"TATAY." Napatigil si Francis sa pagtutupi ng mga nilabhan na damit ng marinig niya ang boses na iyon ni Callah. "Yes?" tanong niya nang mag-angat siya ng tingin. "Tatay, ligo na kami ni Kuya Callum," wika nito sa kanya. "Let me finish this first, anak," wika naman niya dito. "Okay po, Tatay," sagot naman nito sa kanya. Umalis naman na ito sa harap niya at lumapit kay Callum na abala sa pag-kulay sa coloring book nito. Saglit naman siyang napatitig sa mga anak bago niya inalis ang tingin sa mga ito at pinagpatuloy na ang ginagawa. At nang matapos siya ay binitbit niya ang mga natuping damit sa kwarto ni Maria para ilagay ang mga iyon sa cabinet. Pagkatapos niyon ay saka niya binalikan ang kambal. "Callah, Callum, maliligo na," tawag naman niya sa dalawa. Agad namang iniwan n

