PINAGDIKIT ni Victoria ang mga labi ng ipatong ni Callum ang isang kamay nito sa sandalan ng monoblock chair na kinauupuan niya. Nakasandal din siya do'n at kung titingnan ay parang nakaakbay ito sa kanya. Nag-angat naman siya ng tingin sa kanyang harapan ng maramdaman niyang parang may nakatitig sa kanya at agad naman nagtama ang mga mata nila Yngrid. Napansin nga niya ang pagtaas nito ng isang kilay na para bang sinasabi na marami siyang ipapaliwanag dito. Kanina pa niya napapansin ang kakaibang pagtitig nito nang makita nito kung gaano kadikit si Callum sa kanya nang makarating sila sa bahay ni Edwin. Malakas ang instinct ng kaibigan at may ideya na siya na may alam ito. "Bakit?" she mouthed at her. Ginaya din nito ang ginawa niya. "Marami kang ipapaliwanag sa akin." Napanguso lan

