Chapter 6

2295 Words
CHAPTER 6 ------------- YANZ POV ------------- To cut it short ay... Masyado syang maraming nalalaman! Kaya eto at nahihirapan ako sa pag kopya sa kanya. Napabuntong hininga ako. Tapos ay pasimple akong napatingin sa bintana, at buhat don ay nakikita ko ang reflection ko. Reflection na hindi ko na rin makilala kung sino. Naalala ko tuloy ang mga usapan namin ni Liam noon. Kung bakit at paano nya ako napapayag na magpanggap bilang si Iyan Earl Verde. -------------------------- FLASHBACK =} to that no escaped moments --------------------------- 6 months Ago ---------------------------- "Lalaki yon eh! Mukha ba kong lalaki?!" Nanlalaki ang matang tanong ko. Kung joke ang lahat ng ito, aba eh hindi nakakatawa! "Of course not," Mabilis na sagot ni Liam sa akin. Feeling ko ay natatawa na naman sya. Para sa isang lumpo na pinagkaitan ng pagkakataon na makalakad, sya lang ata talaga itong likas na masiyahin at tingin ko ay very positive sa buhay. Kase kung sa akin nangyari yon, hindi ko sigurado kung makakatawa at makakangiti pa ko ng wagas tulad ni Liam. "Ganon naman pala. So bakit ako pa?!" Nagtatakang tanong ko talaga. "Bakit ikaw? Good question. I mean, there are a lot of factors to take into consideration. But for now, makinig ka muna sa akin," pakiusap ni Liam nung mapansin siguro nyang naguguluhan na talaga ako. "Yan-chan, alam ko lahat ng pinagdaanan mo bago tayo magkita. and I presume you already know why you end up here today. That's because GMC bought you from the loan shark. We paid a lot, just to have you. So legally and technically you owe your life to us now, leaving you no rights to complain. But then , hindi naman kami ganon kasama para pilitin ka. I'm here today to explain, why of all people, it should be you." "Okay! Gets ko naman! Pero tanong ko lang ha..kailan pa naging legal ang bentahan ng buhay ng tao?!" Naiinis at sarcastic na tanong ko. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng amo at kagwapuhan ng mukha ng lalaking kaharap ko ay napakadali lang para sabihin nya sa harap ko na binili nila ako. Talagang property na ang tingin nya sa akin? "Legally wrong but you see, black markets do exist. Kaya nga nandito ka ngayon eh," safe na sagot nya. Gusto ko man umangal ay tama naman sya kaya natameme tuloy ako. Legit yon! At ako nga ang buhay na patunay. "Eto ang Wangguan Island na nasa Mimaropa region, sa Oriental Mindoro to be precised," Maya maya ay sabi ni Liam na may pinapakitang mga mapa at larawan ng mga lugar sa monitor. "At dito sa islang ito matatagpuan ang King's Pride University. One of the best educational institute in the Philippines. Dito sa school na to mag aaral si Iyan Earl Verde six months from now. But according to him, madami pa syang importanyeng bagay na gagawin kaya hindi sya available..." "Mas importante pa sa pag aaral nya?" Sabat ko sa pagsasalaysay nya. Why do I have this feeling na pabaya sa buhay ang Iyan Earl Verde na ito? "Yes," Maikling sagot lang ni Liam sa akin. "Pero di ba taga pag mana sya? Dapat education muna ang priority nya para makapamahala syang maayos. Hindi por que marami syang pera, sapat na yon para sa future. Importante pa din ang kaalaman," Pakiki alam ko. "You are right, pero hindi naman sya nagpapabaya sa pag aaral, importante naman daw ang ginagawa nya ngayon which I believed him. He's the type of guy na hindi mag aaksaya ng oras sa mga useless na bagay. Responsable syang tao, bukod don ay isa na syang magaling na engineer and inventor. Certificate in school is just a formality for him, though ayon sa law ng GMC hindi nya pwede manahin ang company nila kung wala syang Bachelor's degree." "Teka lang ha. Bakit mo kailangan ipaliwanag sa akin ang schedule nya tungkol sa pag aaral nya? Samantalang nakakasiguro naman ako na hindi nyo iniisip na ako ang papasok sa prestigious school na yan para sa kanya hindi ba?! Kase talagang napaka imposible non! Sa pelikula lang nangyayari yon," Natatawang sabi ko. Maisip ko palang na yon ang binabalak nila ay parang gusto kong tumawa ng tumawa lalo at naiisip ko kung gano mga kaisip ipis ang mga may ideya nito na taga Grand Midori Corporation. "Sa totoo lang ay mukhang imposible, pero posible yon Yan-chan," Sagot ni Liam na nakapagpatigil ng pagtawa ko. "Ha? Hindi nga?, Joke ba yan? Okay ka lang?! Ako hindi!!! Dahil hindi ako papayag na magpa opera!" Nahihintakutan na sabi ko. Isa kase yon sa mga posibleng pamamaraan na naisip ko kung ipipilit pa nila ang kanilang gusto! Sa dami nilang pera, sisiw lang ang presyo ng operasyon na yon, baguhin man nila ang kasarian ko! Ayaw kong maging lalaki hano! "Walang operasyon na mangyayari Yan-chan. Ikaw ay magiging ikaw pa rin," Kumbinsi sa akin ni Liam "Weh??!" "Kung ganon pano? Tsaka imposibleng maloko natin ang mga taong makakakita sa akin. Hindi naman bobo yung mga yon eh. Lalo na kamo at prestigious school yon. Bakit kaya hindi nalang kayo kumuha ng isang lalaki na ipapa-plastic surgery. O di naman kaya, bayaran nyo nalang yung school para magbigay ng certificate sa boss nyo. Sa yaman nyo na yan, wala naman maglalakas loob na tanungin kayo kung may makakaalam na isa syang ghost student. Sa pamahalan nga di ba? Uso din ang mga ghost employees, marami ang nakakaalam pero walang nagsusumbong," Mahabang suggestion ko pa. Halos bumula at tumalsik ang laway ko sa pag e-explain. Si Liam naman ay siyang siya na nakikinig sa akin. Feeling ko ay gustong gusto nya ng mga part na ganito. Yung may kausap sya na isang baliw na katulad ko! Hoho "You have lots of idea Yan-chan. At nakakatuwa lang na nag e-effort ka talaga. But you see, ang King's Pride University ay pag aari ng isang mayamang tao. Meaning, hindi sila nasusuhulan lalo na ng pera. Importante sa paaralan nila ang kalidad ng pag aaral. Kaya ang pamemeke ng pagpasok ng mag aaral o ang pag i-issue ng pekeng sertipikasyon ng pagtatapos ay lubha ring pinagbabawal," Paliwanag din nya sa akin. "Ganon?! Bawal pala ang peke at ang pamemeke. Tapos pagpapanggapin nyo ko?! Pag nahuli nila ko don, dahil mayaman sila... Siguradong hindi man sa kulungan ang bagsak ko ay baka sa sementeryo na! Naisip nyo ba yon ha?!" Lalo akong natakot sa information na nalaman kong yon. Lalo talaga nila akong hindi mapapapayag! "Hindi ka mahuhuli," Confident na sagot ni Liam. "Pano mo naman nasabi yan?!" Gulat na tanong ko. Sa isip ko ay, hindi ata alam ng Liam na ito ang salitang "mahirap" at "delikado" "Dahil tutulungan kita. I'll make sure you'll become completely different person without operation at hindi ka mapapahamak. Pangako ko yan," Seryosong sabi nya sa akin. Pagkarinig ko ng mga katagang yon ay saglit akong na lure sa charm nya at promise muntik na talaga nya akong mapa "yes" "Naniniwala naman ako sayo. Kaya lang, tingin ko nasasayang lang ang oras nyo sa akin. Dahil baka mabigo ko lang kayo. Sa totoo lang wala akong kakayahang gawin yung mga pinapagaw nyo sa akin," Tanggi ko pa rin. Iniisip ko na ipasok na sa usapan namin ang suggestion ko na "kung papayag sila ay willing naman ako magbayad ng utang ko ng pa konti konti" basta hayaan lang nila akong maging malaya. "Yung suggestion mo kanina na kumuha ng ibang tao upang pumalit kay Iyan ay naisip ko na noon pa. Pero hindi lang basta kamukha ang kailangan namin. We need someone to excel academically at yung may malakas na adoptation sa iba't ibang sitwasyon. And I'm very confident that the role fits you perfectly. Yan-chan, You have a very high IQ and you act to all situation accordingly. So sa akin, it doesn't matter that you're a actually a girl. Akong bahala sayo," Convince pa sa akin ni Liam. Kitang kita ko sa mga mata nya na buo na talaga ang pasya nya. Yung parang nababasa ko doon ang mga katagang "It should be you YAN-CHAN!" Kaya hindi ko na tuloy tahasang masabi na ayaw ko. Napayuko nalang ako. Anong magagawa ko? Ayaw ko talaga! Ayaw kong manloko ng mga tao! Ayaw kong magpanggap kung sino! At ayaw kong mag aral sa pangalan ng iba... Dahil... Gusto ko din mag aral, bilang ako. Dahil naniniwala ako... Na ang pagtatapos ng pag aaral ay magiging unang step ko para maging mabuti ang pamilya ko. Yung umasenso naman kami tapos ay wala ng hahamak sa amin na tulad nito. "Tingin ko ay hindi ko na talaga mapagbabago pa ang isip mo Yan-chan. Kung hindi talaga ang sagot mo, then so be it," Narinig kong sabi ni Liam. Napatingin tuloy ako sa kanya. Hindi ko ini-expect na susuko sya agad ng ganito kadali lang. Pero salamat na din kung ganon at hindi na pala kailangan pang makipagkulitan sa kanya. "You know what? After I learned about you, naisip ko na you need us, more than we need you Yan-chan. What for? For everything. Aminin na natin, your life is a big mess right now. And we can help you get through it." "Your mother needs immediate treatment and should be schedule for heart transplant as soon as possible. The cost will be a big sum of money. We can help you with that. Even ang pagpapalaya sa Papa mo na nasa kulungan ngayon as a punishment for a crime that he did not commit. We can help him erase those criminal case as well as his bad credit history para makapa start sya ng bagong buhay. All of it, we can offer you in exchange for such a small favor na pumalit sa pag aaral ng heir ng Grand Midori Corporation hanggang sa bumalik lang sya." "But since you already made up your mind. Wala na tayong pag uusapan tama? Though, I have high hopes on working with you sana," Nanghihinayang na sabi pa ni Liam. No. Mas tamang sabihin na, sinabi nya yon para panghinayangin ako. At sa totoo lang ay yon talaga ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa nga lang ako makakibo agad dahil hindi pa ma process ng utak ko ang offer na sinabi nya. It's too good to be true! Hindi ba ang mga ganong bagay na sobrang extravagant ay parang scam?There must be something wrong with it. "So... I think, this is it? Nice meeting you Miss Yanna Cruz," Seryosong sabi na ni Liam after ng ilang segundong pagsasawalang kibo ko. Nasa boses na nya ang pagsuko at pamamaalam. "Yung mga sinabi mo na tutulungan nyo ko, answered prayers ko lahat yon. Talaga bang gagawin ng GMC yon para sa akin kung papayag ako sa gusto nyo?!" Tanong ko nung feeling ko ay aalis na si Liam. Sobrang ganda ng offer nila. Yun ang totoo non at yun din ang mga bagay na bumabagabag sa akin kaya nahulog ako sa malalim na pag iisip. "Of course," Confident na sagot nya. "Bakit? I mean, gagastusan nyo talaga ang pamilya ko?" "Why not? tutulungan mo rin naman kami hindi ba? It's a win-win situation. At lahat ng sinabi ko sayo, posible lahat yon because we are GMC. "We make things possible," remember?!" Nakangiting sagot pa nya habang sinasabi pa nya yung catchphrase ng company nila. "Kung hindi ako papayag sa gusto nyo, it means disposal right?! Dahil wala akong naitulong at alam ko na ang sikreto nyong ito ay kailangan ko na ring manahimik. Tama ba?!" Hula ko. No. I mean, sure ako sa bagay na to. "Who knows... Ang trabaho ko lang ay tanungin ka kung maari mo ba kaming tulungan. If yes, i'll stay with you for the rest of the term. If no, my job ends here. At sila na ang bahala sayo," Sagot nya na tinitigan ako sa mata. Feeling ko ay gusto lang nyang sabihin sa akin na sincere sya sa sinabi nya. Na after na maghiwalay kami dito, hindi na nya maipapangako ang safety ko. Hindi ko man aminin ay lumakas ang kabog ng dibdib ko sa alalahanin kong yon. Pero hindi pa rin nababago ang pananaw ko na "yes" man ang sagot ko ay nasa alanganin pa rin ako dahil mas mahirap ang manloko ng mga kapwa tao. "May gusto pa pala akong malaman." "What is it?" tanong naman ni Liam. "Hindi ba sabi mo kanina ay hindi mo ‘ko hahayaang mapahamak kung may makaalam man ng totoo? Let say, nailigtas mo ako sa pagpaparusa ng school, paano naman sa kaparusahan na naghihintay sa akin sa Grand Midori? Hindi naman pwede ‘yung bigla n’yo na lang kong papatawarin sa kapalpakan ko hindi ba?" seryosong tanong ko. "To tell you honestly, I don't think you will be caught but anyway, good that you asked. If that happens then you just have to pay everything we spent on you and your family. Even if the punishment is simple, you still shouldn't fail, right?" cool na sagot naman nya. "Gano’n?" nakataas ang kilay na sabi ko. Simple daw? Nasaan ang simple do’n kung kailangan ko din palang bayaran ang lahat ‘pag pumalpak ako? Ito talagang si Liam medyo eme din minsan. "Okay, fine! So, paano naman kung dumating na ang totoong Iyan. Anong mangyayari sa akin at sa pamilya ko? Paano ko masisuguro na magiging ligtas pa rin kami sa kamay ng GMC kung alam ko ang ginawa n’yong sikreto?!" huling tanong ko. Gusto ko lang malaman ang sagot. Dahil if ever, kaligtasan at buhay pa rin namin ng pamilya ko ang nakasalalay dito. "After your task, GMC will be forever grateful to your help. At ipinapangako ko na magiging ligtas ka at ang pamilya mo. You have my word Yan-chan," sincere na sabi n’ya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD