CHAPTER 8
--------------
YANZ POV
--------------
"Sugoi desu ne?! Si Iyan ang nag imbento nyan nung na bored sya. Tapos kagabi naisipan ko i-upgrade since balak ko nga ipagamit sayo dahil naisip ko na baka mahiya ka makipag usap sa mga tao because of your eye injury. And then, kaka upgrade ko nagkaroon pa tuloy yan ng isa pang function!" Pa suspense na sabi nya.
"Gusto ko na talagang malaman yan Liam! Ano yon?" Excited naman na tanong ko. Kung baga, para akong bata na sine-sales talk ng isang magaling na tindero.
"You can also use that as a listening device when connected to your BMSD. The EPPS can hear conversations through any walls. You can even hear someone's whispering in the adjacent room as long as the microphone and your connection is sensitive enough," Pagbibigay information nya.
Ewan ko ba!.Why do I have this feeling na devilish ata ang idea ni Liam ngayon.
"Ang galing naman non! Pero.. hindi ba illegal ang makinig sa usapan ng may usapan?"
"Of course! Pero illegal lang naman yon pag nahuli ka nila," Joke nya at natawa pa sya.
Anyway...
Speaking about BMSD na nabanggit ni Liam kanina or ang tinatawag nyang "Body Miracle Suit Device".
Ito ang unang device na binigay nya sa akin noong pumayag akong maging si Iyan Earl.
Sa unang tingin ay para lang itong ordinaryong badge brooch na kasinlaki ng 1 peso coin kung saan makikita ang emblem at letrang GMC pagsinuring mabuti ng tingin.
Mukhang ordinaryo, oo.
Pero ang function nito ay superb!
Bakit ko nasabi?
Dahil sa liit ng bagay na ito ay hindi mo aakalain na kaya nyang baguhin ang pagkatao ng isang tao ayon sa paningin ng ibang tao sa kanya.
Ito pala ang ibig sabihin ni Liam na hindi na talaga namin kailangan ang operasyon para mapangatawanan ko ang pagiging si Iyan Earl.
Napatunayan ko yan nung araw na kinailangang gupitan ang mahaba kong buhok para mag mukha akong lalaki. Sobrang problemado ko nung araw na yon dahil kahit anong tingin ko sa sarili ko sa salamin ay parang wala namang nagbago.
Kahit sinong tumingin sa akin ay hindi nila aakalain na lalaki ako, mana pa ay isang tomboy! Malaking problema kase sa katawan ko ang may kalusugan kong hinaharap at malaking balakang.
Hindi ito maitatago ng mga bandage tulad ng ginawa ni Mulan nung magpanggap syang lalaki don sa pelikula nya.
Ang pamamaraan na pagpipitpit ng boobs para maging flat ito ay applicable lang sa mga babaeng maliit ang hinaharap!
Sa case ko, kahit na higpitan ko pa ang p*******i hanggang sa hindi na ako makahinga ay walang silbi. Dahil medyo malaki pa ring tignan ang dibdib ko.
Kaya naman nung mapasa kamay ko na ang BMSD ay para talagang nagkaron ng himala tulad ng pangalan nitong "miracle".
Bali pipindutin ko lang ang maliit na switch sa likod ng brooch pin na yon at automatic na may suit na lulukob sa hubad na katawan ko. 30 seconds ready to use and 30 seconds din bago mag fade ang magic after i turn off.
Bali sa una ay kulay black na scuba diving wetsuit muna yon tapos after ng ilang segundo ay magiging kakulay na yon ng balat ko.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang suit na yon, basta parang magic nga di ba?
Actually ay bigla ko ngang naalala ang mga power rangers o si Sailor Moon sa nangyaring pagta-transform ko na yon eh!.Promise kulang nalang talaga ay ang theme song!
At after nga ng pangyayaring yon...
Without pain or any efforts ay flat na tignan ang dibdib ko. Naitago din nito balakang ko.
Basta pag nakasuot na ako ng damit panlalaki ay naayon na talaga ang tindig at katawan ko ng tulad ng sa kanila. Wala ng makakapag sabi na isa nga akong babae. Feeling confident na din ako at medyo nabawasan ang agam agam ko sa gagawin kong ito dahil sa BMSD.
Ang kailangan ko lang siguraduhin ay lagi ko itong suot.
Kaya naman ay sinanay ko na ang sarili ko na ilagay lagi ito sa collar ng ano mang damit na susuotin ko as a fashionable accessory para hindi nila mapansin na may iba itong purpose.
At sabi din ni Liam ay may special visual effect daw ang device na ito sa mga tumitingin pag suot ko kaya wala na akong dapat pang ipangamba. Kailangan ko nalang ay ang confidence ko sa pagdadala ng sarili ko bilang si Iyan Earl.
"If you want to use it, okay lang. Basta wag mo nalang iko-connect," Paalala ni Liam.
"Kung ganon, hindi ko nalang tatanungin kung pano i-connect para hindi ko magamit. Minsan kase ay nakaka tempt gamitin ang mga kakaibang bagay eh," natatawang sabi ko. Joke ko lang naman yon pero parang sineryoso ni ms.Rika.
"To make things clear, it is not advisable to use that material most especially in the school premises. Technically, just overhearing a private conversation is not a crime. However, if you purposefully listen in on a private communication with the aid of an electronic device then you can be charged with a crime," Salo ni ms. Rika sa usapan namin na nagpakaba sa akin.
"Mabigat na crime din yon.At sure na bad news yon Yan-chan pag na kick out ka sa school," Pakiki ayon naman ni Liam.
Gusto ko sanang itanong..
"So bakit ba kase inilagay pa ang listening device na yon eh delikado naman palang gamitin?!!" Sino ba naman ang gustong ma kick out? Nakakahiya naman yon di ba?
"Hindi ko naman balak gamitin, pangako!" 100% sure na sabi ko habang inaayos ko ang pagkakakabit ng eyepatch sa mata ko.
Nasa ganon akong gawain ng biglang may lumapit sa aming crew at nag salita ng japanese. Hindi ko masyadong naintindihan per word pero parang nahimigan ko na magla-landing na daw kami kaya pinag re-ready nya kami.
So ayon ganon ganon.
Nagpaalam na din si Liam at sinabi nya na tumawag lang daw ako pag may problema.
"Ready?" Tanong ni Ms. Rika sa akin.
Tumango ako.
Pero ang totoo, parang hindi pa.
Kung kelan bababa na kami ng plane ay tsaka naman parang dinaga ang dibdib ko.
Promise!
Pati ang mga kamay at mga paa ko ay nanlalamig!
"Let's go," Narinig ko pang sabi ni Ms Rika.
Ewan ko ba at sa kaba ko ay wala sa loob ko na inayos ko ulit ang eyepatch na suot ko. Hindi pa kase ako sanay na meron nito. Kaya laking gulat ko nalang ng parang biglang may nag switch on.And out of nowhere ay may narinig akong mga nagsasalita.
Napalingon talaga ako sa paligid ko, pero wala naman kaming ibang kasama ni Ms.Rika. Wala naman akong earphone at hindi na rin gumagana ang speaker ng jet.
Ilan sa mga usapan ay ganito:
"Narinig ko heir sya ng Grand Midori Corporation," Sabi ng tinig ng isang babae.
"Ah! Kaya sobrang VIP noh?! Kaya pala hindi sya dumating sa admission day kahapon, ayaw siguro ng maraming tao," Sagot naman ng kausap nyang babae din.
Ang weird!
Kinilabutan talaga ako kase para silang nag uusap sa isip ko! Ganito pala pag naka connect ang EPPS sa BMSD!
"Hala patay! Naka on ang listening device ko! Pano na to?!!!!"
---------------------------------
KING'S PRIDE DORMITORY VICINITY
WANGGUAN ISLAND
-} arrival 3pm
-----------------------------------
"Cho-chotto matte kudasai Rika-san!"
{Please wait a moment Ms.Rika}
Halos mabulol ako sa sinabi kong yon sa kaka apura para pigilan si Ms.Rika sa paglabas nya sa eroplano. Gusto ko sana sabihin sa kanya na aksidente kong nai-connect ang dalawang device at magpapatulong sana akong i-disconnect yon pero huli na ang lahat!
Kasabay kase ng pagsasalita ko ay ang pagbukas ng pinto ng jet kaya hindi na nya ako narinig pa. Nakita kong mabilis na lumabas yung body guard na kasama namin sa sasakyan at sinecure muna ang area.
"Stand up straight," Bulong sa akin Ms.Rika bago kami tuluyang makalabas ng jet.
Sa labas ay nakita ko agad ang ilan pa sa mga security guard ng GMC na naghihintay sa baba ng hagdan na kapwa mga naka tuxedo at sun glasses. Mayroon din ilang tao na naghihintay sa amin doon na hula ko ay mga staff and faculty ng school.
Bukod sa kanila ay agad kong napansin ang ganda ng tanawin. Bali nandito kami sa napaka luwang na airport ng isla.
Kataka takang kahit alas tres na ng hapon ay sadyang malilim pa rin at tamang tama ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko. Hindi ko napigilan ang huminga ng malalim. Bukod kase sa preskong samyo dito ay kinakabahan talaga ako sa gagawing kong ito. Sana ay magawa ko ng maayos ang task ko.
Isang beses pa ay pinagmasdan ko ang paligid.
Mula sa kinatatayuan ko ay matatanawan ang mga kalsada na animo ay iginuhit dahil sa tuwid na tuwid nitong itsura. Idagdag pa nga ang mga luntiang mga puno na parang ibinurda sa pagitan nila.
Basta ang sarap non pag masdan!
Nakakagaan ng pakiramdam.
Tapos ayon sa mapa ng isla, ilang kilometro naman ang layo mula dito ay makikita naman ang daungan ng mga watercraft para sa mga nagta-travel via boats.
Gusto ko din sanang makita yon!
"Welcome to King's Pride University!" Masayang bati agad sa amin ng isang may katabaang lalaki.
Pagbabang pagbaba palang namin ng hagdan ng jet ay nandon na agad sya at naka abang. Kinamusta nya agad kami at nakipag kamay. Tapos sumenyas sya sa mga kasama nya na bumati at maglapitan na.
"Welcome po sa Wangguan Island."
"Welcome po sa King's Pride University."
Halos sabay sabay na sabi nila. Lahat sila ay masisigla! Basta very friendly talaga sila.
Yung isang babae ay nilagyan ako ng korona na parang isang prinsipe at yung isa naman ay sinabitan si Ms.Rika ng bulaklak sa leeg. Pinigilan ko ang sarili kong hawakan ang ipinatong nila sa ulo ko.
May ganito pa palang factor!
Ang bongga! Haha
"Thank you," Sabi ko sa kontroladong boses.
Syempre kahit ang sabi ni Liam ay may voice enhancer na ding taglay ang suot kong device ay ginagawa ko pa din ang part ko para mas mag boses lalaki pa ako. Pero syempre sa paraang hindi OA.
"Welcome," Kinikilig naman na sagot nung babaeng kaharap ko.
Hindi ko alam kung nagandahang lalaki lang ba talaga sya sa akin o flirt lang talaga sya? Muntik ko na syang taasan ng kilay ah! Haha. Sabagay mukhang nasa mid 20's palang naman sya. Kaya natural lang siguro ang reaction nyang yon.
So ayon..
Usap lang ng usap si Ms.Rika at yung lalaking mataba habang naglalakad kami patungo sa mga sasakyan na naka parada sa di kalayuan.
"Scan," Bulong ko.
Naisip ko lang testingin ang device na suot ko sa madaldal na matabang lalaki na ayaw na yata tumigil sa kakasalita. Ilang segundo lang ay lumabas na sa eyepatch ko ang resulta ng pag scan nito.
--------------
Name: Warlito Reyes
Age: 65
Height: 5'4
Weight: 80 kg
Occupation: Assistant School Director KPU
IQ level: 120
----------------
"Assistant Director pala ang lalaking ito, kahit hindi masyadong halata," Yan agad ang naisip ko.
"Iyan-sama?" Tawag sa akin ni Ms.Rika.
"Huh?" Mukhang tangang sabi ko. Nagulat pa nga ako eh.
Busy ako sa pagbabasa ng scan result kaya kinakausap na pala nila ako ay hindi ko pa nalalaman.
"Kinakausap ka ni Mr. Reyes," Inform sa akin ni Ms.Rika. Kataka taka ang pagiging cool nya habang nagsasalita ng tagalog.
Nakakakilabot!
Siguradong mamaya ay patay ako nito.
"Sorry Mr. Reyes, ano po ulit yon?" Magalang na tanong ko.
"Huwag kang manghingi ng sorry Mr.Verde! Sino ba naman ako para paghingian ng sorry ng taga pag mana ng Grand Midori Corporation!" Sabi nya na tumawa pa ng tumawa sabay punas ng panyo sa mukha nyang sobrang basa ng pawis. Yung tipikal na mas kinakabahan pa sya sa akin dahil parang wala namang sense yung sinasabi nya.
"Nakakatuwa kang bata, dahil kahit isa kang banyaga ay magalang ka at magaling pa mag tagalog," Puri pa nya ulit sa akin.
"Half japanese and half Filipino ang Mama nya. Kaya naalagaan sya ng mga relatives nila na Filipino din," Pagbibigay alam pa ni Ms.Rika.
"Kaya naman pala hijo," Tatango tangong sabi nya. Pero nakaraan na ang maraming sandali ay nananatili lang syang nakatitig sa akin.
"Why sir? Is there something wrong?" Naitanong ko tuloy. Hindi ko naman masabi na naiirita nya ako.
"Wala hijo! Wala!" Sagot nya at tumawa lang sya ng tumawa. Ang lakas nga eh. Buti nalang at hindi ume-echo yon sa listening device na suot ko.
"Ang ganda kase ng mukha mo hijo. Parang sa isang babae, pero siguro ay ganyan lang talaga ang mukha ng mga batang mayayaman," Sabi pa nya maya maya at tumawa na naman.
Wala akong na i-comment sa sinabi ni Mr. Reyes. Hindi yon isang compliment para sa akin! Ang totoo nga ay kinabahan pa ako sa sinabi nya. Yung feeling na mabubuko ata ako! Nakaka kaba talaga yon!
Itutuloy...