LUMABAS si Victoria sa kanyang kwarto para kumuha ng tubig. Nauuhaw kasi siya. Napatingin naman siya sa sala nila at hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita na wala pa din doon si Francis. Alam nitong masama pa din ang loob niya kaya hindi ito tumatabi sa kanya. At do'n sa sala ito natutulog. Tumingin naman siya sa pader kung saan nakasabit ang orasan nila, nakita niyang alas diyes na ng gabi. Narinig niya ito kanina na nagpaalam ito sa Nanay niya na pupunta ito kina Carlito, bibisitahin daw nito ang mga naging kaibigan nito sa Isla. At pagkatapos nitong nagpaalam sa Nanay niya ay nagpaalam din ito sa kanya. Tinanguhan lang naman ni Victoria si Francis sa gusto nito. At bago ito umalis ay siniguro muna nitong tapos na ang obligasyon nito sa bahay. Natulungan siya nito

