36

2134 Words

"Ang boring!" himutok ko kay Alejandro. Kapapasok lang nito, 6 pm na. May meeting itong pinuntahan kaya ngayon lang ito. May bitbit na naman itong pagkain, kasama ang bag na tiyak kong galing kay Kimberly. "Baby!" lumapit ito sa akin at humalik sa labi ko saka ipinatong sa kama ang bag, ang pagkain naman ay inilagay nito sa table. Humabol ako rito at yumakap sa bewang nito. Nawiwili akong gawin iyon. Mukhang ayos lang naman sa lalaki dahil natawa ito. "Bored na bored ka na?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako nang ilusot ko ang ulo para masilip ang mukha nito. Umikot si Alejandro para makaharap sa akin. "Hintayin lang nating makaalis iyong ilang tauhan. Then lalabas tayo." "Really? Uwi tayo sa bahay ko." "Doon mo ba gustong pumunta?" agad naman akong tumango rito. "Okay, s---" "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD