MUKHANG nararamdaman ni Callah ang naramdaman ng kambal dahil pagdating nilang dalawa ni Callum sa maliit na clinic sa Isla Azul ay pumalahaw din ito ng iyak. Sumasabay din ito sa pag-iyak ng kakambal nito. Kinagat naman ni Victoria ang ibabang labi para pigilan din ang mapaiyak ng sandaling iyon. Nasasaktan kasi siya habang nakikita niya ang kambal na nasasaktan. Lalo na si Cal, na hanggang ngayon ay wala pa ding tigil sa kakaiyak habang tinitingnan ito ng doctor sa clinic. Mabuti na lang at may doctor doon ng sandaling iyon. Mabuti na lang at may volunteer doctor sa Isla ng sandaling iyon. "Huwag ka ng umiyak, anak. Okay lang si Kuya," pagpapatahan naman ni Victoria kay Callah. Hinalik-halikan din niya ito sa mukha para tumigil ito sa kakaiyak. Lumingon naman sa dereksiyon nila si

