Kabanata 1

1894 Words
Hindi naman ang impyerno ang pinapangarap niyang lugar, ngunit naniniwala siyang ito ang kaniyang kahahantungan. Nais pa man ni Harlow na malaman kung bakit at paano siya makapupunta sa lugar na ito ay hindi na maaari sapagkat hindi naman ito ang tamang oras para sa mga ganoong bagay. Bagkus, hinarap niya ang salamin na nasa kaniyang kuwarto at nilapatan ng meykap ang mga mata niyang kasingganda ngunit kasimbagsik ng kidlat. Pagkatapos ay isinunod naman niyang lagyan ng kolorete ang kaniyang labi na mayroong natural na kurba na parang arko ni Kupido. "Ready for shopping!" sigaw ni Harlow, sabay wasiwas sa kaniyang mga kamay. Ngayon ay araw ng kaniyang pahinga mula sa trabaho, ibig sabihin, araw rin niya ng pamimili ng mga kung anu-anong kagamitan na hindi niya naman madalas nagagamit. Nakasanayan na talaga ni Harlow ang pamimili na tila ba hindi kumpleto ang kaniyang araw kapag hindi niya nagagawa ito. Habang minamaneho ang kaniyang itim na Mercedes-Benz, tinungo ni Harlow ang SM City North Edsa. Ang pamilihan na ito na ang nakasanayan niyang puntahan at ito na rin ang kaniyang paborito dahil maliban sa malapit lamang ito sa kaniyang tahanan ay marami rin ditong maaaring pagpilian. Sabik na sabik na pinasok ni Harlow ang gusali pagkatapos iparada ang kaniyang sasakyan. Tila ba ito na lamang ulit ang unang beses na makapamimili siya pagkatapos ng mahabang panahon eh, kung tutuusin, noong isang araw lamang siya huling nagpunta rito. Bumili na naman kasi siya ng kaniyang mga damit na kahit na sukang-suka na ang kaniyang aparador ay wala siyang pakialam. Suot ang kaswal at simpleng pulang bistida ng H&M, lumusong si Harlow sa pamilihan ng UNIQLO. Brusko man kung pakinggan, pagdating sa mga damit ay wala talaga siyang kinikilingan. Kaya naman, halos halughugin niya ang buong gusali mapuntahan lamang ang bawat sulok. Maging sa mga sapatos ay wala rin siyang pinalalampas. Ang mga binibili niya ay ginagamit niya lang naman ng isa hanggang dalawang beses, pagkatapos ay pinagsasawaan na. Ang pag-iipon ay wala sa bokabularyo ni Harlow. Naniniwala siya na kapag may pera ka, gastusin mo na dahil hindi mo alam baka isang araw ay mawala iyan. Isa pa, tumataas ang mga bilihin, kaya imbes na mag-ipon ka ay mas piliin mo na lamang ang mamuhunan. Higit sa lahat, kailangan mong magtamasa ng isang masayang buhay dahil maigsi lamang ang mga araw natin sa mundo. Gaya ng dati, inabot na naman si Harlow nang ilang oras sa paglilibot dahil halos lahat ng sulok ay pinuntahan niya. Naisipan na lamang niya na umuwi ng alas sais ng hapon at dahil magdidilim na. "Oh my bad, Anak," bungad agad sa kaniya ng kaniyang Mommy Rosettta na nakatayo sa pintuan. "Late ka na namang umuwi!" Ibinaba ni Harlow ang mga bag na kaniyang hawak-hawak, saka nagtungo sa kaniyang ina at niyakap ito. "Sorry na, Mommy," sambit niya. "Binilhan ko rin kayo ng damit n'yo. Don't be mad na, okay?" Kumawala si Rosetta mula sa pagkakayakap ni Harlow. "Anak naman, tingnan mo 'yang mga pinamili mo, halos hindi mo na mabitbit lahat." Dumating naman ang ama ni Harlow na hindi niya alam kung saan nanggaling. "Ma, huwag mo nang pinapagalitan 'yang anak natin," sambit nito. "Malaki na siya, and there's nothing wrong with shopping all day. At least matino ang baby girl natin at hindi marunong magrebelde sa magulang." "Ayan, kaya nasasanay ito kasi kinukunsinti mo." "Hindi naman sa gano'n, Ma. Ang point ko lang ay malaki na si Harlow. Let her enjoy the things she wants, or else, pagsisisihan mo 'yan kapag pumuti na lahat ng buhok mo." Humagikgik si Harlow. Kapag mga ganitong debate, lagi siyang ipinaglalaban ng kaniyang ama. Paano ba naman kasi? Daddy's girl, eh. Isa pa, nag-iisang anak siya kaya ganoon na lamang siya ituring nito. Minsan pa'y niyakap niya ang kaniyang ina. "Mom, sorry na kasi. Bumabawi naman ako sa inyo, eh. Love you!" halik niya rito bago umalis. Pagkarating sa kuwarto ay agad-agad na sinukat ni Harlow ang mga damit na kaniyang pinamili. Ilang oras siyang nag-model-model sa harapan ng salamin, at natigil lamang siya nang ipatawag siya ng kaniyang mga magulang para sa kanilang hapunan. Sumunod nga siya agad sa baba at mabilis lang na kumain, pagkatapos ay bumalik siyang muli sa kaniyang silid. Saktong pagpatak ng alas otso ng gabi nang haraping muli ni Harlow ang salamin. Inalis niya ang kaniyang mga kolorete sa mukha dahil hindi niya pa natatanggal iyon simula nang makauwi siya. Nagpalit na rin siya ng kaniyang damit at nagsuot ng itim na pantalon at itim din na talukbong. Maging ang kaniyang sapatos ay itim, pati na rin ang antipas. Tapos na ang kaniyang pagiging isang malambing na babae. Simulan na ang pangangaso! Nang handa na ang lahat ay isinara na ni Harlow ang pinto ng kaniyang kuwarto at tumakas sa pamamagitan ng bintana. Kumapit siya sa gilid-gilid hanggang sa makababa siya sa bakod ng kanilang bahay, ngunit dahil maraming bantay ay kinailangan niyang magdoble-ingat. Hindi siya lumabas sa tarangkahan dahil may guwardya roon, kaya sa bakod siya dumaan, gaya ng dati. May kataasan iyon ngunit hindi na iyon problema sa kaniya dahil sanay na siya sa akyatan. Habang naglalakad ay may nakasalubong si Harlow na isang maiyag na babae; nakasuot lamang ito ng puting sando at ng maong na kalsonsilyo na halos ibuga na ang buong pagkato nito. Hindi pa man nakalalampas ang babae sa kaniya ay may narinig na siyang isang malibog na sipol. Napahinto siya at hinanap iyon; sa bandang kanan ay may nakita siyang isang lalaki na palagay niyang pinagmulan niyon. Kaya naman, lumapit siya sa lalaking iyon at malakas na sinuntok ito sa mukha dahilan para mapasigaw ito sa aray at mapahinto sa paglalakad ang babae. "Catcalling is extremely obnoxious, man. Go home and masturbate all by yourself, kaysa nambabastos ka ng babae dito sa daan." Muli ay sinuntok ni Harlow ang lalaki hanggang sa mawalan ito ng malay. Lumingon naman siya pagkatapos sa babae na nakatayo pa rin at nanginginig sa nakita. "Next time when you go out, bring someone with you. Hindi mo alam ang takbo ng mundo at laman ng isip ng mga tao. Go home, lady." Pinasalamatan ng babae si Harlow at pagkatapos ay kumaripas ito ng takbo. Nagpatuloy na rin si Harlow sa paglalakad at iniwan na ang lalaki na walang malay. Dala-dala pa rin ang kaniyang maangas na awra, tinungo niya ang sentro ng siyudad upang manghuli ng mga taong sumusuway sa batas. Sa tingin niya'y mataas naman ang kasiguraduhan na sa impyerno siya mapupunta, eh 'di magsama-sama sila roon. Habang inililibot ang kaniyang mga mata, nanatili muna si Harlow sa bandang gilid. Naantala lamang siya sa pagtaginting ng selpon mula sa kaniyang bulsa. Tumawag ang kaniyang ina ngunit hindi niya ito sinagot, bagkus, ibinalik niya ang selpon sa kaniyang lukbutan. Subalit, wala pang ilang minuto ay sumikbu-sikbo na naman ang kaniyang telepono. At dahil doon ay napilitan na lamang siya na sagutin ito. "OMG, Harlow! Finally, you answered the call. Nasaan ka ba? Kanina ka pa hinahanap nina Tito at Tita!" Si Maddie pala ito, ang kaniyang kaibigan simula pagkabata. Tumupi naman ang kilay ni Harlow sa kaniyang narinig. Gabi-gabi niyang ginagawa ito, ngunit ngayon lamang siya nahuli. Ngunit, paano nangyari iyon? Sa kaniyang pagkakaalam, isinara niya ang pinto bago siya tumakas. "We are so worried about you! Nasaan ka ba? Pupuntahan kita, baka may mangyaring masama sa 'yo diyan!" dagdag pa nito. Tinapik ni Harlow ang kaniyang noo. "Stop it, Maddie. Okay lang ako, ano ka ba? I'm just doing some hunting here in the city," ngisi niya. "Ano bang hunting 'yang sinasabi mo? Umuwi ka na nga!" Pinatay na ni Harlow ang tawag nang hindi man lang nagpapaalam. Nagpatuloy siyang muli sa pagmamasid, ngunit nainip siya nang wala siyang makita na kahit isang gumagawa ng mali. Iyon na yata ang pinakanakayayamot na panghuhuli niya. At dahil wala siyang makitang kakaiba sa kaniyang puwesto, naglakad-lakad siyang muli. Nagpunta siya sa isang madilim na sulok dahil pakiramdam niya'y mayroon siyang mahuhuli roon. Hindi naman mapigilan ni Harlow ang ngumiti nang may maaninag siyang naninigarilyo. Hindi niya gaanong maaninag ang hitsura niyon, ngunit sigurado siyang nakasuot iyon ng sumbrero ng koboy. Dahan-dahan siyang lumapit sa lalaking iyon na parang may sinisilip-silip pa sa bandang kanan ng kalye. At nang makalapit na siya rito, agad niyang kinuha ang sigarilyo na hawak-hawak nito. "Don't you know that smoking in public areas is strictly prohibited?" sambit ni Harlow, pilit pa ring minumukhaan ang lalaki dahil kahit kaharap na niya ito ay hindi niya pa rin makita nang buo ang mukha nito dahil natatakpan ng sombrero ang mga mata nito. "Don't you also know that interfering in the lives of others is unwholesome?" tugon ng lalaki na siyang nagpalaki sa mga mata ni Harlow. Sa dinami-rami na ng nasuntok at nahuli ng dalaga, ngayon lang may nangahas na sumagot sa kaniya. Hindi naman siya natakot, bagkus ay mas lalo pa siyang natuwadahil mukhang magiging maganda ang laban na ito. Inihulog ni Harlow ang hawak-hawak na sigarilyo, saka iyon dinurog-durog gamit ang kaniyang sapatos. "Look at this citizen of Quezon City who violates the order," wika niya, "is becoming hostile. What a good thing to start with." Binalak ng dalaga na suntukin ang lalaki, ngunit napigilan siya nito. Nakulong ang braso niya sa palad nito, kaya naman ay sinubukan niyang kumawala ngunit masyado itong malakas. Isinuntok niya pa ang kabila ngunit pareho rin ang sinapit n'on. At dahil mukhang wala na itong balak na pakawalan siya, iniangat niya ang kaniyang tuhod at isinipa iyon sa maselang parte ng lalaki. Sa kasamaang palad, napigilan siya muli nito. Ngumisi si Harlow. "A good fighter, huh?" "Wandering at night to hunt some people with wrongdoings, eh? So you think I am one of them?" tumawa nang marahan ang lalaki. "Hindi ba obvious? You're a smoker in this city. So, you think that's right?" "Oh, I got it. Yeah, it looks like you're trying to fulfill your mission," sambit ng lalaki na may pagkabigo sa mukha. "Well, congrats! You just ruined my mission by accomplishing yours. What a wrong move you've done. Next time, check your target before you do an act." Sa wakas ay pinakawalan na nito ang dalaga, at pagkatapos ay tumalikod at lumakad papalayo. "HEY!" sigaw ni Harlow, sinusubukang pigilan ang lalaki, ngunit tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad. "I SAID, HEY!" muli niyang sigaw habang sinusundan ito. "Hindi ka ba titigil sa paglalakad?" naiinis na niyang sabi nang tuluyan na siyang makalapit dito. "Stop following me," wika ng lalaki nang tumigil ito sa paglalakad. "Sino ka ba para sabihan ako ng gano'n?" nagngangalit na tanong ni Harlow. "In the first place, you're the one to be blamed for this because of you're disobedience." "You aren't asking for this, but I wanna assume that you're a policewoman walking at night and doing her duty, but it seems like-" "I don't need your opinion. Stop examining me like a pro detective," pagpuputol ng dalaga rito. Umalik-ik ang lalaki. "You got it. Nice one, lady. You're right, I'm a detective. If that satisfies you enough with your question: Sino ka ba para sabihan ako ng gano'n? Then, excuse me now." Muli ay lumakad ito papalayo at iniwan ang dalaga na nakatanga. Ngumisi si Harlow nang tuluyan nang mawala sa kaniyang paningin ang lalaki. "What a memorable night we had, detective?" pagtitikom niya sa kaniyang kamao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD