CHAPTER 3

1212 Words
Diane's POV: Ano ba itong nararamdaman ko. Natatakot ako pero kailangan kong maging matatag para sa pamilya ko. Tanging ako na lamang ang inaasahan nila para makabangon mula sa pag papahirap ng pamilya ng mga Sebastian! Kaya ko 'to! Halos mapalundag ako mula sa pag kakaupo ko sa kama ng marinig ko na palabas na siya ng banyo. Nang tumingin nga ako sa banyo ay nakita ko ng lumabas siya mula doon na nakatapis lang ng tuwalya hanggang sa may beywang. Oh my God! Ang abs! Ang sarap siguro na makulong sa mga bisig niya at malulusog na dibdib na puno ng muscles! "I'm done! Pwede ka nang maligo! May mga damit na rin diyan sa closet na nakahanda para sa iyo. Mamili ka na lamang ng isusuot mo!" anito na nag pa gising sa diwa ko. Nakatulala na pala ako sa kaniya ng hindi ko namamalayan. Kaya naman halos takbuhin ko na ang banyo sa sobrang hiya. "Ano ka ba self! Nagiging marupok ka naman eh! Nakakita ka lang ng abs bibigay ka kaagad? Baka nakakalimutan mo na ang kasalanan ng pamilya ng lalaking iyan sa pamilya mo! Namatay ang ate mo dahil sa lalaking iyan! Kaya dapat lang na mag higanti ka! Ipaghiganti mo ang kapatid mo!" parang baliw ko pang pag kausap sa sarili ko. Isinahod ko na agad ang ulo ko sa shower na para bang kayang burahin noon ang mga iniisip ko kanina. Halos ayaw ko nang umalis sa banyo dahil naiisip ko rin ang maaaring mangyari sa pag labas ko sa banyong iyon. "Diane! Are you not done yet? Ang tagal mo naman! Kakain pa tayo ng dinner!" sigaw ni Edward mula sa labas. Halos mag iisang oras na rin naman kasi ako sa loob. Kung pwede nga lang ay huwag na akong lumabas doon. "Oo na! Mag bibihis lang ako!" sagot ko na lamang dito. Naiinis kong kinuha ang tuwalya at pinunasan ang aking sarili. Pumunta rin ako sa closet na sinasabi ni edward para lamang magulat sa aking makikita. Ano ito? Bakit puro mga nightgown na ubod ng sexy at alam ko na halos makikita na dito ang aking kaluluwa?! Pero no choice! Walang ibang damit na pwedeng isuot doon at wala din naman akong dala. Kaya nag hanap ako ng medyo mahaba at medyo dark na kulay. Pero lahat pula ang nandoon kaya pikit-mata na lamang akong kumuha ng isa at isang pares ng underwear. Nang maisuot ko na ang nightgown ay humarap ako sa malaking salamin. Halos kita na nga ang kaluluwa ko sa damit na iyon dahil kita ang lahat ng kurba dito. Pero lumitaw naman ang puti at kinis ng balat ko sa damit na iyon. Nag lagay na rin ako ng lotion at pabango na nakita ko. Maya-maya pa ay huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Inabutan ko naman si Edward na inaayos ang pag kain sa mesa. Nakatungo akong lumapit sa kaniya dahil nahihiya ako sa suot ko. Halos kita na kasi ang kaluluwa ko dito. Kaya naman hindi ko na nakita ang reaksyon niya nang makita ako. Kung pwede nga lang na mag laho na lang ako eh! Ngunit nag taka ako dahil tahimik lamang s'ya hanggang sa makaupo ako sa harap niya. Kaya unti-unti kong itinaas ang aking paningin upang makita kung ano ba ang ginagawa niya, para lamang mag taka dahil nakatulala siya sa pag katitig sa akin kaya naman muli akong napatungo dahil para niya na akong hinububaran sa klase ng kaniyang tingin. Kunwari ay wala siya sa tabi ko... nag simula akong mag lagay ng kanin at ulam sa aking pinggan na hindi siya pinapansin para hindi ako mahiya. Ngunit halos humiwalay ang aking kaluluwa ng bigla itong mag salita. "Diane, relax! Wala akong gagawin sa iyo! Hindi naman ikaw ang gusto kong mapangasawa eh! Kundi ang kapatid mo! But my condolences! I know masakit mawalan ng mahal sa buhay! And after our dinner you can go back to your family para sa lamay ni Christine! Susunduin na lamang kita after ng libing niya at pag uusapan natin ang magiging silbi mo sa buhay ko!" malamig nitong sabi. Wala akong makitang emosyon sa mukha nito. Pero medyo natuwa ako dahil makakauwi ako at makakasama ko ang aking kapatid sa mga huling sandali nito sa amin bago ihatid sa kaniyang huling hantungan. Pag kasabi noon ay tahimik na ulit ito habang kumakain. Samantalang ako ay halos hindi na makakain sa sobrang excited ko makauwi para makita ulit ang aking pamilya. Minadali ko ang aking pagkain upang makauwi kaagad. Ngunit nahihiya akong tumayo dahil hindi pa siya tapos dahil sa pagiging mahinhin nito sa pag kain. Halos isa-isahin nito ang kanin para lamang maging disente pa rin. Ang mayayaman nga naman! "Are you done? Ang bilis mo naman kumain?" malamig pa ring saad nito nang mapansin yata na tapos na ako. Nakadama ako ng hiya sa sinabi nito. Baka kasi isipin pa nito na masiba ako dahil sa bilis kong kumain. "Ah! Eh! Excited kasi ako umuwi kaya konti lang kinain ko!" nahihiya kong saad saka ako tumungo dahil sa hiya. "Well! Get ready dahil tapos na rin naman ako. Ihahatid na kita sa inyo para na rin makiramay sa pamilya n'yo. Baka kasi isipin n'yo na wala akong puso!" walang emosyon pa rin na saad nito. Tumayo na ako at aayusin ko sana ang aming pinagkainan nang pigilan niya ako sa aking gagawin. "Hayaan mo na iyan diyan! Kukunin na lamang iyan dito. Mag handa ka na lang aalis na tayo!" anito saka ako tinalikuran. Dahil naka shorts lamang siya ay kumuha ito ng pantalon at puting t-shirt. Nag suot din ito ng rubber shoes. At oh my God! Ang guwapo niya! Muntik pa tumulo ang laway ko ng tumayo siya dahil napakaguwapo niya sa simpleng suot na damit! Lihim at marahan kong kinurot ang aking sarili dahil sa aking naiisip. "Self, kalma!! Nag pakasal ka sa kaniya para gumanti! Siya ang paiibigin mo at sasaktan! Ipag hihiganti mo lang ang ate mo!" saway ko sa aking sarili. Kaya naman para mahimasmasan ay tumalikod ako sa kaniya at marahan kong tiningnan ang aking sarili. My God! Muntik pa ako makalimot dahil sa suot ko na halos kita na lahat pati ang aking kaluluwa. "Hindi ka ba mag papalit ng damit mo?" biglang tanong nito na ikinagulat ko. "Ay kabayo!" nagulat kong saad. "I'm not kabayo! I said kung hindi ka ba mag papalit ng damit?" tila nainis na saad ni Edward. "Eh! Kasi! Wa-wala naman kasing ibang damit. Puro ganito lang ang nasa cabinet eh!" nahihiya kong sagot dito. "Wear this!" anito. Saka itinapon sa akin ang kaniyang itim na coat. Marahan ko iyong isinuot at mabuti naman at tamang-tama ito sa akin dahil hanggang tuhod ko ang haba nito at natakpan naman ang buong katawan ko. Malaki kasi ang coat at ako naman ay payat na masyado kaya swak na swak ito sa akin. Napangiti ako nang maisuot ang kaniyang coat na mukhang mamahalin at napakabango pa. Pag taas ko ng tingin ay wala na siya sa harap ko. Nang tumingin ako sa labas ay nandoon na siya, walang manners! Nakasimangot naman akong sumunod sa kaniya at hindi din siya pinansin hangggang sa makasakay kami sa kotse at bumiyahe pauwi sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD