CHAPTER 7
--------------
YANZ POV
--------------
"Sure ka dyan ah!" Hindi pa rin makapag decide na sabi ko.
"Yes. Ikaw ang hindi pa sure," Natatawang sabi nya na parang gusto ng mapakamot sa ulo. Sa isip siguro ni Liam, ang hirap ko na ngang kausap ay napaka dami ko pang tanong!
"Okay, one last thing to help you say yes. As a token of gratitude, you will recieve a monthly allowance of 1 million yen or 500 thousand pesos which ever is higher pag nag start na ang classes nyo. Not bad right?!"
Blah blah blah blah...
May mga sinasabi pa si Liam pero parang nag stop na ang mundo ko pagkarinig ko palang sa monthly allowance na 1m yen or 500k php?
OMG!!!
Magiging milyonaryo ako in no time!Parang kuminang bigla ang mga mata ko.
"Yan-chan?!.. hey.. why?!" Nag aalalang tanong ni Liam maya maya. Napansin ata nyang nag pass out na ako.
"Okay lang ako! Kelan ba ko magsisimula?!!" Agad na tanong ko.
Sa part na yon ay si Liam naman ang parang na shock at di makapaniwala.
Kulang nalang isigaw nya ang katagang..."Ha??!" sa buong lugar! ???
End of flashback
+++++++++++++++++++++
At ganon nga ang naging usapan namin ni Liam kaya napa payag nya ako. Nung pumirma ako sa agreement namin ay oramismo nilang ginawa lahat ng mga pinangako nila.
Agad na na schedule ang operasyon ni nanay sa isang sikat at pribadong hospital sa Manila at natulungan nila si tatay na makalaya sa ngayon. May mga taong umaasikaso na din sa kaso nya at hindi raw magtatagal ay tuluyan na syang tatawaging "free man."
Halos maiyak ako sa balitang yon. Lalo at ipinangako din ni Liam na sisiguraduhin nyang makikita ko ang pamilya ko basta maging maganda lang ang takbo ng aming plano.
Ang plano lang naman ay ganito...
Habang busy pa si Iyan Earl Verde sa kung anong bagay na pinagkakaabalahan nya ay magpapanggap akong sya.
Ang goal ko lang ay...
Pag aralan kung paano maging sya.
Hindi naman required na syang sya talaga. Ang gusto lang nila ay ayusin ko ang mga kilos ko tulad ng sa isang taga pag mana.
Meaning...
Iwasan ang mga palpak na gawain na magdadala sa pangalan ng GMC sa alanganin habang nasa Wangguan Island ako. Ang main goal ko sa King's Pride University ay maging isa sa nasa top.
Dahil pagbalik ng totoong Iyan ay siguradong sya ang magiging top 1 doon. Yan ang very confident na sabi nila sa akin. Dahil ang taong yon ay sobrang taas ng IQ at nag e-excel sa lahat ng bagay na gagawin nya.
Ngayon kung hindi ko pagbubutihan at papalit na sya, marami ang magtataka dahil biglang maiiba ang standing nya sa school. Iiwasan daw namin ang ganong mga usapin kaya dapat ay ibigay ko agad ang best ko.
Aminin ko man o hindi ay sobrang na toxic ako sa mga gusto nilang ipagawa sa akin. Burden na nga sa akin ang pagpapanggap ko bilang ibang tao at bilang isang lalaki ay sobrang taas pa ng expectation nila sa akin.
Lalo na si Liam.
Okay at alam ko naman na matalino ako. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero kung IQ lang ang pag uusapan ay hindi naman ako papahuli. Mabilis lang din ako mag memorize at makatanda ng aralin. Lagi akong confident sa mga exams ko kaya lagi din ako nasa top sa school namin nung high school.
Kung tutuusin ay confident na rin talaga ako. Pero ng mabasa ko ang mga qualification at guidelines ng school na yon upon admission ay parang gusto ko ng mag backout.
Walang entrance exam o personal appearance. Application form lang through e-mail and short video clip ng aspiring applicant.
Simple as that.
First come first serve din ang registration dahil 50 lang ang slot na tinatanggap sa mga first year taon taon. Pero kahit naman mauna ka ay hindi ibig sabihin non na pasok ka na sa banga dahil mataas ang IQ level na nire-required nila sa aspiring student.
First 50 top IQ at dapat 140 IQ and UP ang nasa authentic certfication mo.
Average people fall within the 85 to 114 range. Any score over 140 is considered a high IQ. A score over 160 is considered a genius IQ.
Almost ay mga genius na ang mga natatanggap sa University na yon.
So pano ako magta Top don?
Baliw ba?
After na ma qualified ka na, here comes the assesment for tuition fee and other extra curricular expenses.
Actually ay si Ms.Rika lahat ng nag asikaso non pero sinigurado nya na alam ko din. Para nga naman siguro mas pagbutihin ko ang mga gagawin ko dahil hindi biro ang ginastos nila.
They spend a fortune!
Grabe pala talaga mag aral ang mga mayayamang tao!
Nakakalula!
Palihim kong sinulyapan si Ms. Rika na naka upo sa couch na katapat ng inuupuan ko. Abala na ulit sya sa pagbabasa. Kahit simple lang ang ginagawa nya ay mukhang pa rin syang istrikta. Very organized syang babae kaya kahit ang libro nya ay may pangalan nya "Rikaide Himura".
Japanese beauty ang lola mo. Payat lang sya pero maganda talaga at very sophisticated. Marami din syang alam na lengwahe dahil sya ang nagiging interpreter ng mga taong nakakasalamuha ko simula ng mapadpad ako sa mundo ng mga taga Grand Midori.
Sa totoo lang ay wala akong masyadong alam tungkol sa kanya kahit pa nga ba kaming dalawa ang magkasama araw araw. Ayaw nyang nakikipag usap sa akin tungkol sa mga personal na bagay. Kaya kinakausap lang nya ko pag kailangan. Pero ganon pa man ang sitwasyon namin ay lagi naman akong naka depende sa mga gagawin at sasabihin nya.
"Nani ka irimasu ka?, Iyan-sama.", Tanong nya sa akin ng mapansin nya siguro na nakatingin ako.
{Nani ka irimasu ka - do you need something}
"Iie, nanimonai!", Tanggi ko at napa iling iling pa ako.
Iie, nanimonai- no, nothing
Sa lahat ng nakaka awkward na gawin ay ang istorbohin sya sa ginagawa nya.
Scary talaga kase sya!
Silence
"Ms. Rika, baka naman pwedeng kausapin mo na ako ng tagalog? Tutal naman sa pupuntahan natin puro Pilipino rin naman ang mga nandon, hindi po ba?" Lakas loob na tanong ko. Maliban kase sa nahihirapan pa akong mag nihongo ay namimiss ko naman magsalita ng tagalog. Yung hindi limitado ang nalalaman ko. Yung pwede kong ipahayag lahat ng gusto ko at kung ano man ang naiisip ko.
"That, I cannot do," Seryosong sagot nya sa akin.
"Huh?" Napamaang ako.
Busted.
"I know what you are thinking. You want to express your self more, right? But let me remind you. You are not here to play nor you are not here to gain friends. You are here to live as Iyan Earl-sama, you should act like him and ask significant request like him, okay?" Explanation pa nya.
Hindi ko man aminin ay nag init talaga ang tenga at pisngi ko. Minsan na nga lang ako mag request ay inayawan pa nya.
Kaya eto..
Tameme nalang!
Nasa ganon kaming silent mode ng maya maya ay bigla naming narinig na may tumatawa sa speaker.
"Hora! Anata wa kowai desu Rika-chan," Natatawang sabi pa ng boses na nakilala ko agad.
See, you are being scary Rika-chan
Si Liam!
Sya lang naman kase ang nagmamay ari ng tawa na yon. Jolly at mabilis maka goodvibes!
"Liam-sama! Sumimasen!" Hinging paumanhin agad ni Ms. Rika.
"Okay lang yon. Pasensya na, I got bored kaya naisipan kong makinig sa usapan ninyo," Sagot nya na mababakas pa din ang sigla ng boses.
Actually ay isang araw palang kaming hindi nakakapag usap at hindi nagkikita ay parang namimiss ko sya.
Ang mga jokes at mga advices nya.
Kahit isang taon lang ang tanda nya sa akin ay parang nakakita ako ng isang kuya sa katauhan nya. Sabi din naman nya ay parang ako ang nakakabatang kapatid nya na matagal ng pumanaw. Kaya siguro nakagaanan nya din ako agad ng loob.
"Yan-chan! Pwede kang magtagalog hanggang gusto mo. Don't worry about it okay. Just do what ever will make you happy at sure ako na susuportahan ka naman ni Rika-chan," Narinig ko pang sabi nya.
Pinigilan ko ang mapangiti sa sinabi nyang yon lalo at nakita ko si Ms. Rika na napabuntong hininga tanda ng kanyang pagsuko.
Si Liam kase ang pinaka boss nya. At sinusunod nya ang bawat utos nito.
"Anyway, look around you Yan-chan. Hindi ba at maganda ang lugar?" Tanong nya sa akin. Kahit hindi ko sure kung nakikita nya ko ay napatango talaga ako after kong sumilip sa gawing bintana.
Malapit na malapit na pala kase kami sa may isla.Hindi na tuloy makita ng buo ang crown shape nito.
Nahigit ko ang paghinga ko sa paghanga!
Napaka ganda ng lugar na ito.
Maliban sa napapaligiran ito ng karagatan na kulay asul ay sobrang luntian naman ang mga puno na nakapalibot dito. Tapos ay makikita na din ang mga nag gagandahang mga building.
"Welcome to Wangguan island! Very popular indeed. Lalo na ang school na papasukan mo. Nakikita mo na ba ang lugar na yon buhat sa bintana?" Masayang tanong ni Liam sa akin.
"Oo! Ang laki naman pala ng school! Parang isang palasyo!" Excited na sabi ko.
Narinig ko na natawa sya.
I'm sure na masaya lang sya para sa akin. Masaya din naman ako. At mas masaya nga sana kung makakapag aral din si Liam na tulad ko.
Ang totoo, nito ko lang nalaman na dapat pala ay dalawa sila ni Iyan Earl na mag aaral sa King's Pride University pero dahil sa isang malagim na aksidente na sanhi ng pagka lumpo nya ay hindi na yon mangyayari pa.
Naging malala kasi ang tama sa lower part ng body nya kaya kung makakalakad man sya ay baka matagalan pa daw yon.
Pero ganon pa man ay nananatili pa rin si Liam na very positive at laging masayahin. Kaya kung may kalungkutan man syang itinatago, marahil sya lamang ang nakaka alam non.
"Kamusta ang allergy mo?" Narinig kong tanong niya sa akin maya maya.
"Okay na din naman. Medyo makati nalang at medyo mapula," Sagot ko habang tinitignan ko ang kanang mata ko sa salamin. Namaga kase yon dahil hindi ko naman alam na allergic pala ako sa mga ibuprofen drugs.
Sumakit kase ang ulo ko nung isang araw kaya nakainom nga ako ng gamot na yon. Pero imbis na gumaling ako ay ganito pa nga ang nangyari.
"Mabuti naman pero para mas sure tayo ay may bagay isang bagay akong ipapagamit sayo," narinig kong sabi ni Liam.
Automatic na may kinuha si Ms.Rika sa isang safe doon. Inilabas nya ang isang maliit na kahon at iniabot sa akin.
Pagbukas ko non ay isa yong eyepatch.
"Try it. Yan ang tinatawag kong EPPS version 2.1," Sabi ni Liam na bakas sa boses nya ang excitement.
EPPS - eyepatch personal scanner
Tinulungan ako ni Ms. Rika na ikabit yon sa kanang mata ko. Sa part nga na medyo maga pa dahil sa allergy.
Pagtingin ko sa salamin ay mukha akong pirata. Haha.
"Para saan naman itong EPPS version 2.1 na to?!" Curious na tanong ko.
"It looks like an ordinary eyepatch at first, pero meron yang healing and soothing effect para sa allergy mo."
"Oo nga, medyo malamig sya kaya parang nawawala yung pangangati," Comment ko agad.
"See, it's really an amazing patch. And not to mention, it is also a personal data scanner. Kailangan mo lang sabihin ang salitang "scan" sa mahina o sa malakas na boses. It doesn't really matter as long as matititigan mo ang mukha ng isang tao. When it's done, mababasa mo na ang resulta ng scanner. Sa monitor mag a-appear yon, sa mismong eyepatch mo," Instruction ni Liam. Habang sinasabi nya ito ay ginagawa naman namin ni Ms. Rika.
At totoo nga!
Ang galing naman nito!
Lalo tuloy akong napa hanga!
Nung matitigan ko kase ang mukha ng kaharap ko at nag scan yon. May mga data na lumabas sa eyepatch ko. Madali syang basahin dahil ang tingin ko dito ay dalawang dangkal ang layo sa akin.
Ganito ang format ng personal data na nabasa ko.
Name: Rikaide Himura
Age: 27
Height: 5'6
Weight: 51kg
Occupation: Executive Assistant GMC
IQ level: 146
"Wow! Ang galing naman nitong EPPS na to!" hindi ko napigilan ang sarili ko na humanga. Ibang level talaga ang mga gamit na naiimbento ng mga taga GMC.
High tech kung high tech!
Itutuloy...