"ATE may bisita ka," wika ni Victor kay Victoria nang pagbuksan niya ito ng pinto ng katukin siya nito sa kwarto niya. Pinagdikit naman niya ang ibabang labi para pigilan na huwag mapangiti sa harap nito ng sanding iyon. Baka mayamaya ay isipin nito na kinikilig siya ng sabihin nitong may bisita siya ng hapon na iyon. Kahit na ang totoo ay kinikilig talaga siya sa isipin kung sino ang bisita na tinutukoy ng kapatid niya. "Sige. Sunod ako," sabi naman niya. Nang umalis ang kapatid sa harap niya ay isinara niya ang pinto. Nagmamadali din siyang humarap sa salamin para tingnan ang sariling hitsura niya. Pinasadahan niya ang mahabang buhok gamit ang mga daliri. Nang makontento siya sa sariling hitsura ay lumabas na siya ng kwarto. Pero iyong excitement na naramdaman niya ay biglang na

