Chapter 7

1309 Words
MARGARETTE's POV Hindi nga nag punta si Larry sa opisina pero nagpadala ito ng breakfast at bulaklak. "Love, sorry kagabi. Sorry talaga. Nag aalala lang naman kasi ako sayo. Kausapin mo na ako please." Note ni Larry sa card na nakadikit sa boquet na ipinadala niya. Alam ko kahit hindi sabin ni Luke alam ko na pinicturan niya ako nung binasa ako ang card. Itinabi ko lang ang bulaklak sa aking table pati na rin ang pagkain. "Beb, nag breakfast ka na ba?" Tanong ni Luke na inilingan ko. "Bakit hindi mo pa kainin yan?" Tanong niya ulit. "Wala akong gana. Marami padin akong gagawin." Palusot ko. "Hindi pwede yan. Halika ka baba. Kain muna tayo. Gutom na ako di rin ako nag almusal eh." Sabi ni Luke. "Padeliver ka na lang." Walang ganang sabi ko. "Gusto ko sa labas kumain. Samahan mo na ako." Pilit ni Luke. "Sir, may meeting pa po pala ako ng 8am. Pupunta na po ako sa meeting room. Pasensya na po." Seryosong sabi ko. Nang makapasok ako sa meeting room ay may iilan nang tao doon. "Alex." Tawag ni Jayson. "Oh, aga mo ah" Nang aasar na tawa ko. "Need tayo eh sana talaga mag invest ag bagong investor sa atin para marami na naman tayong trabaho." Natatawang sabi ni Jayson. "Ang sipag mo naman pala." Natatawang sabi ko. "Mukhang matamlay ka today. Nag breakfast ka na ba?" Sabi ni Jayson at umiling ako. "May nagpadeliver ng pagkain at bulaklak sayo di mo kinain ung food?" Tanong ni Jayson. "Oh, pag tiyagaan mo na muna to. Kuha lang kita ng kape." Sabi ni Jayson na inabutan ako ng Jolly Burger. Nagulat ako pero dahil sa gutom na ako ay kinain ko na ang ibinigay ni Jayson. "Thank you ah." Ngiting sabi ko ng makabalik si Jayson na may dalang kape. "Wala yun. Para yun lang eh." Ngiting sabi niya. "Ang tagal naman mag start. Ang tagal nung investor." Sabi ni Jayson "Hayaan mo na. Ganun talaga. Investor na eh diba." Natatawang sabi ko. Natahimik ang buong meeting room nang may pumasok na lalaki. "Sorry po we're late. Nasiraan kasi kami on our way here." Paliwanag ng lalaki. "Let's start na po. May next meeting pa kasi kami after this." Sabi ng lalaki. Nag focus na ako sa pag type sa aking laptop ng mag salitang muli ang lalaki. "Okay, Ladies and gentlemen. I'd like you to meet my boss. Mr. Sebastian Del Gado." Sabi ng lalaki na napatingin ako. "Hello po. Pasensya na po kayo at nalate po kami." Sabi ni Seb na tumingin sa akin. "T*****a! Anong ginagawa nito dito?!" Takang tanong ko sa isip ko. Umarte na lang ako na diko siya kilala at nag focus lang sa laptop ko habang nag pe-present ang marketing ng aming company. "Lex, grabe makatingin sayo si Mr. Del Gado. Kung ice cream ka kanina ka pa siguro tunaw." Bulong ni Jayson. "Ssshhh. Hayaan mo nga siya." Sabi ko na sinamaan ng tingin si Seb. Nang matapos ang meeting ay nagkamayan na ang mga nasa meeting room. Lalabas na sana ako at si Jayson ng pigilan ako ni Seb. "Lex, can we talk?" Sabi ni Seb na hinawakan ako sa braso. "No, sir. I have a next meeting after this. You can talk to mr. Jayson if you have any questions about our Business." Casual na sabi ko. "Magka kilala kayo?" Bulong ni Jayson. "School mate ko nung college." Bulong na sagot ko. "Margarette Alexis! I need to talk to you and you only!" Inis na sabi ni Seb. "Hey, sir! You don't have to shout!" Sabi ni Jayson. "Okay lang Jayson. Sige na ako na kakausap sa kanya." Sabi ko. "Are you sure?" Alalang tanong ni Jayson. "Yeah. Tell sir Luke that I'm still here talking to out client." Sabi ko. "Just tell him the name of our client. He know's what to do." Bulong ko sa kanya na tinanguan niya. "Okay, Mr. Del Gado tungkol saan po ang pag uusapan natin?" Tanong ko ng makalabas si Jayson. "D**n it! Miss na miss na kita baby." Sabi niya na yumakap sa akin. "Bitawan mo ko kung ayaw mong masaktan!" Inis na sabi ko. "Baby, sorry kung iniwan kita bigla. Sorry----- " It's all in the pass Seb. Kinalimutan ko na yun! Pwede ba tantanan mo na ako. Wag kang mag alala, napatawad na kita matagal na." Inis na sabi ko. "No baby. Mahal na mahal parin kita Alex." Sabi niya. "Hindi na kita mahal." Walang ganang sabi ko. "Mahal na mahal ko si Larry, Seb. Tumigil ka na! Tigilan mo na ako." Sabi ko. "No, no, no! Hindi ako naniniwala! Ako lang ang mahal mo diba?! Ako lang." Sigaw niya. "Baliw ka ba?!" Natatawang sabi ko. "Mahal na mahal kita baby, hindi nawala hindi nag bago. Mahal na mahal kita." Sabi niya na yumakap sa akin. "P*******a! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko. Nagulat na lang ako ng matumba si Seb. Sinapak na pala siya ni Larry. "Larry!" Sigaw ko. "Sino ka?! Layuan mo ang fiance ko tarantado ka!" Sigaw ni Larry. "Pwee! Fiance?! Eh ako ang mahal niyan!" Sabi ni Seb na sinapak na naman ni Larry. "Love enough!" Pag awat ko kay Larry. "Sino ba tong tarantado na to?!" Galit na tanong ni Larry. "Well, Ako nga pala ang first love niya. Sebastian Del Gado." Mayabang na sabi ni Seb. "Ohhh so ikaw yun? Yung ipinagpalit siya sa pera?!" Natatawang sabi ni Larry. "WTF! Hindi ko siya ipinag palit sa pera!" Galit na sabi ni Seb. "Ano lang mas pinili mo lang pera kesa kanya?" Pang aasar pa ni Larry. "G**o! Mahal ko si Alex!" Sigaw ni Seb na susuntukin si Larry. "Easy bro! Di mo ko kaya!" Ngising sabi ni Larry. "Tama na!" Sigaw ko sa dalawa at pumasok na din si Luke. "Are you okay Lex?" Tanong ni Luke na tinanguan ko. "Larry lumabas ka na muna." Sabi ko. "Why?!" Kunot noong tanong niya. "Halika na!" Paghila ko sa kanya palabas ng meeting room. "WTF is he doing here?!" Galit na tanong ni Larry. "He's our new investor." Sabi ko. "So lagi mo siyang makikita?! Asar na tanong ni Larry. "I don't think so." Sagot ko. "Mag resign ka na kaya." Seryosong sabi ni Larry. "What?! No!" Sigaw ko. "Why? You still have feelings for him?!" Galit na sabi ni Larry "No! Pinag dududahan mo ba ang feelings ko sayo?!" Inis na sabi ko.. "No!" Galit na sabi ko. "Anong no? Ayoko na makakasama mo yun dito!" Galit na sabi ni Larry. "Investor lang siya, hindi siya laging nandito!" Sabi ko. "So mas pipiliin mo siya?!" Galit na sabi ni Larry "Love, naman! Gusto ko tong trabaho ko! Please naman!" Naluluhang sabi ko. "Tapos client mo ang tarantadong yun?!" Sigaw no Larry. "So you don't trust me?!" Umiiyak na sabi ko. "I trust you, Margarette! I trust you." Sabi ni Larry na lumapit sa akin. "Bakit ganyan ka?" Hagulhol ko. "Anong bakit ganito ako?! Margarette for god sake! Niyakap ka ng lalaki na yun!" Inis na sabi ni Larry. "Hindi ko siya niyakap! Magalit ka sakin kung yumakap din ako sa kanya." Inis na sabi ko! "Kahit na!" Sigaw niya. "Hindi ako mag reresign! Kung wala kang tiwala sa akin wala na akong magagawa!" Seryosong sabi ko na tumutulo ang luha! "I trust you Margarette! I'm sorry nag selos lang ako." Sabi niya na niyakap ako. "Andito naman si Luke." Mababantayan niya ako." Umiiyak na sabi ko. "I know. I'm sorry. Sige na tahan na hindi na kita pag reresignin." Sabi ni Larry na yakap parin ako. "Sorry na." Sabi niya na hinawak ang magkabila ko na pisngi. "Thank you, Love." Sabi ko na hinalikan siya. "I'm so sorry love. Nag aalala lang ako para sayo." Sabi ni Larry. "I know. Just please Trust me." Sabi ko na niyakap siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD