Chapter 5

2073 Words
CHAPTER 5 -------------- YANZ POV -------------- "So, Yan-chan.. magtitiwala ka na ba sa akin at handa ka ng makinig?" Tanong nya agad sa akin nung naka upo na ako. "Una sa lahat, Yanna ang pangalan ko at hindi Yan-chan. Pangalawa, kung makikipag usap ako sayo, gusto ko tayong dalawa lang," hiling ko ulit. "Kisama!!!..." Narinig kong galit na sabi sa akin ni Rika na agad namang sinenyasan ni Liam na tumigil na kaya hindi na nya nasabi ang iba pa nyang sasabihin. Kisama- a rude way to refer to someone as "you" Hindi ko man yon naintindihan ay alam kong masama ang meaning non. Dahil bukod sa tono ng boses nya ay nakita ko na mas naiinis sya sa akin ngayon. Actually ay mas masama na ang tingin nya sa akin ngayon kaya lumingon nalang ako sa ibang lugar. "Watashitachi o hanatte oite Rika-chan," Sabi ni Liam sa salitang nihongo. Watashitachi o hanatte oite - leave us alone Syempre ay hindi ko naintindihan yon dahil silang dalawa lang ang magkausap. O edi sige! Sila na! "Shikashi, koreha daijōbudesuka?", Sagot naman ni Rika sa salitang hindi ko rin syempre na gets. Shikashi, koreha daijōbudesuka - but is this alright? Pero sa tono ng boses nya ay nahihimigan ko na nag aalala sya. Worried siguro sya na pag iniwan nya ang amo nya at gumawa ako ng masama ay wala siyang magagawa kung nasa malayo sya. "Daijobu dayo. Anata wa ima shuppatsu suru koto ga dekimasu Rika-chan. Besides, I believe Yanna-chan will behave today," Nakangiting sagot ni Liam kay Rika pero sa akin naman sya nakatingin. Daijobu dayo - it's fine Anata wa ima shuppatsu suru koto ga dekimasu - You can leave now Feeling ko nga ay in-emphasize pa nya ang mga salitang.. " will behave today." Bagay na hindi ko maipa pangako. Dahil I swear, di ko alam ang mga kaya kong gawin pag nagkagipitan na! So ayon! Nakita kong inirapan ako ni Rika bago sya tuluyang umalis, baka nga kung pwede nya kong murahin ay baka ginawa din nya. "Pano mo naman nasabi na hindi ako tatakas at hindi kita kayang saktan?" Tanong ko agad kay Liam nung dalawa nalang kami sa kwarto. "Uhmm.. " sabi nya na nag isip pa. "Well.. I believe, you're smart enough para maisip na useless lang ang tumakas sa lugar na to. I mean, what for? Nasa sub-basement tayo. Even if you got through me, madami pang ibang floors na tiyak na mahihirapan ka and not to mention GMC's superb securities, very tight and advanced.. so what will you do?" Very confident na sabi nya habang nakamasid sya sa expression ng mukha ko. "Though, sa part na hindi mo ko sasaktan ay hindi talaga ako sigurado," Biro pa nya tapos ay bahagya pa syang natawa. Pero ako hindi ako natawa! Dahil kung ang dahilan nya sa pagsasabi ng lahat ng yon ay para panghinan ako ng loob... Pwes! Nagtagumpay nga sya! Naisip ko naman talaga iyon. Siguradong matindi ang seguridad sa mga dadaanan ko. Baka nga may mga laser beams pa na pwedeng tumupok sa katawan ko pagnagkataon. Pero ako si Yanz! Hindi ako basta sumusuko lang! "Kung ganon, isasama kita sa pagtakas ko. Gagamitin kitang hostage para makalabas ako sa lugar na to. Sabi mo nga, advanced ang mga security nyo di ba? I'm sure lahat ng floor nyo dito ay may mga secret door lock na may access ka, tama ba?" seryosong tanong ko. Yun talaga ang balak kong gawin. "Gagawin mo akong hostage?" Hindi makapaniwalang tanong nya tapos ay natawa ulit sya. Amusement is written all over his face lalo na nung tumango ako. "You never fail to amaze me Yan-chan! I knew you'd say that!" Natatawa pa ring sabi nya. "Bakit ka natatawa? Ano ba ang position mo dito sa GMC? You mean, hindi ka naman pala bigshot?! Empleyado ka lang ba dito?" Gulat na tanong ko. Kung isa lang palang ordinaryong empleyado ang kaharap ko ay malaking problema nga ito. "Who knows," Nagkibit balikat na sabi nya pero natatawa pa din sya. "Seryoso ka ba?! Di nga?" Nawawalan ng pag asang paniniguro ko. Medyo nanghina talaga ako sa part na yon. Hindi ko na nga napansin na mahaba haba na pala ang pananahimik ko. "Hey! Sorry for making you uncomfortable. But honestly, you know, ang cute mo pala talaga sa personal," All of the sudden ay sabi nya. "Ah, Ano?" Mahinang tanong ko. (0.0) Hindi nga ako sure kung nasabi ko ba talaga yon dahil naunahan na ako ng pagkapahiya. Ewan ba! Hindi naman ito ang first time na may nag sabi sa akin na cute ako. Basta siguro dahil.. Dahil ano... Hindi ko inaasahan na sasabihin nya yon dahil hello!!! Seryoso ang usapan namin dito di ba? "There's no escape, Yan-chan. But there's one way out," Seryosong sabi nya maya maya. Ilang saglit pa akong natahimik at nag isip. Nung hindi ko na mapag desisyunan ang tamang gawin ay napabuntong hininga nalang ako, tanda ng pagsuko. Naisip ko na wala namang masama kung tanungin ko kung ano talaga ang intensyon nila sa isang ordinaryong babae na katulad ko. "Ano ba kase ang kailangan nyo sa akin? Bakit ako kinuha ng GMC? Para saan at nandito ako? At ano yung one way out na yon?!" Curious na tanong ko. Pagkasabi ko non ay may pinindot pindot si Liam sa control ng wheelchair nya. Tapos biglang may tumunog don, yung parang may nag switch on tapos ay biglang umilaw at lumabas ang isang hologram projector. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung lalaki na nakilala ko nung nakaraang linggo. Kamukha kase ng projector na gamit nya sa sasakyan nya yung nakikita ko ngayon. I mean hindi ko pala sya nakilala dahil hindi ko nalaman ang pangalan nya. Kahit nga ang kalagayan nya ngayon ay hindi ko din alam. Kung buhay pa ba sya o hindi na. "Take a look at this," Narinig kong sabi ni Liam. Tapos ay nag appear sa monitor ang larawan ng isang tao. "Your one way out," Dagdag pa nya. Blah...blah..blah.. May mga sinabi pa syang iba pero hindi ko na masyado naintindihan. Na focus na kase ang atensyon ko sa nakikita kong picture. "Sino naman ang taong yan?" Naisipan kong itanong. Hindi ko kase ma i-deny na malaki talaga ang pagkakahawig naming dalawa. As in.. Sobra! "Tingin ko naman wala akong nawawalang kapatid..." Out of the blue ay sabi ko. Malakas ang kutob ko na malaki ang kinalaman ng taong yan sa pagkaka involve ko ngayon sa GMC. "I had the same expression nung makita ko yung picture mo. I just can't believe that you two look so much alike when you are not blood related. So we ran some test kanina at hihintayin nalang natin ang resulta. Anyway, his the heir to Grand Midori Corportion. Sya si Iyan Earl Verde," Pakilala nya sa lalaking nasa monitor habang nag papakita pa ng ilang images nya. "Iyan Earl Verde?! Sya ang taga pag mana ng GMC?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Abe wow! Ang yaman pala ng taong yan! "Eh teka... Pano mo pala nasabi na sya ang one way out ko sa sitwasyon ko na to? Ano bang kailangan nyo sa akin? Don't tell me nung nakita nya ko eh, na-in love sya sa akin at gusto nya kong pakasalan? Imposible naman yon di ba?! Sa yaman nyang yan, sure na madaming babae ang nagkakandarapa sa kanya!" Pagbibiro ko pa. Syempre automatic na narinig ko ang pagtawa ni Liam sa sinabi ko. "Nakakatuwa ka talaga Yan-chan, but yes, it is impossible because he's already engaged," Inform nya sa akin. At hindi naman ako nagulat sa sinabi nya. Syempre ang mga lalaking katulad ng Iyan na yan ay sure na nagbibilang ng mga babaeng mapapa ibig nila. "Sabi ko nga! Kaya nga nagtataka ako kung ano pa ang posibleng kailangan nyo sa akin. Alangan namang kinuha ako ng GMC para magpanggap bilang SYA di ba? Mas imposible naman yata yon!" Natatawang sabi ko. Dahil kahit sinong makarinig ng sinabi kong yon ay matatawa din sa akin. Bakit? Eh sobrang absurd ng idea na yon eh! Baliw ba?! Pero nung makita ko ang seryosong mukha ni Liam ay kinabahan ako. "Don't tell me..." Hula ko. "Yes. Tama yung nasa isip mo Yan-chan," Pag confirm nya. "Ha?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "Seryoso ka ba? Hindi ko magagawa ang manloko ng mga tao! Tsaka isa pa! pano akong magpapanggap na SYA! Eh lalaki yan!!!" --------------------------------- WANGGUAN ISLAND MIMAROPA REGION PHILIPPINES ---------------------------------- Six months Later ---------------------------------- YANZ POV -} on a private plane ----------------------------------- "Iyan-sama, sore o shinaide kudasai!" Nagwa-warning na sabi sa akin ni Ms.Rika. Translation: Iyan- sama, please don't do that! Nagulat pa nga ako sa malakas na pagsara nya ng librong binabasa nya kaya para akong batang paslit na automatic na lumayo sa gawing bintana. Pagtingin ko sa mukha ni Ms. Rika ay very disappointed na naman sya sa akin. Sa loob ata ng anim na buwan na magkasama kami ay mabibilang ko lang sa daliri ko ang mga panahon na nakita ko syang satisfied at naka ngiti sa performance ko. Actually, sa mga panahon na yon ay hindi ko naman talaga masasabi na masunget o masama ang ugali nya, kundi ay sobrang istrikto lang talaga nya pagdating sa mga pagsunod sa mga rules. "Sumimasen Rika-san." Sumimasen- i'm sorry Rika-san San is a title of respect added to a name. Yumukod ako ng konti sa kanya at inayos ko ang pagkaka upo ko sa couch tulad ng natutunan ko sa good manners ng mga hapon. Sorry naman at hindi ko talaga kase napigilan ang sarili ko na sumilip sa labas ng bintana nitong private plane na sinasakyan namin. Hindi naman ito ang unang beses na sumakay ako dito. Kung tutuusin nga ay maraming beses na, kaya medyo nasasanay na ko sa karangyaang pinararanas nila sa akin. Pero aminado talaga ako na nung first time ko ay nalula talaga ako sa ganda ng jet na ito. Sobrang sosyal kase! Mula sa mabangong amoy na hindi nakakahilo, komportableng pagbyahe, couch, pagkain hanggang sa kaliit liitang gamit dito ay super luxurious. Medyo sanay naman na talaga ako eh, kaya lang ay talagang naakit lang ako dahil sa napaka ganda ng tanawin na nakita ko sa labas ng bintana. Ngayon lang ako nakakita ng sobrang kulay asul na karagatan. Napakaluwang non at parang wala ng katapusan. Tapos medyo natatanawan ko na din ang isla na sadya namin. Marami akong nabasa tungkol sa lugar na ito. Ang isla na hugis korona ng hari! Ang Wangguan island! Very popular ang isla na ito, dahil bukod sa sobrang ganda ng tanawin ay hindi lahat nabibigyan ng chance na makapunta dito dahil isa itong private property ng isang mayamang businessman na TSINOY half chinese half filipino na sobrang kilala din dahil sa pag mamay ari nila ng TIU Group of Companies. Ang alam ko ay marami silang mina-manage na mga pasilidad na nasa buong Pilipinas. Tulad ng mga Hospital, Supermarkets at ang pinaka sikat na University. Ang King's Pride University na nandon nga sa pinaka isla ng Wangguan. Isa ang school na to sa pinaka sikat na university sa buong bansa at sa abroad. Matatalino at mayayaman kase ang lahat ng nag aaral kaya hindi lahat ay qualified. At ito yung school na exclusive sa boys, at exclusive din sa mga girls. Separated ang facilities nila. Sa totoo lang ay sa buong buhay ko, ay hindi ko inakala na isa pala ako sa mabibigyan ng ganitong oportunidad. Kaya nga kanina ay hindi ko napansin na nawala na pala ang manners ko sa sobrang excitement. Ayaw pa naman ni Ms. Rika ng ganitong ugali. Gusto nya ay calm and composed. Tulad ni Iyan Earl Verde.Ang taga pag mana ng Grand Midori Corporation. At ako ngayon ang kanyang double. Sa loob ng anim na buwan ay wala akong ginawa kundi ang pag aralan kung paano ang maging SYA. Pero... Hindi ganon kadali ang lahat. Hindi ganon... Masasabi kong komplikado ang buong pagkatao nya. Nakakatawa lang ay malaki ang pagkakahawig naming dalawa. Magic man yon o sinadya ng tadhana ay hindi ko alam. Si Iyan kase ay mix mix. I mean, ang nanay nya ay half Japanese at half Pilipino. Tapos ang tatay naman nya Italian. Pinanganak sya sa Italy at lumaki don hanggang elementary. Tapos lumipat na sila sa Japan. May mga nag alaga sa kanyang mga pinoy don kaya marunong din sya mag tagalog. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD