Chapter 46

2186 Words

NAALIMPUNGATAN si Victoria nang marinig niya ang pag-iyak ng isa sa mga baby nila. At akmang babangon siya mula sa pagkakahiga para daluhan ang anak ng mapatigil siya ng unahan siya ni Callum. "Ako na, Maria. Go back to sleep," wika nito sa kanya ng lingunin siya. Ganoon lagi si Callum kapag umiiyak ang anak sa kalagitnaan ng gabi. Ito talaga ang unang bumabangon para puntahan ang anak. Alam kasi nito ang paghihirap niya ng siyam na buwan, lalo na noong manganak siya kaya gusto daw nitong bumawi sa pamamagitan niyon. Sa halip naman na bumalik mula sa pagkakatulog ay sinundan niya si Callum. Nakita niyang nilapitan nito ang anak na umiiyak. Maingat nitong kinarga iyon para hindi magising ang isa. At nang titigan niya kung sino ang umiiyak ay nakita niyang si Callah iyon. Sa kambal a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD