"TATAY, love you po." Napangiti si Victoria ng marinig niya ang boses na iyon ni Callah. At nang sumulip siya sa kinaroroonan ng mag-ama ay nakita niyang naglalaro ang mga ito sa maliit na sala sa kubo nila. Nakasalampak ang mga ito sa sahig na nilagyan ni Callum ng banig para hindi lamigan ang kambal. "Mas love ko kayong dalawa ni Cal," wika naman ni Callum sabay yakap kay Callah. Nakita naman niyang nakatitig lang si Cal sa ama at sa kapatid na magkayakap. Para namang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa eksenang nakita. Apat na araw na ang lumipas simula noong ma-discharge sila ospital. So far so good ay naging mabilis din ang recovery ng anak na si Cal. Kung noon ay mas maalaga sila sa kambal ay ngayon na man ay mas domoble ang pag-iingat nila. May konting natira

