INANGAT ni Vicroria ang intercom ng mag-ring iyon. "Victoria," wika naman ng baritonong boses mula sa kabilang linya pagkatapos niya iyong sagutin. "Yes, Sir?" "Okay na ba ang ang contract ni Mr. Scotch?" tanong nito sa kanya. Napatingin naman si Victoria sa folder na naglalaman ng kontrata ni Mr. Scotch na nasa ibabaw ng cubicle niya. "Okay na, Sir. Na-print ko na po," sagot niya. "Okay. Prepare ka na din. We're going to meet him again," mayamaya ay imporma nito sa kanya. "Sige po, Sir." Nang maibaba niya ang tawag ay agad siyang nag-ayos ng mga gamit. Gusto ni Mr. Scotch na makipagkita at doon na din yata nito pipirmahan ang kontrata na na-deal ng dalawa noong nakaraang araw. Sakto namang na-off niya ang computer nang lumabas si Francis sa opisina nito. "Ready?" tanong

