GANOON na lang ang bilis ng t***k ng puso ni Victoria nang makita niya si Callum na nakaupo sa may sala ng bahay nila. At nang makita siya nito ay tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa sofa at humakbang palapit sa kanya. "Good afternoon, Maria," bati ni Callum sa buong-buong boses ng huminto ito sa harap niya. "G-good afternoon," ganting bati din niya. Lihim nga din niyang pinagalitan ang sarili dahil sa pagkautal ng boses niya. "Ready?" tanong nito sa kanya mayamaya. Tumango naman siya bilang sagot. Niyaya din kasi siya ni Callum na makipag-date dito. Noong nagpunta pala ito sa bahay nila noong nakaraang linggo ay yayain din sana siya nito na lumabas pero hindi na nito nagawa dahil nga naunang nagyaya si David. Pero tinuloy naman nito ang pagyaya sa kanya na pinaunlakan din niya. Wa

