Diane's POV: Makalipas nga ang ilang araw ay nailibing na si ate Christine. Masakit, oo! Walang kasing sakit at kasing hirap ang mawalan ng mahal sa buhay. Parang gusto ko na din lang mawala. Pero kailangan kong lumaban para sa pamilya ko. Kailangan naming ipag patuloy ang buhay, kailangan naming harapin ang bukas nang wala si ate. Ngayon na rin ang araw na susunduin na ako ni Edward. Sa hacienda kami maninirahan dahil ibinigay na sa amin ng daddy ni Edward ang pamamahala dito. Umalis na din sila sa hacienda dahil doon na sila titira sa Mansiyon na 'di rin naman kalayuan sa hacienda. Tututukan na daw kasi ng daddy niya ang pulitika dahil Gobernador ito ng kanilang lalawigan at marami pa rin silang negosyo na mas kailangang asikasuhin ng mga magulang niya. Kaunting damit at gamit lang

