CHAPTER 5

1088 Words
Diane's POV: Nag tataka ako sa aking nakita at hindi ako makapaniwala. Totoo ba ang nakikita ko na ang isang Sebastian ay umiiyak sa harap ng kabaong ni ate Christine? Natatawa ako dahil alam ko naman na arte niya lamang iyon. Para isipin ng tao na mabait s'ya at kunwari ay concern sa pamilya ko! Galing nga naman! Paiyak-iyak pa! Para sa ano? Para isipin ng tao na malinis ang kunsensya niya sa pag kamatay ni ate? Galing din umarte ng lalaki na ito eh! Siya naman ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko! Pero may oras ka din sa akin Edward Sebastian! Pag babayaran mo ang pag kamatay ng kapatid ko! Marahan kong pinunas ang aking mga luha ng mapansin ko na papalapit ulit siya sa amin ni inay. "Ahm! Aleng Glenda ikinalulungkot ko po ang maagang pag kawala ni Christine!" anito na nag papakainosente. "Salamat!" maikli namang sagot ni inay. Ramdam ko na medyo may galit din si inay kay Edward at hindi ko siya masisisi dahil mas malaki ang galit ko sa pamilya Sebastian. "Diane, iiwanan na muna kita dito!" saad ulit ni Edward at may dinukot sa bulsa. "Tanggapin n'yo sana itong ibibigay ko at sana ay makatulong sa pangangailangan n'yo!" anito sabay bigay sa amin ng papel. Nang tingnan ko iyon ay cheke pala at nagkakahalaga ito ng fifty thousand pesos. "Hindi namin ito matatanggap! 'Di ba may ibinigay ka pang one million nang mag pakasal ako sa iyo? Malaki na iyon para sa amin!" tanggi ko at ibinabalik ko ang cheke na binibigay niya. "No! I insist! Ang one million na binigay ko sa inyo ay tulong iyon para makapag simula ulit ng panibagong buhay ang pamilya n'yo at ito naman fifity thousand ay tulong ko para kay Christine!" pamimilit naman nito. Naisip ko, oo nga sayang naman! Para naman makabawi man lang kami sa pamiminsala ng pamilya nila sa pamilya ko. Kaya tinanggap ko na ang cheke na ibinibigay niya. "At ito ang cellphone Diane, tawagan mo na lamang ako kung may problema. Nandiyan na ang number ko! Regalo ko pala iyan sa'yo sa kasal natin!" saad pa nito. Gusto kong matawa sa nangyayari! Ano 'to? Bait-baitan effect? Well! Sasakyan ko ang gimik mo Edward! Tinanggap ko ang cellphone nang walang pag dadalawang isip. "Salamat!" maikli kong sagot habang walang emosyon. Napansin ko naman na natuwa siya ng tanggapin ko ang binibigay niya. "Sige, uuwi muna ako sa hacienda Diane. Pwede kang pumunta doon kapag may kailangan ka kahit na ano!" walang emosyon na saad nito. Hindi ko tuloy mabasa kung ano ba ang nasa isip nito at kung ano ba ang pakulo nito. Noong naniningil sila ng utang halos tirisin na lang nila kami at parang ang liit ng tingin nila sa amin tapos ngayon aarte s'ya ng ganiyan? Ano ba ang binabalak nito? Naguguluhan na ako! Tumango na lamang ako bago siya tumalikod. Tiningnan ko naman siya hanggang sa makasakay na siya ng kotse at makaalis. Napahinga ako ng malalim bago bumalik sa tabi ni inay. "Anak, totoo kaya iyong iyak ni Edward at pagiging mabait niya sa atin?" tanong ni inaya nang makaupo ako. "Ewan ko nga ba inay! Noong naniningil sila ng utang nakakatakot sila at parang kaya tayong patayin! Ang tapang-tapang niya noon!" naguguluhan kong saad. "Pero bakit niya naman gagawin iyon? Para saan ang pag aarte niya na mabait?" ani inay. "Naguguluhan din po ako inay! Parang malayo siya sa dating Edward na matapang at walang puso! Pero hindi tayo dapat paka kampante inay baka pakulo niya lang iyon. Iyang pera na binigay niya ay itago n'yo lang po at baka pag dating ng araw ay singilin tayo!" sagot ko naman. Hindi kasi ako sanay na ganoon ang trato niya sa amin. Hindi ko pa man siya kilala ay ganoon na kasama ang tingin ko sa kanila dahil sa kwento ng halos lahat ng tauhan sa hacienda. Ang kanilang mga magulang ay napaka istrikto at kaunting pag kakamali ay pinarurusahan kaagad ang mga tauhan at minsan ay hindi pinapasahod. Wala namang magawa ang mga tao sa hacienda dahil kapag hindi sila nag tiis ay lalo silang walang kakainin. Isa pa ang pamilya Sebastian ang batas dito sa aming lugar. Gobernador kasi ang ama ni Edward at sakop at hawak niya ang buong lalawigan kaya pipi at bingi ang mga kapulisan dito dahil sa takot sa mga Sebastian. Si Edward ay nakita ko lamang noong naniningil ito ng utang sa amin at pinipilit na ang ate ang kukunin bilang kabayaran. Noon pa lang ay nasusuklam na ako dito dahil wala itong awa, lalo na at napakarami nitong mga tauhaan na palaging nakabuntot at mga de baril pa, kaya naging sunud-sunuran na lamang kami. "Anak, mag iingat ka palagi ha! Kilala natin ang mga Sebastian! Kapag inabuso ka ay mag sabi ka kaagad sa amin!" nag aalalang ani inay. "'Nay, ' wag ka pong mag alala sa akin! Tandaan mo na pinalaki n'yo akong matapang kaya hindi n'ya ako maaapi!" matapang ko namang saad. Pero sa totoo lang nag aalala din ako sa oras na mag sama na kami ni Edward. Lalo na na alam ng lahat na ang ama nito ay nananakit ng asawa. Sabi ng mga tauhan sa hacienda minsan daw ay narinig nilang binubugbog ni Don Marciano si Donya Richelda. Sigaw daw ito ng sigaw ng tama na pero hindi daw tumitigil ang Don sa pananakit nito. Nagkataon pa naman daw na wala ang mga anak nito. Kaya natatakot ako na hindi malayo na gawin din iyon sa akin ni Edward. Pero kailangan kong maging matatag at matapang lalo na sa harap ng pamilya ko. "Sa susunod na araw ay ililibing na ang ate mo, Diane," ani inay habang nakatitig sa kabaong ni ate. "Kawawa naman si ate, maaga siyang nawala dahil sa mga Sebastian!" naluluha kong sabi. Napatikom din ang aking kamao dahil sa galit. "Diane, talaga lang siguro na hanggang doon na lamang ang buhay ng ate mo! Kalimutan mo na ang galit mo sa mga Sebastian lalo na at isa ka na sa kanila, anak! Para maging matahimik din ang pag sasama n'yo ni Edward," malungkot namang saad ni inay. "Hindi ganoon kadali iyon inay! Sila ang dahilan kung bakit wala na si ate! Kaya mag babayad si Edward sa ginawa niya kay ate!" saad ko habang sunod-sunod na tumutulo ang aking mga luha na animo'y nag uunahan sa pag patak. Gagawin ko ang lahat upang iparamdam kay Edward ang sakit na ginawa nila sa pamilya ko! Ipinapangako ko iyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD