MARGARETTE's POV
Nang matapos kami na mag grocery ay agad na rin kaming umuwi at nag bihis bago kumain ng dinner.
Nang matapos kami ay pumasok na sa kuwarto si Larry at ako naman ay naiwan para tulungan na mag ligpit si Rose.
"Ma'am okay na po yan ako na lang po diyan." Sabi ni Rose.
"Sige, Rose. May gagawin pa din pala ako." Sabi ko na agad na din pumasok sa kuwarto.
Nang makapasok ako sa kuwarto ay abala si Larry sa kanyang laptop.
"Love, may i-se-send ako sa email mo. Nakuha ko na ang account name nang kumuha ng pera ng company mo." Sabi ko.
"Really? Ang bilis love. Nakuha mo agad?!" Manghang sabi ni Larry.
"Yeah, I can't believe na kayang gawin ng taong to ang ginawa niya." Sabi ko na si-nend sa kanya ang files.
"D**n it! Totoo ba to?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Larry.
"Ayan ang ibinigay ng bank na files abroad love." Sabi ko.
"Tito ko?! Totoo ba?!" Sabi niya.
"Sorry pero yan ang file na ipinadala sa akin ng mga agent sa ibang bansa." Seryosong sabi ko.
"WTF! Bakit?!" Sabi ni Larry
"Love, madali mo nang mababawi ang mga accounts na iyan." Sabi ko.
"Hindi dindi ko palalagpasin ang ginawang to ng tito ko!" Galit na sabi ni Larry.
"Love, calm down. Maaayos din ito." Sabi ko na niyakap siya.
Kumalma si Larry at niyakap ako.
"Thank you love." Sabi ni Larry na tinanguan ko.
Pinatulog na ako ni Larry at may tinatapos pa daw siyang trabaho.
Hindi ako makatulog ng gabi ba iyon kahit na pagod din ako sa byahe at trabaho.
Naramdaman ko na lumabas ng kuwarto si Larry pero bumalik din siya agad. Akala ko ay kumuha lang siya ng kape o nang maiinom pero alak pala ang kinuha niya.
Sa inis ko dahil sa hindi ako maka tulog ay bumangon ako at kinuha ko ang baso niya na may alak at ininom ko iyon.
"Love!" Gulat na sabi niya.
"What?!" Inis na sabi ko.
"Kukuhaan kita ng panibago!" Sabi ko pa.
"Love may hika ka hindi ka dapat umiinom ng mga ganyan." Mahinahong sabi ni Larry.
"Hindi ako makatulog kasi anong oras na tapos maaga na naman tayo bukas." Inis na sabi ko.
"Gusto mo bang tabihan muna kita sa pag tulog? Patutulugin na muna kita bago ko ituloy ang ginagawa ko?" Malambing na sabi ni Larry.
"No! Gusto ko na sabay tayong matulog." Sabi ko.
"Love, kailangan ko ng tapusin kasi to." Sabi ni Larry.
"Fine! Go on with that. Hindi na kita guguluhin." Sabi ko na tumalikod sa kanya.
"Love, gusto ko na kasing matapos ito." Sabi niya na hinawakan ang kamay ko.
"Wala naman akong sinabi ah. Sabi ko nga ituloy mo na yang ginagawa mo." Inis na sabi ko na lumabas sa kuwarto niya.
Nang makalabas ako ng kuwarto ay dumiretso ako sa kitchen at nag hanap ng alak na maiinom. Nang makahanap ako ng beer sa reef ay lumabas ako ng bahay at sa may garden na ako mag iinom.
Hindi ko binuksan ang mga ilaw at nag isip ng malalim.
Ngayong makakalaya na ako ng tuluyan sa parents ko gusto ko talaga na mag aral ng architecture. Yun talaga ang pangarap ko.
Nilagok ko ang beer at napabuntong hininga.
Buti na lang at nadala ko ang phone ko sa pag labas ko sa kuwarto ni Larry.
"Bakit nandito ka sa labas?!" Alalang sabi ni Larry.
"Nag papahangin lang at nag papa-antok." Walang ganang sabi ko.
"Love tara na sa loob. Matulog na tayo." Sabi ni Larry.
"Susunod na ako. Tapusin ko lang tong iniinom ko." Walang gana paring sabi ko na kinakalikot ang phone ko.
"Love, naman! Bawal kang mag inom hindi ba?" Alalang tanong ni Larry.
"Minsan lang naman to. Saka isa lang naman." Palusot ko kahit na pangatlong can ko na iyon ng beer.
"Margarette! May problema ba tayo?! Galit ka ba sa akin?!" Tanong ni Larry na nilagyan ako ng balabal sa likod.
"Wala. Masama bang uminom?! Masama bang isip?! Masama bang libangin ang sarili?!" Inis na sabi ko na inubos ang beer sa harapan ko at saka tumayo.
"Hindi. Pero kasi naman baka magka sakit ka." Alalang sagot ni Larry.
"P*******a naman! Hindi na ako bata!" Galit na sabi ko. Hindi ko alam kung dahil ba to sa alak o dahil hindi ako tinabihan ni Larry para sabay kaming matulog.
"Love, sige na tara na matulog na tayo. I'm sorry." Sabi niya na hinawakan ako.
"Don't touch me! Kaya kong mag lakad mag isa! Utang na loob hindi na ako bata!" Galit pading sabi ko at tuluyan na akong pumasok sa loob.
Agad naman akong nag punta sa banyo sa kanyang kuwarto at doon nag muni muni.
"Love, tapos ka na ba? Matulog na tayo please." Katok ni Larry sa banyo.
Lumabas ako at nilampasan ko lang siya saka nahiga na sa kanyang kama at nag talukbong ng kumot.
Naramdaman ko na tumabi na sa akin si Larry at niyakap ako. Tumalikod naman ako sa kanya dahil naiinis parin ako.
Alam niyang ayaw na ayaw ko na itinuring padin akong bata pero ginagawa niya.
"Love, I'm so sorry. Hindi ko na uulitin." Sabi niya na humigpit ang pagkakayakap sa akin.
Naramdaman ko na nagtalukbong din siya sa kumot at niyakap ako sama hinalikan ako sa batok.
"Ano ba?! Inaantok na ko! Matutulog na ko pwede ba!" Inis na sabi ko.
"Sorry na love. Matutulog ka bang galit sa akin?" Sabi ni Larry.
Hindi ko siya sinagot at hindi na ako kumibo. Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako hanggang sa makatulog ako.
Maaga parin akong nagising kinaumagahan at nakayakap parin sa akin si Larry.
Dahan dahan ko na inalis ang pagkakayakap niya at agad ng nag shower at nag bihis ng office attire ko.
Tulog parin si Larry nang matapos ako na mag ayos. Nakita ko na naka open ang laptop niya kaya inusisa ko kung anong ginagawa niya kagabi.
"So ito pala ang ginagawa niya kagabi. Tulungan ko na nga siya ang dali lang naman nito." Sabi ko sa isip ko na umupo sa harap ng laptop niya.
"Done! Pwede ko na i-alarm ang phone niya. Mag co-commute ako tignan ko lang di sumakit ulo mo sakin." Natatawang sabi ko na inalarm ang phone niya.
Naka sakay na ako sa taxi patungo sa sakayan ng bus ng mag vibrate ang phone ko. Si Larry yun pero diko sinagot at pinatay ko pa ang phone ko.
"Wala na akong pake kung magalit ka talaga! Sinabi ko na ayoko na itinuring ako na parang bata!" Sigaw ko sa isip ko.
Nang makarating ako sa sakayan ng bus ay nakasabay ko si Marie. Officemate ko din siya kasabay ko na nag apply pero sa ibang department siya nailagay.
"Oi, Marie." Ngiting tawag ko sa kanya.
"Oi, Alex." ta Bati niya.
"Buti na lang may kasabay ako ngayon." Ngiting sabi pa bi Marie.
"Kaya nga." Ngiting sabi ko na tumabi sa kanya.
Saglit lang ang naging byahe namin dahil nag kuwentuhan lang kami. Pag dating namin sa building namin ay nag punta na kami sa kanya kanya naming opisina.
"Good morning sir Luke ang aga niyo po ata." Ngiting bati ko kay Luke.
"Good morning." Sabi ni Luke.
"So narinig mo na ang boses niya? T*****a ka! Tulog pa sana ako ngayon hayop ka!" Galit na sabi ni Luke na ikinagulat ko.
"Oo na. Thank you bro! OTW na ako papunta diyan." Sabi ng kausap niya na si Larry.
"Anong gagawin mo dito?" Inis na tanong ni Luke kay Larry.
"Syempre susuyuin ang fiance ko. G**o ka ba?!" Sigaw ni Larry.
"Hindi ka niya kakausapin b**o! Hintayin mo na lang siya mamayang uwian! Napaka tanga mo talaga! Iniwan ka nga eh! Malamang ayaw ka pang kausap diba?" Asar na sabi ni Luke na binaba ang tawag ni Larry.
"Sige na beb, mag ayos ka na diyan di ka nun pupuntahan." Sabi ni Luke sa akin.
"Pasensya ka na nadamay ka pa." Nahihiyang sabi ko na umupo na.
"Wala yun, pag pasensyahan mo na sana ang kaibigan ko na yun. Sabi ko naman sayo possesive yun masyado." Sabi ni Luke na tinanguan ko lang.