bc

Opposite

book_age18+
165
FOLLOW
1K
READ
powerful
drama
sweet
bold
genius
magical world
another world
sassy
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

(UNDER REVISION)

Paniniwala. Pag-ibig. Paglalakbay.

Naniniwala si Harlow na sa kaniyang huling hininga, ang mundo ng apoy ang kaniyang kahahantungan. Mas lalo niya pang pinanindigan ang hinagap na ito nang makilala niya ang isang Pilipino-Amerikano na si Tyson Faulkner na siyang ring may kuru-kuro sa nasabing bagay.

Sa bawat araw na magkikita ang dalawa ay mas naglalapit ang loob nila sa isa't isa, ngunit ni minsan ay hindi sumagi sa kanilang mga isipan ang mahulog sa bawat isa. Ngunit, isang aksidente ang babago sa lahat.

Paano kung ang anyaya na iyon ang siyang magdadala sa kanila sa ibang mundo na magpapatunay na ang kanilang mga dogma ay kabaliktaran sa kanilang kapalaran?

chap-preview
Free preview
Prologo
Saang mundo ka man mapadpad, hinding-hindi mawawala ang paniniwala at pagmamahalan. Idadala at idadala ka nito sa mga bagay na iyon, at siguradong mahihirapan kang makawala. Umupo ako sa aking trono at masayang inalala ang kakaibang tagumpay na nakamit na ng Heallven. Habang lumilipas ang panahon, parami na nang parami ang aming mga mamamayan at paunlad na rin nang paunlad ang aming daigdig. Nakatutuwang isipin dahil parte sa tagumpay na iyon ang aking mga lingkod. Humihip ako sa hangin hanggang sa unti-unting akong nakapagbuga ng mga makukulay na kinang na siya namang bumuo ng isang malaking magic screen na ipinakita si Dukeh, ang tagapamahala ng Plesingko. "Maligayang pagbati, naipasa ninyo ang limang laro! Ngayon, maaari na kayong makalabas. Nawa'y magkaroon kayo ng isang masayang paglalakbay sa mundo ng Heallven," wika nito sa dalawang babae na kaharap. Nang makalabas na ang dalawang babae ay ipinitik ko sa ere ang aking dalawang daliri dahilan para maglaho ang screen. Pinindot ko ang maliit na boton sa gilid ng aking puting relong tinatawag na Oril na nakasuot sa kaliwang kamay ko na siyang lumikha ng boses ni Dompin. Si Dompin ay walang mukhang makikita, tinig lamang nito na nanggagaling sa relo ang tanging maririnig. Kaya rin Dompin ang ngalan nito ay dahil tila dolpin ang tono ng boses nito sa tinis at taas. "Yippee!" sigaw ni Dompin. "Sino ang nais ninyong tawagan, Harra Granta?" "Si Dukeh," sagot ko. Inilabas nga ni Dompin si Dukeh sa pamamagitan ng isang maliit na screen na lumitaw sa itaas ng aking relo. "Habang lumilipas ang mga araw, mas gumagaling ka sa iyong trabaho, Dukeh," sambit ko rito pagkatapos kong bigyan ito ng isang masaganang pagbati. "Kaya naman, hindi maipagkakaila na mas gumaganda pa lalo ang Heallven. Siya nga pala, napatawag lamang ako upang kumustahin ang Plesingko. Kitang-kita ko naman na gaya pa rin ng dati, maganda at maayos pa rin ito. Tunay nga na hindi mo ako minsang binigo sa iyong pagpapatakbo." Nanatiling kalmado at seryoso ang mukha ni Dukeh. "Maraming salamat ho, Harra Granta. Habambuhay kong dadalhin ang mga papuring iyan na nanggagaling mula sa inyo," anito. "Ngunit, nais ko man ho na kausapin pa kayo, hindi na maaari sapagkat may susunod na ho akong mga kliente." "Kung gayon, akin nang ibababa ang tawag. Maraming salamat sa kaunting oras na iyong inilaan. Mithi ko ang tagumpay sa iyong mga susunod na kliente." Binigyan kong muli ng isang malawak na ngiti si Dukeh, ngunit tulad pa rin ng parati, seryoso lang ako nitong tinanguan. Pinindot kong muli ang boton sa aking relo, dahilan para mamatay ang screen. Lumitaw namang muli ang boses ni Dompin na dali-daling nagtanong sa akin sa ikalawang pagkakataon kung sino ang nais kong tawagan. "Rookie," bigkas ko. "Yippee! Masusunod, Harra!" Lumitaw muli sa itaas ng aking relo ang maliit na screen na ipinakita naman si Rookie, ang tagapamahala ng Memoria. Sinalubong ako nito ng isang malawak na ngiti. "Tila may kakaiba sa iyong ngiti, Rookie," ngisi ko. "Maaari ko bang malaman kung ano ang nasa likod ng maganda ngiti na iyan?" "Harra, you won't believe this, pero ngayon-ngayon lamang po ay nakatagpo kami ng dalawang mamamayan na hindi interesado na balikan ang kanilang memorya sa kanilang dating mundo. They told us that they were happy enough living in this world, and their past didn't matter to them anymore. Sapat na dahilan na raw po 'yon upang kalimutan na nila ang kanilang dating buhay." Tila isang panaginip ang aking narinig mula kay Rookie. Sa tinagal-tagal ko na sa mundong ito, ngayon lang ako nakarinig ng ganyan kagandang balita. Tunay nga na iba ang naidudulot ng Heallven sa kaniyang mga mamamayan. "Ikinalulugod kong mapakinggan ang isang napakagandang balitang iyan, Rookie. Mangha rin ako sa pagmamahal mo sa iyong trabaho. Simula noon hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago. Kitang-kita ko pa rin ang galak sa mga bagay na ginagawa mo para sa Heallven." "Isa po kayo sa mga inspirasyon ko, Harra. Maraming salamat!" Umalingawngaw muli ang tinig ni Dompin nang pindutin ko ang boton ng aking Oril. "Yippie!" tili nito. "Sino pa ang nais ninyong tawagan, Harra Granta?" "Wala na, Dompin. Maraming salamat sa iyong serbisyo." Tumayo ako mula sa tronong aking kinauupuan, at nagtungo sa sala ng aking kaharian. Nang makarating ako roon ay inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng Heallven. Sa tuktok ng bundok nakatayo ang kaharian, kaya naman ay kitang-kita ang lahat sa ibaba. Mula sa aking kinatatayuan ay humaplos sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Naaliw rin ako sa katahimikan ng paligid na tanging huni lamang ng mga ibon at wagayway ng mga puno ang maririnig. Patuloy kong pinagmasdan ang kabuuan ng aming mundo; tunay nga na napakaganda at napakapayapa nito. Bukod dito, mayroon ding pagmamahalan ang mga tao at pagkakaisa sa kanilang mga paniniwala. Bilang isang tagapamahala ng mundong ito, hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Tila ako ay isang pintor na lumikha ng magandang sining na katangki-tangkilik sa masa. Ngunit, sa kabila ng lahat, hindi lamang ako ang may kontribusyon sa mundong ito. Malaki ang aking pasasalamat sa aking mga lingkod sapagkat malugod nilang ginagawa ang kanilang mga trabaho. Ni minsan ay hindi ko narinig sa kanila ang reklamo, at ni minsan ay hindi ko sila nakakitaan ng pag-init ng ulo. Ang tanging naririnig ko lamang sa kanila ay pasasalamat at papuri, at ang tanging nakikita ko lamang ay pagpupurisigi at kabutihan ng loob. "Harra Granta." Napalingon ako sa isang tinig na nanggaling mula sa aking likuran; isa lamang pala sa aking mga kawal ang nagsalita niyon. "Paumanhin kung naabala ko kayo, ngunit nais ko lamang pong iparating sa inyo na mayroon kayong mga bisitang naghihintay sa labas ng kaharian." "Maaari ko bang malaman kung ano ang kanilang mga ngalan?" Abot naman hanggang tainga ang aking ngiti nang marinig ang sinabi ng kawal. Sa wakas, masisilayan ko na rin ang dalawang panauhin na kay tagal ko nang hinihintay. "Sige, pakisabi susunod na ako." Tumango ang kawal at yumukod, saka umalis na sa sala. Samantala, inihanda ko muna ang aking sarili bago sumunod. Pagkababa ko'y inabutan kong sarado pa ang malaking pinto ng kaharian. Bago pa man buksan iyon ng mga kawal, humugot muna ako ng isang malalim na hininga. Ang Heallven ay hindi naman ang mundong pinangarap ninuman, ngunit ang mundong talagang kanilang pinangarap. Handa ka na bang maglakbay?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
383.0K
bc

The Sex Web

read
134.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K
bc

His Property

read
947.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook