Chapter 1

1414 Words
"Ladies and gentlemen, now we're approaching Ninoy International Airport Terminal 3..." This is it, Lia. You're home. After 7 years, I'm back. Marami nang nangyari. Marami ang nagbago. Pero yung alaala ko, parang kahapon lang nangyari ang lahat. ------------------------------- "I'm sorry, we did our best Mrs. Santos pero hindi nakayanan ng katawan ni Gio yung operation. Nirivive pa namin siya for 20 minutes pero, he didn't make it." Bakit Gio... sabi mo mapapagod ka pero di susuko. Nasan na yung Gio na siga sa school? Nasan na yung Gio na nangakong babalik sa akin? Nasan na yung Gio na kasama kong tutupad ng pangarap ko? ------------------------------ "Lia!" Tawag sa akin ng pamilyar na boses na yun. Si Gab. Well, ikakasal na siya. Kaya ako bumalik sa Pilipinas dahil since bestfriend niya ako eversince, ako ang Maid of Honor niya. Architect si Gab. Engineer naman si Bon, yung fiancè niya. Ako? Isa akong English Professor sa isang university sa Korea. Dun ako pumunta since andun yung kuya ko nagtatrabaho. Ang bilis ng panahon, parang noon lang, senior high school lang kami tapos biglang ito, 25 years old na ako. Gurang na ako. Haha. Sabi nga nila, 25 years old ang ideal age to get married and have a family. Kaso, wala na kasi sa isip ko yan. "Namiss kitang babaita ka! Ang tagal mong hindi nagpakita sa akin. Pati sa barkada. Naku, si Ces, babaltan ka daw ng buhay kapag nagpakita ka. Haha. Hindi ka daw nagpaparamdam. Kung hindi pa daw ako ikakasal, hindi ka pa nila makikita." Ang daldal pa rin niya. Haha. Hindi lang naman kasi talaga kaming dalawa ang magbarkada nung high school, 5 kami actually -- ako, Gab, Ces, Tom and Jersey. Mga babae po yan. All girls kami. Sadyang panglalaki lang mga pangalan nila. Haha "Sige baltan na niya ako ng buhay bukas kamo. Haha" nagkwentuhan kami ni Gab. Sobrang dami niyang kwento. Pati yung mga memories dati nasabi niya. Pero maingat siyang magkwento ng past, kasi kung sinuman ang nakakita sa akin noon na lugmok na lugmok ako, si Gab yun. Patapon ang buhay ko noon simula nung--- "Lia! Ma'am Lia" ayun na yung order kong Banoffee Pie. "Ayun na yung follow up order mo" segunda sa akin ni Gab. "Teka kunin ko." Sabay punta ko dun sa harap para kunin ko order ko. Pabalik na ako dala yung order nung na-out of balance ako dahil di ko nakita yung sign na basa sa part na nilakaran ko. So since nakaheels ang lola niyo, talagang madudulas ako sobra. Then, it was late that I saw a man in my front dealing some battle with my banoffee pie. Oh, shoot... "Oh my.. I'm so sorry... really.. so sorry.." Hindi ko alam ginagawa ko, basta kumuha ako ng tissue sa table sa gilid ko at pinupunasan ko yung polo sleeve niya. Habang ginagawa ko yun, late na nung marealize ko, I was touching his abs, teh nabilang ko, 6 packs. Haha. Hindi ko kasi talaga siya tinignan sa face basta pinunasan ko agad yung abs niya este yung ano... yung banoffee pie sa shirt niya. Then I just knew, nakatingin siya sa akin nung umangat ako ng tingin sa kanya. Nagkatitigan kami for seconds. Gwapo siya. Kilala niyo ba si Simon Hastings ng Bridgerton? Yun... Maputi lang to ng konti. Tall. Moreno. Gwapo. "Miss--" ay grabe, ang sexy ng boses mga teh. Ang lambing, para akong tinatawag sa ano... haha. Bahala na kayo mag-isip dyan. "...you're blocking my way." Araaaay. Then that was a sign, di ako trip ng lolo niyo. "Ha?" Paulit ko.. mukhang nabingi ako dun ah. "I said you're blocking my way. I will be having my meeting there at that table, so I can't entertain you're little tease right now. I'll think about it later, though." Sabay alis niya sa harapan ko. Dun sobrang natauhan na ako. Bukod sa di ako trip ng lolo niyo, aba medyo may pagkafeelingero din. Akala niya, siya lang may mukhang ganyan?! Pisti. Haha "What was that?" Nakabalik na ako sa table namin at yun ang bungad agad sa akin ni Gab. Syempre umorder ulit ako ng banoffee pie and this time, hinintay ko na. "Isang lalaking punung puno ng kahambugan." Tch. Natapos ang araw namin na nagpasukat ako ng gown and sinamahan ko din si Gab na magtingin ng mga susuotin niya for their honeymoon sa Thailand. After ng pagkikita namin ni Gab. I've decided na magcgeck out na sa hotel na tinuluyan ko at umuwi na ng bahay dahil hinihintay na ako nina mommy at daddy for dinner. "Hay, salamat at naisipan mo nang umuwi." Pambating bungad sa akin ni mommy. Every year naman kami nagkikita dahil sila ang nagbabakasyon sa Korea. "Itong mommy mo, atat na atat na makita ka kahit kakagaling lang naming Korea last month." Pagsisita ni daddy. May pagkaO.A kasi talaga si mommy. Haha "Tumigil ka nga dyan Victor. Masama bang mamiss ko ang aking unica ija." At yumakap na sa akin si mommy. Dalawa lang kasi kami ni kuya. At syempre, since babae ako, mommy's girl talaga ako. Haha After kumain ng dinner, nagpaalam na ako kina mommy at daddy na magpapahinga na ako sa kwarto ko. Sobra akong napagod ngayong araw at gusto ko lang talagang magpahinga na. Next week na ang kasal ni Gab pero this weekend na kaming pupuntang Cebu para makapagenjoy muna daw kami sa resort na pupuntahan kung saan din gaganapin ang kanilang beach wedding. Hindi buong entourage ang maagang pupunta dun kundi kaming magbabarkada and some friends of friends ni Bon pa lang. Get together na din namin to nila Gab. Mabilis lang dumaan ang mga araw at weekends na at... andito na kami sa Bantayan Island, Cebu. Dito gaganapin ang kanilang beach wedding. Nagpahinga muna ang lahat. May mga andito na kanina pa at may iba naman na mamayang hapon pa makakarating. So, mamayang dinner, magsasama ang lahat ng naunang pumunta dito. Pagpasok ko pa lang ng suite ko, nasurprise ako dahil yung tatlo ko pang matatalik na kaibigan, andun silang lahat sa loob. "Lia!!! Aaahhhhh!" Sabay sabay nila sabi ng makita nila kaming pumasok ni Gab sa kwarto. Nagyakapan kaming lima. Iyakan. Tawanan. Kwentuhan. "Masyadong nakakaganda ang Korea be, noh? Grabe... ang chix mo naman!" Sabi ni Jersey. Kaya namin naging close si Jersey dahil pinsan niya si Gab. "Sira! Haha." Pagkontra ko sa kanya. "Oh, tara na muna sa kwarto natin. Pagpahingahin niyo muna tong si Lia at Gab dito sa kwarto nila." Nakahalata siguro si Tom dahil kanina pa ako hikab ng hikab sa kwentuhan. Haha Nagising ako sa ring ng phone ko. "Yeoboseyo?" Haha. Akala ko nasa Korea pa ako. "Hoy! Kanina pa si Gab na andito na labas. Baka naman gusto mo ng magayos at lumabas dito dahil maya maya lang eh iseserve na daw ang dinner. Bilisan mo babaita, ang dami hunky ditey. Haha." Itong si Ces, kahit kelan talaga, mga gwapo talaga ang puntirya. Haha. Nagumpisa na akong maghanda ng gamit na isusuot ko, naligo, nagayos kahit konti pero very very light lang kasi di naman talaga ako palaayos. Tama na yung saktong ganda lang. Haha. Pagkalabas ko ng room, tinanong ko agad sa mga crew kung saan yung dining hall dahil andun daw ang dinner party nila Gab. Pagkarating ko doon, madami na ding mga andoon. Nagtatawanan. Nagkukwentuhan. Hanggang sa nakita ko sila Gab sa isang stand table, kasama si Bon at yung mga friends niya. "Ayan na pala si Lia eh!" Pagkasabi ni Ces nang makita niya akong palapit sa kanila. "Hello guys. Hi, Bon. Nice to finally meet you." Nagbeso kami ni Bon. Never ko pa siyang nameet in person pero nakakausap ko siya sa mga video calls namin ni Gab. "Grabe, antagal bago tayo nagkita ng personal ah." Segunda sa akin ni Bon. "By the way, na-meet na kasi ng barkada niyo yung mga friends ko so ikaw na lang di ko naiintoduce. Pakilala lang kita saglit sa kanila." Pag-aya sa akin ni Bon para ipakilala sa mga kaibigan niya. Anim ang friends niyang andun. Yung iba, may mga bitbit na gf. Pero may dalawa na wala. "--this is Jerome with his girlfriend Alissa and this is Evo and Lianne--" patapos na sanang ipakilala ni Bon sa akin ang friends niya nang... "...and I'm MJ, Bon's cousin and bestfriend." May humila ng kamay ko para makipagshakehands. And I was shocked, speechless, nang marealize kong, siya si Mr. Kahambugan sa coffee shop. "Ikaw?!" To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD