NAGULAT si Victoria nang makasalubong niya si Callum pagkalabas ng kwarto niya iaang umaga. Nakita nga din niya na may bitbit itong timba na may lamang tubig. Mukhang nag-iigib ito at pinupuno nito ang drum na nasa loob ng banyo nila dahil nakita niyang patungo ito do'n. "Callum," sambit naman niya sa pangalan nito ng makabawi mula aa pagkabigla. Ngumiti naman si Callum nang makita siya nito. "Ilagay ko lang itong timba sa banyo, Maria" paalam naman nito sa kanya. Nagpatuloy ito sa paglalakad bitbit ang timba na may lamang tubig, pumasok ito sa loob ng banyo. At hindi naman nagtagal ay lumabas ito at lumapit sa kanya. Pinunasan nga din nito ang namuong pawis sa noo nito. "Morning, Maria," bati nito sa kanya sa buong-buong boses. At ganoon na lang ang bilis ng t***k ng puso niya ng pina

