Chapter 4

2110 Words
CHAPTER 4 ------------- YANZ POV ------------- Lalo at naramdaman ko na parang may kung anu anong bagay ang nakalagay sa gawing ulo ko. Hindi ko naman matanggal yon dahil may pumipigil sa kamay ko na fixation strap. Yun nga lang kakaiba ang mga strap na ito dahil umiilaw sila at may mga digital codes. Hindi katulad ng mga pang restrain sa hospital na yari lamang sa mga ordinaryong tela o di kaya ay leather. Kaya naisip ko agad na mag ingat! Iniwasan ko talagang gumalaw at magpumilit kumawala dahil baka isang maling kilos ko lang ay bigla akong sumabog. Pati ang leeg at mga paa ko ay ganon din ang kalagayan. Mas lumakas tuloy ang kaba sa dibdib ko. Huminga ulit ako ng malalim at pilit na kumalma! "Yanna! Kalma lang! Kayang kaya mo tong takasan!" Encourage ko sa sarili ko. Kailangan ko kasing mag isip ng paraan para makatakas sa lalong madaling panahon. Ganito talaga kase yung mga napapanood ko na pinag e-experimentuhan sa pelikula. Yung mga babaeng walang awang nire-r**e at ginagawang test subject ng mga siraulong mayayaman! What if kung freak ang matandang hapon na bumili sa akin at hindi lang ako basta halayin kung hindi ay i-disect pa ako na parang isang palaka at ipakain sa alaga nyang lion! Hindi imposibleng mangyari yon...!!! Bakit nga hindi ay nakasuot ako ng laboratory gown! Meaning... Ano mang oras ay babalik na ang mga taong yon dito at gagawan na ako ng masama! Ang sasama nila! Ang mamanyak nila! Halos maiyak ako dahil sa takot at namumuong galit sa dibdib ko para sa mga taong nasa likod ng mga ganitong operasyon. Ganon ganon nalang ba paglaruan ang buhay? At kasalanan ba talaga ang maging mahirap? Oo, mahirap lang kami pero hindi naman tama na buong pamilya ko ay mag suffer dahil lang sa masamang dagok ng tadhana sa amin. Kung tutuusin ay biktima lang kami ng marahas na kapalaran! Nasa moment ako na... Down na down talaga ako.. At halos maloka na sa kakaisip ng dapat kong gawin... Nang makarinig ako ng tumatawa. Hindi ba at nakakainis yon?!!! Yung boses nung tumatawa ay malaki at mabagal.Para sa akin ay parang nanggagaling pa nga yon sa ilalim ng lupa eh! Si Satanas siguro! Ligayang ligaya pag may nakikita ng naghihirap na tao! Basta parang gumagamit sya ng voice changer na naririnig lang sa speaker ng kwarto para hindi ko siguro marinig ang totoo nyang boses. Aminin ko man o hindi, kahit anong pagkalma ko ay nainis nya talaga ako. "Sino ka bang sira ulo ka at nakuha mo pang tumawa dahil sa paghihirap ng iba? Tingin mo nakakatuwa ang pangyayaring to ha?! Kung oo ang sagot mo! Pwes! Ikaw lang yon! Dahil ako hindi ako natutuwa! Bakit ba ginagawa nyo sa akin to? Ano bang kasalanan ko sa inyo? Ano bang kailangan nyo sa akin? Pakawalan nyo nga ako dito!!!", Singhal ko. Tapos ay bigla ko agad naisip na mali yung ginawa ko.Wala kase sa plano ko ang sumigaw at awayin ang kung sino mang responsable sa pangyayaring to dahil kung magagalit ang taong yon sa sinabi ko at barilin ako ngayon ay wala na akong magagawa dahil wala akong kalaban laban. Patay akong bata ako! Pero ano ngang magagawa ko? Huli na ang lahat! Hindi ko na babawiin pa ang nasabi ko na! "Teka muna! Hindi ba hapon sila? Malaki ang chance na hindi nila ko naintindihan di ba?!" Sabi ng isang parte ng utak ko. Sa naisip kong yon ay nagkaron na naman ako ng pag asa! May tumawa na naman sa speaker. Pero this time ay iba na. Feeling ko ay totoong boses na yon ng nagsasalita. "Don't worry Yan-chan! I understand you, Loud and clear. Nakakaintindi ako ng salita ninyo. Though, Isa nga akong Japanese.", Sabi ng tinig ng isang lalaki. Chan- japanese term expresses that the speaker finds a person endearing. In general it is used for young children, close friends, babies, grandparents and sometimes female adolescents. It may also be used towards cute animals, lovers, or a youthful woman. Medyo natigilan ako dahil hindi ko ine-expect na naintindihan pala nya yung sinabi ko! At anong sabi nya? Japanese sya? My ass! Mas magaling pa nga sya magtagalog sa kapitbahay kong nilamon na ng sistema ng korean drama eh! Muling natawa yung boses. Yung parang alam nya yung nasa isip ko kaya sya natatawa. Pero imposible naman yon kaya kinalimutan ko na talaga yung idea na yon. "Bakit ba tawa ka ng tawa? Nababaliw ka na ba?!" Inis na tanong ko. Tumawa na naman sya! Ayaw ko man aminin pero ang sarap sa tenga ng boses nya. Yung feeling na... Mukhang hindi naman sya masamang tao. Pero syempre hindi lang naman boses ang basehan ng pagiging mabuting tao! Maraming maganda at malambing ang boses pero bwisit naman pala. "Calm down a little bit and we'll talk. I know, you have tons of question in your mind..." Sabi ulit nung boses sa speaker nung tumigil na sya sa pagtawa nya. "Hindi na bale! Kahit hindi mo na sagutin yon! Dahil wala akong balak na makipag usap sa taong duwag, na hindi kayang ipakita ang sarili nyang mukha!" Interrupt ko sa mga sasabihin pa nya. Ang plano ko ay palabasin ang taong nagsasalita at makausap sya ng personal. That way ay baka mapaki usapan ko pa syang palayain ako at by all decent means ay babayaran ko nalang sya ng paunti unti kung gaano man kalaki ang utang ko. Tumahimik yung boses. Siguro ay nag iisip. Alam ko naman na nasa malapit lang sya. Siguradong may sikretong monitor na naka install sa kwartong ito at doon nya ko pinapanood. At hindi nga ako nagkamali. Ilang saglit lang ay bumukas ang isang gilid ng pader na hindi mo aakalain na pintuan pala. Kaya pala kahit anong hanap ko ng pinto na pwede kong takbuhan para tumakas ay wala akong makita. Naka comouflage pala yon. "Sharp as always, you're too amazing, Yan-chan," Papuri sa akin nung lalaking lumabas buhat sa sliding door. May kasama syang isang babae. Ewan ko kung imahinasyon ko lang pero parang narinig ko na bahagya pang tumawa yung lalaki. Kung habbit lang nya yon o talagang masiyahin syang tao ay malaking factor na din yon para sa plano ko. Nagulat ako ng biglang gumalaw yung hinihigan ako at kusang bumangon yon kaya ngayon ay para na akong nakatayo kahit pa nga ba wala namang nabago at nakatali pa rin ako. Tapos nag automatic din na lumabas yung metallic na apakan para ma support yung weight ko at hindi ako mangawit. Nasabi kong metal yon kahit hindi ko naman talaga makita dahil malamig talaga sa paa. Nakita kong lumapit sa akin yung dalawang bagong dating. Nung makita ko ng mas malapitan yung lalaki ay parang nabawasan ang kaba na nararamdaman ko. Parang nakangiti kase sya. Maamo naman ang mukha nya, yung parang hindi mananakit. Sa tantiya ko pa nga ay hindi kami nagkakalayo ng edad base na rin sa casual dress na suot nya na very often kong makita sa mga teenager na lalaki sa tv. Sa totoo lang ay... Gwapo sya! Kung tutuusin ay pak na pak na syang mag artista kung hindi nga lang siguro sa kapansanan nya. Naka sakay kase sya sa isang wheelchair. Pero hightech na wheelchair yon kase ay may control yon at talagang kakaiba sa pangkaraniwan. "Sino naman kayo?! At nasan ba talaga ako?!" Tanong ko agad, pinatatag ko ang boses ko para hindi ako magmukhang nasisindak sa kanila kahit ang totoo ay may takot pa rin sa dibdib ko. "Liam-sama, you don't have to say anything to this rude girl. She might have forgotten the situation she has right now that's why she's being mean," Sabat ng babae na kasama nya na sumobra ata sa kaseryosohan. sama used to refer people of higher rank, or somebody who are deserving of the utmost respect status in Japan. Pati ang attire nyang business suit ay naka add pa sa aura nyang mukhang matandang dalaga, yun bang hindi tumatanggap ng biro dahil talagang masunget siya. Medyo nasindak nya talaga ako lalo at kitang kita ko sa magandang mukha niya ang disgusto sa akin. Hindi ako yung kausap nya pero masama naman ang pagkakatingin nya sa akin. Kung nakakapatay nga lang ang tingin nyang yon ay sure na wala na akong buhay ngayon. "It's okay. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Yan-chan. I'm sure... her unease grew with all sorts of things happened to her. Chill ka lang Rika-chan," Nakangiting sagot naman nung lalaking tinawag na Liam don sa high blood na babae. "Anyway, I'm glad to finally meet you Yan-chan," Baling nya sa akin at ngumiti. "I'm Liam Matsumoto, and this is Rikaide Himura, my assistant. Obviously, we are Japanese so my knowledge in speaking filipino and english are not that very good but I will try my best," He giggle again. "And yeah.. as you can see, this place is one of the operating laboratory of Grand Midori Corporation here in Japan. You probably know about GMC, our products are highly known globally. Drones, robots, computers, cellphones and other inventions in regards with technologies." "Oh well, I don't know what you were thinking regarding those bed, machines and straps... But, please just rest assured that we are not going to hurt you, we just have to run some basic test that are 100% safe. You know you are a very valuable person to us, the only thing you have to do is believe us," Mahabang intro nya. Kilala ko naman ang Grand Midori Corportion GMC, alam ko naman na popular silang kompanya at naiintindihan ko na proud si Liam sa part na yon. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay ano naman ang kinalaman ko sa GMC? At bakit ako naging valuable person para sa kanila. Yon ang dapat kong malaman! "Okay. So, sabi mo safe ako and the only thing I need to do is to believe in you? Tama ba?" Tanong ko sa kanya. "Yes," sagot agad nya. "Pano ko maniniwala at magtitiwala sa inyo na safe ako kung hanggang ngayon ay hindi nyo pa rin ako pinapakawalan sa mga bagay na to?" Nginuso ko yung mga naka strap sa katawan ko. Nakita ko na tumaas ang gilid ng labi nya at narinig ko na naman ang mahina nyang pagtawa. Yung para bang ine-expect na nyang sasabihin ko yon at inaabangan lang nya kung anong approach ang gagawin ko. At sure din ako na alam na nya ang pinaplano ko kaya napangiti sya. "Very well... Release her," Utos ni Liam maya maya. "Liam-sama! I don't think this is a good idea. Tayo ang hindi dapat magtiwala sa babaeng yan. Ilang beses na syang tumakas dati at baka balakin na naman nya ulit ngayon yon," nagpa-panic na pigil ng assistant nya sa kanya sa tonong foreigner na nag tagalog. As usual ay masama na naman ang tingin nya sa akin. Feeling ko nga ay sinadya nyang mag tagalog para mas may dating sa akin ang hinanakit nya. So.. Aware pala sila sa mga pagtakas takas na ginawa ko noon. Actually, after don sa kuta nung mga scammer na shark loan ay dalawang beses pa ulit ako nakapang utak at nakatakas nga. Sa isang kuta nila at nung nasa airport na kami. Yun nga lang, sa malas ko ay lagi din naman akong nahuhuli kaya para sa akin ay hindi skill na matatawag ang ganon. Kundi misfortune! "Liam-sama, pag isipan nyo pa po ang tungkol dito," Sabi ulit nung Rika. Hate na hate pa rin nya ang idea na papakawalan ako. Pero infairness talaga sa dalawa na to. Mukha talaga silang japanese pero kung mag tagalog ay superb! "I don't think she's capable of hurting a crippled man like me. Naniniwala ako na mabuting tao si Yan-chan So.. release her, now," Utos ulit ni Liam na nakatitig sa akin. Ginamitan pa nya ko ng reverse psychology! Akala naman nya ay tatablan ako non. FYI, para makatakas lahat ay kaya kong gawin noh! So ayon nga... Wala ng nagawa yung si Rika na laging high blood sa akin nung automatic na natanggal ang pagkaka hook ng mga straps sa mga parte ng katawan ko. Isa isa ko pa ngang hiwakan at chineck ang mga parte ng katawan ko kung mayroon bang nagka sugat. Mabuti na lamang ay wala, nakaramdam lang ako ng pagkangawit. "Umupo ka muna," Sabi ni Liam at automatic na may lumabas na upuan buhat sa may sahig. Nagulat man ako at namangha ay hindi ako nagpahalata. "Wag kang mag alala. Ordinaryong upuan lang yan," Nakangiting inform sa akin ni Liam nung mapansin nyang nag he-hesitate ako sa pag upo. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD