bc

SUNSET

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
others
drama
twisted
sweet
humorous
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Sabi niya hindi niya ako iiwan. Hindi na ako ipagpapalit. Mahal ko siya at mahal niya ako. Naniniwala ako sa kanya. May tiwala ako sa kanya. Alam kong hindi niya sisirain ang tiwala at hindi niya dudurugin ang puso ko.

chap-preview
Free preview
The Finale but Beginning
SUNSET "Hoy, bruha nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Ano na naman ba kasing nangyari, Krystel?" napalingon ako sa nagsalita. Si May lang pala, my friend. Yumuko lang ako bilang tugon. Bigla naman siyang pumintik sa hangin. Napaangat tuloy ako ng tingin sa kanya. "Ano? Don't tell me... nag-away na naman kayo ni Joshua?" tanong niya sakin. Napakagat-labi ako para hindi tumuloy ang mga luha ko sa pagtulo. "Sinasabi ko na nga ba eh. Hay, naku kayo.Araw-araw na lang kayong may LQ." sabi niya habang nakapamewang. "Araw-araw ka diyan. Ngayon nga lang ulit kami nagkaaway eh." mahinang sabi ko sa kanya. "Oo na lang. Peo girl ano ba kasing nangyari huh?" pakikiusyuso niya sakin. Naglalakad na kami paalis sa may tabing ilog. Dun kasi ako lagi pumupunta kapag gusto ko mag-isa, kapag may problema ako at kapag nag-away kami ni Joshua. Walang may alam ni isa sa mga kaibigan ko na tambayan ko iyon. Hindi ko nga alam kung paano ako nahagilap nitong si May. Nagsimula na akong magkwento kay May tungkol sa pina-awayan namin ng boyfriend kong si Joshua. Kanina kasi nahuli ko siyang may kausap na babae sa may tagong parte ng university namin. Masaya silang nag-uusap at kapag may napapadaan na tao dun bigla na lang silang tatahimik. Paano ko nalaman? Simple lang, dahil sinundan ko sila. Nung nagpaalam sakin si Joshua na may pupuntahan pa daw siya at hindi niya ako maihahatid pauwi. Actually, lagi-lagi na alng siyang ganyan. Nawawalan na nga siya ng time sakin dahil sa soccer player siya tapos napapansin kong kapag may date kami, saglit lang, mga tatlong oras lang yata. Pag magkasama naman kami, busy lagi siya sa pagtext. I don't know kung text nga ba ang ginagawa niya sa phone niya. Pindot kasi ng pindot eh. Kapag nagsh-share naman ako ng thoughts parang hindi siya nakikinig sakin. Lagi ang layo ng sinasabi niya sa topic na sinasabi ko, para bang  nasa malayo ang utak niya. Hay, napapansin kong nagiging cold na siya sakin. Di lang yun ang first time na nakita kong may kausap siyang babae. Yung babae kanina na kasama niya sa tagong parte ng university ay si Hyorin. Sikat siya kasi maganda siya at palasali sa iba't ibang activities sa school namin. Nung minsan nga na magkasama kami ni Joshua na naglalakad, nakasalubong namin si Hyorin. Napansin kong kay Joshua lang nakatingin si Hyorin at nung napatingin ako kay Joshua, nakangiti siya...kay Hyorin. Nung tinanong ko naman siya kung kaanu-ano niya si Hyorin. Nag-shrug lang siya habang nakangiti. Kapag tinatanong ko naman siya kung kilala niya si Hyorin... "Siyempre, sikat kaya siya" yun ang sinasagot niya sakin. Hindi iyon ang ineexpect kong sagot na makukuha ko sa kanya.  Hay, wag na nga yan isipin. Nahihirapan akong huminga. Umiyak kasi ako pagkatapos ng usapan namin ni Joshua. Sinigawan daw ba ako at pinagtakpan pa yung si Hyorin. Tsk tsk tsk. "Kaya mo yan. Malay mo may ibang dahilan yun" sabi ni May sakin habang hinahagod ang likod ko, umiiyak na kasi ako ulit. Tumango lang ako. "Tara na nga. Gabi na oh" turo niya sa langit. Palubog na kasi ang araw nung pumunta ako dito. Kakatapos lang kasi ng klase sa hapon ng kinompronta ko si Joshua. Sa may park nakapwesto ang inuupuan ko sa may ilog. Nang palabas na kami ng park ay may bumusina at humarang saming sasakayan. Kilala ko kung kaninong sasakyan yan at sigurado ako kung sino ang nagd-drive nito. Bumaba ang bintana dahilan upang makita namin ang nasa loob. "J-joshua?" patanong na singhal ni May. Bumaba ng sasakyan si Joshua at lumapit sakin. Niyakap niya ako. "i'm sorry kanina babe. I'm sorry, I didn't mean to yell at you. Masyado kasing makitid ang utak mo eh." sinserong sabi niya sakin habang nakahawak sa mukha ko. Lumambot naman ang puso ko bigla at ngumiti ako sa kanya. "You're forgiven. Pero promise me na lalayuan mo na si Hyorin" sabi ko sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo. "OO, Promise. I love you" sabi niya sabay kiss sakin sa noo. "Asus, dito daw ba maglampungan sa harap ko" nakalimutan kong kasama nga pala namin si May. Tumawa lang kami ni Joshua. Hinatid na namin si May sa kanila. Pagkasunod nun ay ako na. Ngunit bago pa ako makalabas sa sasakyan niya ay hinawakan niya ang braso ko. "Wala bang kiss?" tanong niya. "Ikaw talaga." sabi ko at lalabas na sana ako ng hilahin niya ako pabalik. "I'm serious here. Kiss ko" tinuro niya ang cheeks niya. "Wala. May nagawa kang kasalanan kaya magdusa ka" madiin kong sabi sa kanya at lumabas na. "Babe, wait. Babawi ako sayo bukas, promise. Hintayin mo ko sa may gate sa dismissal. I want to make it up with you." lumabas siya ng kotse at lumapit sakin. "I love you" sabi niya sabay kiss sakin sa lips. Hinampas ko namn siya. "Nakaisa ka huh." sabi ko habng hinahampas siya. "Aray. Babe naman, wag mo kong saktan. Aww, a-aray... hindi mo na ba ako mahal?" nakangusong tanong niya sakin. "Ang OA mo. Mahal kita kahit ilang beses mo na akong nasasaktan ng di mo alam" kunwaring nagtatampo kong sabi sa kanya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit. "Nasasaktan na pala kita. I'm sorry... I'm really really sorry. Babawi talaga ako sayo bukas. Promise." at pagkatapos nun ay umalis na siya at pumasok naman ako sa loob ng bahay namin. Kahit hindi halata kanina ay kinikilig talaga ako hanggang ngayon sa ginawa ni Joshua. hay, mahal ko talaga ang taong 'to. ***** Kinabukasan ay may pasok na naman. Tulad ng sinabi ni Joshua na maghintayy ako sa kanya sa may gate ay ginawa ko nga. Actually, kanina pa nga uwian namin at kanina pa ako naghihintay sa kanya dito. "Ang tagal naman nun" bulalas ko sa sarili ko. Nilalamok na kasi ako dito eh. Time check: 5:30 pm. Kanina pang alas kwatro ang uwian namin. Siguro dahil may ginagawa pa yun sa library kaya siya matagal. Baka rin siguro kinakausap pa siya ng coach nila kasi malapit na din ang laban nila. O baka naman nakalimutan na niya. Umiling ako. Hindi, Hindi niya yun nakalimutan. Napatingin ako sa langit. Palubog na ang araw. Hay, favorite ko talaga ang sunset. Nakakarelax kasi kapag inaabangan mo ang paglubog ng araw. Time check: 6:00 pm. Bakit ba ang tagal niya? Mukhang paubos na ang mga tao sa loob ng university. Matanong nga si manong guard. Lumapit ako sa may guard house. "M-manong m-may mga t-tao pa po ba sa loob?" nanginginig kong tanong kay manong guard. Naiiyak na kasi ako eh. "N-naku hija, kanina pa pinauwi lahat ng estudyante. May meeting kasi ang mga professors eh" sabi ni manong guard sakin. "G-ganun po ba? S-sige po. Salamat" sabi ko at umalis na. Pero bago pa ako makalayo ay tinawag  ako ni manong guard. "Wag ka nang maghintay sa kanya hija. Iniwan ka na niya" sabi ni manong guard sakin at sinara ang gate ng school pero nasa loob pa rin siya ng school, hindi siya lumabas. "P-po?" hindi ko kasi ma-gets eh. Sinabihan ba siya ni Joshua? Alam ba niya kung sino ang hinihintay ko? Ay, ang gulo. Ngunit hindi niya ako sinagot. Pumasok na siya sa pinakaloob ng campus. Bigla tuloy akong kinabahan. Maya-maya ay naglakad na ako pauwi. Walking distance lang naman ang bahay namin galing school. Habang naglalakad ako ay hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Gento kasi ako kapag ginagabi mag-isa. Kahit alas-sais pa lang pero ang dilim na. Idagdag pa ang pang-iindian sakin ni Joshua. Nag-promise siya sakin eh. Tama! Nag-sorry na sakin yun kagabi at ramdam kong sincere siya dun. Hindi niya ako basta basta iindianin. Siguro nasa loob pa rin siya, inutusan ng professor niya na mag-assist sa kanila o kaya naman ay may meeting rin sila sa soccer. Binagalan ko lang ang paglakad. Baka kasi hanapin niya ako paglabas niya ng school. Para naman maabutan niya ako kung hahabulin niya ako. Hay, sana hindi totoo ang negative thoughts ko at yung sinabi ni manong. Hindi ko rin kasi maiwasan na kabahan dun eh. Hindi pa ako nakakalayo sa school ay tumigil na muna ako sa paglalakad. Umupo ako sa bench na nadun. Hihintayin ko siya kahit madilim na. Mga segundo at minuto na ang lumipas at malapit na mag-isang oras akong naghihintay dito sa may bench pero wala ni anino ni Joshua ang dumadating. Siguro akala niya nakauwi na ako. Bigla na mang tumunog ang cellphone ko. Baka si Joshua 'tong tumawag. Kinuha ko ito at sinagot. "H-hello?" bungad ko sa tumawag. Nanginging ako kasi maiiyak na ako. Nung binasa ko kasi yung caller ID, hindi pangalan ni Joshua ang nabasa ko kundi kay mama. ("Nak, nasan ka na? Kanina pa daw pinauwi lahat ng estudyante sabi ni Steve. Ang aga nga ng uwi nun eh") sabi sa kabilang linya. "S-sige m-ma! P-pauwi na ako. S-sorry po k-kung ginabi ako" pagkasabi ko nun ay binaba ko ana ang tawag. Nag-umpisa na akong humikbi. Hikbi lang ako ng hikbi habang naglalakad. Maya-maya ay umiyak na ako ng tuluyan. Marahil ay nagtataka na ang mga tao sa paligid kung bakit biglaan akong umiyak. Tumakbo na ako habang iyak ng iyak. Naiyak kasi ako nung marinig ko ang mga sinabi ni mama. Si Steve ay bestfriend ni Joshua. Pareho sila ng course at schedule sa lahat ng klase. Magkasama palagi sila. Pareho din silang member ng isang soccer team. Lagi pati silang magkasabay umuwi. Base sa sinabi ni mama... nakauwi na rin pala si Joshua. Hintay ako ng hintay sa kanya tapos umalis na pala siya. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nakauwi na ako. ***** Kinabukasan ay hindi ko pinansin si Joshua. Hindi nga siya nagtext or tumawag kung bakit hindi niya ako pinuntahan. Hindi ko na rin siya kinompronta kagabi. Wala kasi ako sa mood. Hindi nga ako nakakain ng hapunan eh. Hindi ko siya papansinin. Bahala siyang magkusa magpaliwanag sakin. Ano bang problema niya? Dapat nagtext siya sakin na hindi siya makakapunta o kaya naman pinasabi niya kay manong guard o kahit na kanino. Lunch break na ngayon. Nandito ako sa library. Gusto ko kasi mapag-isa kaya hindi ako sumabay na maglunch kina May. Kumuha ako ng isa sa mga text book na nandun kahit hindi ko naman talaga kailangan. Kailangan ko lang ng mapaglilibangan. Ayoko kasi isipin muna si Joshua. Nanghihina kasi ako eh. "Oi, natuloy ba yung party?" rinig kong bulungan sa may likuran ko. "Oo, bakit hindi ka pumunta?" "Eh hindi ako pwede eh" "Ay, sayang hindi mo nakita sila Hyorin" "Sino sila? si Hyorin at...?" Dito napantig ang tenga ko... "Si Joshua. Nakakaiyak nung sinabi ni Joshua ang nararamdam niya para kay Hyorin. Ang cute nga nung nagpropose si Joshua na maging girlfriend si Hyorin" A-ano bang sinasabi nila.? Baka naman ibang Joshua yun. Nagpromise na siyang hindi na niya kakausapin si Hyorin eh. "Sinong Joshua yun? Si Joshua Advento ba?" "H-hindi ah. Hindi hamak na mas gwapo si Joshua Alonzo dun para kay Hyorin noh" "So si Alonzo yun? Eh diba may gf na yun?" "Oo siguro, aii wala yata. Eh kasi naman..bakit niya tatanungin si Hyorin kung pwede ba niyang maging gf yun kung meron naman." "Unless kung nag-ch-cheat siya" Hindi ko na alam yung mga sumunod na sinabi nila dahil tumayo na ako at tumakbo palabas ng library. Hindi ko na kasi kaya ang mga pinagsasabi nila. Hindi ko nga naibalik yung textbook na kinuha ko eh. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makalabas ng university. Nang makalabas ako ay nagsimula akong maglakad. Bahala na kung saan ako mapadpad. Wala akong nararamdaman ngayon. Hindi ako nakakaramdam ng galit, kaba at sakit. Ewan, namanhid yata ako kanina. Hindi rin ako naiiyak. Basta lakad lang ako ng lakad. Nang mapansin kong napadpad ako sa may ilog na lagi kong tinatambayan ay umupo ako dun mismo sa may railings. Nakatulala lang ako sa hangin. Iniisip ko kung bakit ganun si Joshua. Kinakausap ko ang sarili ko. Mahal ba niya talaga ako?, Nagsasawa na ba siya sakin?, Ayaw na ba niya sakin?, Bakit hindi niya sinabi yun kaagad?, Bakit naglilihim siya?, Ano bang meron si Hyorin na wala ako?, Ano bang ginawa ni Hyorin para maagaw sakin si Joshua, Dapat nakipagbreak siya sakin kaagad, Tatanggapin ko naman yun kahit masakit, Hindi yung gento na....basta...nahihirapan akong sabihin. Matagal din akong nakatambay dito. Maya-maya ay tumayo na ako at umalis. Teka, bakit ngayon lang ako nakaramdam ng kirot sa dibdib at pangingilid ng luha kung kailan naisipan ko nang umalis? Bahala na nga. Lakad lang ako ng lakad habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hanggang sa may napansin akong pigura ng mga tao. Isang babae at isang lalaki. Nilingon ko ito at nagulat. Napatingin din sakin sila. Halatang gulat na gulat sila. Pero maya-maya ay ngumiti yung babae sakin at hinawakan ang kamay ng lalaking nakatingin pa rin sakin na gulat. Iniharap ng babae ang mukha ng lalaki sa kanya at hinalikan sa labi. Mga tatlong segundo ang itinagal ng halik na yun. Eto na hindi ko na napigilan ang mga luha kong tumutulo na. Itinulak ng lalaki ang babae at tumakbo palapit sakin. Pero hindi pa siya nakakalapit nang tumakbo na ako palayo sa kanila. Rinig kong tinatawag niya ako pero hindi ko siya hinarap. Ang sakit kasi eh. Hayop kayong dalawa. Talagang sa harapan ko pa kayo naglampungan. Bwisit ka Joshua, pinaglololoko mo lang pala ako. Ayoko na! Tama na! Ang sakit! Gusto kong mamatay. Hindi ko namalayan na naabutan na pala ako ni Joshua at hinablot ang braso ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Tinutulak ko siya pero ang higpit parin ng pagkakayap niya sakin. Wala na akong ibang nagawa kundi ang humagulgol sa dibdib niya. "Ssshhh, stop crying" sabi niya sakin habang yakap yakap ako at hinihimas ang buhok ko. "I'm sorry...I'm sorry Krystel. I love you" dahil don sa sinabi niya ay tinulak ko siya ng malakas. "Mahal mo ko? Ha! Nagpapatawa ka ba? Ganyan ba ang pagmamahal mo? Masakit sa pakiramdam? Huh! B-bakit....bakit hindi mo na lang sinabi sakin na nagsasawa ka na saki--" "Hindi ako nagsawa sayo" singit niya sa sinasabi ko. "Talaga? Niloko mo ko. Joshua, alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon? Ako kasi hindi eh... Hindi ko alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko kasi ang hirap sukatin eh....Sobrang sakit kasi eh" Nakayuko lang siya. Nakikita kong may mga likidong tumutulo sa mukha niya. Umiiyak siya. "Oh ano? Umiiyak ka diyan dahil ba nadadala ka lang sa pag-emote ko o dahil naaawa ka na sakin?" "H-hindi.." sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Nasa may likuran lang ni Joshua si Hyorin. Medyo malayo nga lang samin. Halatang naiinip na siya. Aba! "Okay, Joshua...diba nag-promise ka na sakin?" tumango naman siya. "E-eh bakit *sniffs* hindi mo tinupad?" malambing ang pagkakasabi ko nun. "I'm sorry" sabi niya habang nakayuko ulit. "Ha!" singhal ko. Napaangat naman siya ng tingin. Tumingala ako sa langit. Magdidilim na. Malapit nang lumubog ang araw. "I'm sorry din" sabi ko habang humahagulgol. Akmang yayakapin ako ni Joshua para i-comfort pero umiwas ako. "K-krystel" sabi niya. "I'm sorry din kung bakit hindi ako naging perfect girlfriend sa iyo" sabi ko. Hindi na ako humahagulgol at walang reaksyon ang mukha ko, yung luha ko lang mismo ang tumutulo. "I-it's not that Krystel. Let me ex--" hindi ko siya pinatapos magsalita. "No need. It's explained already...and I understand" parang nagliwanag ang mukha ni Joshua sa sinabi ko pero seryoso pa rin ang mukha niya. "R-really?" medyo masayang tanong niya sakin. Tumango ako at umatras. "And I think we need to call it quits" nawala ang maliit na ngiti sa mga labi niya nung sinabi ko yun. "W-what?" tanong niya. Parang anytime iiyak na rin ng malakas siya. Umatras pa ulit ako. "I'm breaking up with you" sabi ko at tuluyan nang tumakbo palayo sa kanila. Pero nung narinig ko pa ang sinabi ni Joshua. "K-krystel. NO! PLEASE...DON'T RUN AWAY FROM ME. B-BABE... PLEASE DON'T LEAVE ME" Hay! Ano bang problema niya? Bakit kailangan niya pang sabihin yun sakin. Diba si Hyorin na ang gusto niyang maging girlfriend. Sa totoo dapat hindi ako maniniwala sa mga narinig ko sa library pero may isang taong nakapag-prove sakin na totoo ang mga iyon. Walang iba kundi si Steve na bestfriend ni Joshua. Sinasabi kasi sa kanya ni Joshua lahat ng saloobin niya. Para na kasi silang magkapatid eh. At oo...may gusto din sakin si Steve matagal na. Hindi dahil gusto niya kaming maghiwalay ni Joshua kaya niya sinabi yun kundi dahil he cares for me. He loves me and he doesn't want me to get hurt. Sa katunayan ay siya pa mismo ang gumawa ng way para maging kami ni Joshua. He sacrified his feelings for me. Napatigil ako sa pagtakbo. Still, I'm crying. Napatingin ako sa langit. Malapit na talagang dumilim. ***** Ilang araw na ding ang lumipas matapos ang hiwalayan namin. Pilit akong nagbago. Lagi na akong nakangiti. Binabati ko ang mga taong nakakasalubong ko except for him and Hyorin. Siguro dahil bitter pa rin ako. Sino ba namang hindi diba? Ilang beses na gustong makipag-usap sakin ni Joshua but to no avail. Tinutulungan ako ni Steve na lumayo sa kay Joshua. Napag-alaman kong mahal talaga ako ni Joshua. Pero ayoko na eh...may isang salita kasi ako eh. At isa pa mukhang nag-eenjoy naman siyang kasama si Hyorin eh. Lagi kasi silang magkasama. Sa totoo lang kapag nakikita ko silang makasama, kumikirot pa rin ang puso ko. Ayoko pa yatang isuko si Joshua. Pero hindi pwede...mataas ang pride ko. May isang salita nga kasi ako eh. Naglalakad ako ngayon mag-isa. Nag-iisip-isip ako habang naglalakad. Napalingon ako sa langit. Sunset na naman. Bumuntong hiniga ako at pilit na ngumiti sa langit. Napag-isip isip kong kalimutan na ang lahat... Lahat lahat! Wala nang dahilan para ipaglaban ko pa ito. Hindi ko na hahayaang madurog pa ang puso ko.  Kasabay ng paglubog ng araw ang pagkawala ng nararamdaman ko sa iyo Joshua. Paalam.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook