Edward's POV: Bagsak ang balikat na umalis ako sa bahay ng mga Gomez. Hindi ko maiwasan na isipin ang pag kakamali ko. Dapat ay hindi ko na lang pinangunahan ang tadhana. Dapat ay hindi ko pinangunahan ang damdamin ni Christine, di sana'y buhay pa siya! Bata pa lang kami ay lihim ko na siyang minahal ngunit sadyang hindi niya ako magustuhan dahil sa bad image ng pamilya ko. Dahil sa mga paninira ng mga kalaban ni daddy sa pulitika. Dahil sa mga paratang ng ibang tao sa pamilya ko. Oo, istrikto si daddy sa mga tauhan at iyon ang mga naririnig ko mula sa mga tao. Hindi ko alam ang mga nangyayari sa hacienda dahil nasa America kami ng aking mga kapatid, doon kasi kami nag-aral. Nang umuwi ako ay maraming kwento na hindi ko alam kung alin ang totoo. Basta ang alam ko ay si Christine pa rin an

