.Reyes ay naka tuxedo suit din sya. Pero mas mukha syang professional kesa sa isa. Sa likod nya ay may dalawa pang lalaki na bumati sa amin. ----------------- Name: Honorberto Luis Age: 59 Height: 5'8 Weight: 65kg Occupation: School Director of KPU IQ level: 140 ------------------- Yan ang result ng pag scan ko.Masasabi kong isa syang very energetic na tao. Bigla ko ngang naisip sa katauhan nya ang sikat na detective na si Mr. Kogoro Mouri sa favorite kong anime na detective Conan. Kamukha nya kase at kakilos pa. "Kamusta hijo? Kamukhang kamukha ka ng yumao mong ina. Hindi mo na itatanong ay magkaibigan kaming dalawa!" Proud na inform nya sa akin. "Okay lang po sir! Ganoon po ba? Kaya po siguro nila hinabilin na dito ako mag aral dahil nandito po kayo," Bola ko. Syempre ay patay na ang mga magulang ni Iyan. At dahil maraming bagay pa din sa buhay ng mga Verde ang hindi na pinaalam sa akin dahil impostor lang naman ako ay kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mga pagkakataong ganito. Mga clueless moments na kailangan ko pa ring malusutan. "Maganda yang sinabi mo na yan hijo! Hahahaha! Makakaasa ang pamilya mo na sobrang ganda ng edukasyon natin dito sa KPU!" Proud at masayang sabi nya. Tapos ay blah...blah.. blah..blah. Usap usap, usap usap.. Walang katapusang usapan hanggang sa magpunta pa sila sa loob ng office at doon itinuloy ang mga usapan nila. Tingin ko ay to settle other things daw kaya iniwan nalang muna nila ako sa reception area. Kumuha ako ng isa sa mga magazine doon at nagpanggap na nagbabasa. Dahil sa totoo lang kahit naka sara at very private ang usapan nila Ms.Rika ay naririnig ko kase sila. Hindi ko naman sinasadya eh, ano nga ang magagawa ko diba? "No sir. Hindi kami mag iiwan ng bodyguard para sa boss ko. I believe po na sapat na ang security nyo dito para maprotektahan sya. Tama po ba?" Narinig kong sagot ni Ms.Rika nung tanungin sya ni Mr.Reyes about sa personal bodyguard. Ang alam ko kase ay bawal naman talaga ang mag iwan ng kanya kanyang bantay. Dahil kung pwede, siguro lahat ng mag aaral dito ay meron. "Tama ka dyan Ms.Himura! Hahaha! Mahigpit ang security namin dito kaya makakaasa ka na nasa mabuting kamay ang inyong taga pag mana. Hindi ba Mr. Reyes?" "Tama po director!" Sagot ni Mr. Reyes at sabay silang tumawa. Natatawa din tuloy ako! Para silang virus! Ang bilis makahawa. "Thank you," Sabi ko sa lalaking nag lapag ng baso at bottled water sa harap ko. Paglingon ko sa kanya ay nakita ko sa pagmumukha nya ang pagtataka. Weird siguro ang tingin nya sa akin dahil natatawa akong mag isa samantalang tungkol sa politics yung magazine na binabasa ko. Pinilit ko tuloy magpaka formal ng konti. Sinalinan ko ang baso ko ng tubig at uminom ako. Nasa ganon akong gawain nung marinig ko naman ang usapan nila Ms.Rika tungkol sa mga dorm room. "300,000 per month ang special room na pina-reserved nyo, so that would be 1.8M in 6 months of stay," Compute ni Mr.Reyes "Okay. Siguro ay maari na naming bayaran ang buong apat na taon," Sagot naman ni Ms.Rika. Jusmeo Marimar! Renta ba talaga ng kwarto ang pinag uusapan nila o buhay ko? Sa narinig ko ay muntik ko pa tuloy maibuga yung tubig na iniinom ko. "Sir, are you alright?" Nag aalalang tanong agad sa akin nung lalaking nag dala ng tubig. Lalapitan sana nya ko pero sumenyas ako na okay lang ako kaya inabutan nalang nya ako ng tissue. Nung na scan ko ang data nya ay secretary pala sya ng director. Romeo Carlos ang name nya, 27 years old. "Are you alright sir?" Ulit nya agad sa tanong nya kanina. Hindi agad ako nakasagot, bukod kasi sa sumakit ang lalamunan ko ay naririnig ko pa rin ang usapan nila Ms.Rika sa loob. Ngayon naman ay binibigyan nya ng tig 1 million pesos yung dalawang lalaki. Obviously ay para sa protection ko kung may mga gagawin akong kapalpakan. Ayaw nilang tanggapin yon pero nagpupumilit si ms.Rika. Sabi pa nya ay simple advance gift nalang daw yon since pareho namang mag ce-celebrate ng birthday ngayong month yung dalawang yon. Sa isip ko ay... Nag research pa talaga sya, as expected from Liam's assistant. Ganito yata talaga sa mundo ng mayayaman, suhulan nalang. "Okay lang po ba talaga kayo?! Ulit na tanong nung secretary. "Yes, I'm okay," sa wakas ay sagot ko. Nawala na ang discomfort sa throat ko pero hindi pa rin ako nakaka move on sa usapan sa loob. "Yung allergy nyo po. Kamusta na?" Tanong nya pointing to his eye. Nahiya siguro sya na yung mata ko ang ituro nya. "Ah... Okay na po. Tatanggalin ko na to bukas," Itinuro ko pa ang eyepatch ko. Isa kase ang allergy ko sa reason na naibigay kung kayat ngayon lang ako nakapag report sa school. "Mabuti naman pala. Nakakatuwa lang at kahit foreigner ka, magaling ka mag tagalog. Sige at maiwan muna kita," Paalam nya at lumayo na sya sa akin matapos kong tumango lang. "Sya yung taga pag mana ng Grand Midori? Mukhang bugbugin! Ang liit naman pala nya at ang payatot!" "Kahit ganyan ang itsura nya, siguradong mayabang yan! Feeling nya espesyal sya kaya late na dumating. Pa importante e!" Yan ang usapan na nasagap ng device na suot ko. Madami pa silang sinasabi pero hindi ko na yon maunawaan dahil nagkakahalo halo pati yung usapan nila Ms.Rika. Napalingon tuloy ako nung may dalawang lalaki na dumaan tatlong metro ang layo buhat sa kinakaupuan ko. Sa tingin ko ay mga ka edad ko lang ang mga yon. Nag uusap sila at ako pa din ang topic nila. Kaya pala nagka jumble jumble na ang mga salita, kase pala ay papalapit na din sila. Napa busangot tuloy ako! Mahirap pa yung may naririnig na ganito eh. Nakaka badtrip! Ano kayang problema ng mga kumag na yon sa akin? I mean kay Iyan? Por que ba mayaman at taga pagmana, automatic ay mayabang na agad? Wala sa loob na sinundan ko tuloy sila don sa hall way na pinasukan nila. Yun nga lang ay bigla naman na silang nawala sa paningin ko. Pagbalik ko sa reception area ay nagulat pa ako at nandon na din pala sila Ms.Rika at hinahanap ako. Nung makita nila ko ay inaya na nila akong pumunta sa dorm kung saan ako mag i-stay. Sumakay kami ulit ng sasakyan. Tulad kanina ay si Mr.Reyes lang ang sumama sa amin at nagpaiwan na ang director sa opisina nya. Bali may daan pala talaga sa gilid papunta sa gawing likuran. Hindi naman yon malayo pero kakain kase ng oras pag nilakad lang kaya eto at naka sasakyan pa talaga kami. "Ang building na nasa likod ng bakod na ito ay ang dining hall, of course dyan kumakain ang mga estudyante at mga faculty ng school. Ang building na nasa likod naman nito ay ang study hall, tahimik don kaya gustong gustong mag aral ng mga bata. Ang malaking building naman na nakikita nyo ay ng Prince's dormitory. Hindi ko na kayo na i-tour ng maayos since may appointment pa pala si Ms. Himura. Anyway, lahat naman ng sinasabi ko ay makikita sa school map," Inform ni Mr. Reyes tapos ay nagtungo na kami sa talagang sadya namin. Ang Ace Dormitory. Pero para sa akin ay mas akma itong tawaging hotel. Isang modernong hotel na maihahalintulad sa mga first class hotel na nasa lungsod ng Maynila. Hindi nga lang ito kasinlaki ng mga yon pero sa ganda at ayos ay hindi talaga ito magpapahuli. Nagustuhan ko talaga ang landscape ng may kataasang hagdan paakyat sa ground floor ng dorm. Kung tutuusin ay parang letter A ang shape nito sa paningin ko tulad ng tawag ditong Ace dormitory. Glass stairs ito na may mga naka embossed na crown emblem with letters KP on it, para pag inapakan nga naman ay hindi madulas. Ang lakas makasosyal! "Sa left wing ay may hagdan at elevator tayo para makapunta sa roof top kung saan meron tayong aircraft hangar. So the next time na may dala kayong private jet, pwede nyo yon okupahin, bilin ng boss," Nakangiting inform sa amin ni Mr.Reyes na sa akin nakatingin. Napa tango lang ako sa sinabi nya. As if naman na ako ang may control sa pag gamit ng mga private jet ng mga Verde. So eto.. Dirediretso na kami naglakad papasok sa ground floor. Hassle free at walang guard na naka duty. Salamat sa automatic na glass door at very high tech na body scanner na nandon sa entrance. Nakaka proud talaga ang product ng GMC. Kahit saling pusa lang ako sa grupo nila ay iyon talaga ang pakiramdam ko. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD