Edward's POV:
Halos matulala ako nang lumabas si Diane sa banyo! Napaka sexy nito sa suot na damit. Talaga namang nagising ang pag kalalaki ko sa alindog niyang taglay. Ngunit alam ko na hindi pa kami pareho handa sa isang bagay na iyon.
Hindi naman ako ganoon kasama para hindi isipin ang nararamdaman ni Diane. Alam ko kasi na hindi pa siya handa para doon lalo na ngayon na kamamatay lamang ni Christine. Hahayaan ko muna siya na makasama ang pamilya habang hindi pa nalilibing ang kaniyang kapatid.
Kaya kunwari ay hindi ko siya pansin. Habang kumakain. Alam ko kasi na nahihiya siya sa suot niya na halos kita na ang kaluluwa. Ano ba naman kasi itong mga tauhan ni mommy? Pipili lang ng damit ganiyan pa!
Nag pasya ako na ihatid muna siya para makasama man lamang ang kaniyang kapatid hanggang sa mga huling sandali nito.
""Diane, relax! Wala akong gagawin sa iyo! Hindi naman ikaw ang gusto kong mapangasawa eh! Kundi ang kapatid mo! But... my condolences! I know masakit mawalan ng mahal sa buhay! And after our dinner you can go back to your family para sa lamay ni Christine! Susunduin na lamang kita after ng libing niya at pag uusapan natin ang magiging silbi mo sa buhay ko!" malamig kong sabi. Tila naman hindi ito makapaniwala sa aking sinabi.
Nang matapos kaming kumain ay nag handa na kami sa pag alis. Ngunit naalibadbaran ako sa suot niyang damit.
"Hindi ka ba mag papalit ng damit mo?" tanong ko dito na ikinagulat naman niya.
"Ay kabayo!" nagulat niyang saad.
Gusto kong tumawa ngunit pinigilan ko. Walang emosyon ko pa rin siyang tiningnan. Dahil aligaga siya.
Eh! Kasi! Wa-wala naman kasing ibang damit. Puro ganito lang ang nasa cabinet eh!" nahihiya niyang sagot.
"Wear this!" saad ko, saka itinapon sa kaniya ang itim na coat na nakita ko sa kama.
Marahan niya naman itong isinuot saka ko siya iniwan at lumabas na ng kuwarto.
Hindi ko malaman kung galit ba siya o ano dahil nag dadabog siyang lumabas ng kuwarto at walang imik na sumunod sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at tahimik din akong nag lakad hanggang sa makasakay sa kotse. Tahimik kami pareho sa biyahe dahil parang napaka awkward ng sandaling iyon para sa amin. Medyo malayo pa ang bahay nila mula sa hotel na pinanggalingan namin kaya siguro inabot na si Diane ng antok dahil nakita ko siyang nag hihikab na.
"You can sleep! Malayo pa ang byahe natin!" malamig kong saad.
Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin saka siya pumuwesto patalikod sa akin at saka pumikit.
Tahimik naman akong nag drive at hinayaan na lamang siyang makatulog dahil alam kong pagod ito sa mag hapon. Napakarami pa namang naganap sa buong mag hapon na iyon.
Maya-maya pa ay nakatulog na nga si Diane. Tinigil ko muna sandali ang kotse dahil hindi pala ito naka seatbelt, kaya isinuot ko muna sa kaniya ang seatbelt at pinababa ko rin ang upuan para maging komportable naman ang kaniyang pag tulog. Nang mapatapat ang mukha ko sa mukha niya ay nakita ko ang mapupula niyang mga labi at para bang tinutukso nito ang aking mga labi. Matagal kong tinitigan ang kaniyang mga labi at ang napakagandang mukha nito at dahan-dahan kong inilalapit ang aking labi sa mga labi nito. Malapit na sanang dumikit ang mga labi ko nang gumalaw ito kaya naman napalayo ako bigla at tila nahimasmasan sa aking gagawin.
Napa buga ako ng hangin bago muling pinatakbo ang kotse at hinayaan siyang matulog muli.
Nag tataka ako sa aking sarili dahil kakaiba ang aking mga nararamdaman sa babaeng ito na ngayon ko lang nakita at nakasama. Tila ba may kakaiba dito na hindi ko maipaliwanag.
Napapailing na lamang ako saka ipinokus ang aking paningin at isip sa pag mamaneho.
Maya-maya pa at sa wakas ay nakarating na rin kami sa kanilang bahay. Halos malapit lang din naman ito sa aming hacienda dahil nga sa amin namamasukan ang kanilang ama.
"Diane, Nandito na tayo!" saad ko at marahan na niyugyog ang balikat nito.
"Ha? Nandito na tayo?" saad nito na parang wala pa sa tamang huwesyo.
"Yes! We're here!" sagot ko.
Tila naman nagising na ito nang tuluyan at mabilis na bumaba ng kotse at patakbong pumasok ng bahay. Nakalimutan pa yata na kasama niya ako.
Ni lock ko muna ang kotse at saka sumunod kay Diane sa loob.
Inabutan ko si Diane na umiiyak sa harap ng kabaong ni Christine.
"Ate! Bakit mo 'ko iniwan? Mag tatapos pa tayo ng pag aaral di 'ba? Sabay pa nating aabutin ang ating mga pangarap eh! Paano na ako ngayong wala ka na? Wala na akong taga pag tanggol! Wala na 'kong kaibigan!" humahagulhol nitong saad habang nakayakap sa kabaong ng kaniyang kapatid.
"Diane, anak! Nandito pa naman kami eh! Kahit may asawa ka na ngayon ay nandito lang kami. Kung ano man ang maging problema mo ay pumunta ka lamang dito at dadamayan ka namin!" umiiyak namang saad ni Aleng Glenda
Inay, pangako kahit na may asawa na ko ay tutulungan ko pa rin kayo. Mag tatapos pa rin ako ng pag aaral para makapag trabaho ako at hindi ako aasa sa yaman ng mga Sebastian. Ihahango ko kayo sa hirap at hindi ko sasayangin ang pag sasakripisyo ng buhay ni ate. Alam ko din kasi na iyon ang gusto niya dahil handa siyang gawin kahit pa nga ang makasal sa isang Sebastian para mabayaran lamang ang ating utang!" lumuluhang ani Diane.
Napatungo ako at tila nakadama ng hiya sa aking sarili. Dama ko ang hirap ng pinag dadaanan ng pamilya ni Christine.
Nag yakap ang mag ina habang parehong umiiyak. Damang-dama ko ang sakit ng nararamdaman nila sa pag kawala ni Christine.
Marahan akong lumapit sa dalawa ng makita kong umupo na ang mga ito at medyo kumalma na.
"My condolences po Aleng Glenda!" saad ko. Tumango lamang ito at tumingin sa akin. Kita ko ang bigat at hirap sa kaniyang mga mata.
Hindi ko kinaya ang aking nakikita kaya tumalikod ako at pumunta sa kabaong kung saan nakahiga si Christine. Napaka ganda pa rin nito at tila isang prinsesa na natutulog lang. Napakabata pa niya para mawala. Hindi ko alam na may sakit pala ito. Ayun sa aking tauhan ay namatay ito dahil sa sakit sa puso. Marahil ay dahil sa sobrang pag iisip nito sa pag papakasal sa akin. Nagiguilty tuloy ako, feeling ko ay kasalanan ko ang pag kamatay niya ng maaga.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha dahil sa aking naisip. Feeling ko napakasama kong tao, dahil sa makasarili kong pag ibig kay Christine ay ginamit ko ang yaman namin para mapasa akin siya pero heto at lalo siyang nawala sa akin. Napakagago ko pala at makasarili!
Tuloy-tuloy sa pag agos ng aking luha dahil sa awa kay Christine. Naisip ko, siguro kung hindi ko siya pinilit na pakasalan ako ay hindi siya namatay ng maaga.
Napahinga ako ng malalim at pinunasan ko ang aking mga luha. Parang ngayon ko lang naisip na napakasama ko pala.