Chapter 2

1189 Words
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Bon "Hindi--" sagot ko. "Yes--" sabi niya. "Well, dba ikaw yung papables dun sa coffee shop nung isang araw?" Pagconfirm na tanong ni Gab. "Yup, ako yun..." siya nga yun... siya lang naman mayabang dun sa shop nung araw na yun.. ? Biglang hinugot ni Ces yung kamay ko sa kamay nitong hampas lupa na to... "I'm Ces... hindi ka ata bet ni Lia.. ako bet kita.. ?" hahaha.. itong si Ces, hindi alam magtago ng feelings.. ?‍♀️ "Siya pala yung best man ko at makakapartner mo sa isle, Lia." ? "Huh?" ? grabe..ang saklap ng buhay... ------------------- Natapos ang dinner at lahat ay masayang nagkukwentuhan. Pero ako, pinili kong mapag-isa. Pinili kong maglakad papuntang seaside at magmuni muni. 7 years kung pilit na tinatakasan ang sakit. Pilit kong iniiwasan ang tungkol kay Gio. ------------------- 7 years ago.. "May sakit ako." Pagkarinig kong sabi ni Gio, hindi agad ako nakapagsalita. Para bang may kung anong pabigat sa paa ko at na-steady lang ako sa kinatatayuan ko. "May sakit ako, Lia. Tumor. Stage 3. 6 months na akong labas pasok sa ospital." Patuloy na sabi ni Gio. "Bakit ngayon mo lang to sinasabi?" May pait na tugon ko. Girlfriend niya ako. 2 years. "Dahil ayaw kong masaktan ka." "At ang pagtago sakin ng may sakit ka, habang ang iniisip ko may iba ka na, hindi masakit yun? Sa tingin mo, hindi ako nasasaktan ngaun, Gio?" Umiiyak na ako niyan. Hindi ko na talaga napigilan. Hindi ko namalayan lumapit sa akin si Gio at inangat niya ulo ko sanpagkakayuko at tinitigan niya ako. "Dahil yun lang ang paraan na alam ko para hindi ka lalong masaktan. Iniisip ko na mas mabuti nang itago to sau kesa pati ikaw mahirapan." "Gio girlfriend mo ako. Girlfriend mo ako at hindi lang basta kung sino para paglihiman mo ng sakit mo. Gio, napaka selfish mo na sarili mo lang ang iniisip mo at hindi mo ako sinasama sa laban mo." Pagkasabikong iyon kay Gio, niyakap niya agad ako. Yakap na tama lang para mapatawad ko siya. At maintindihan lahat ng nangyari sa aming dalawa. ------------------- Present.... "Am I disturbing you at something?" Napalingon ako sa likod ko dahil sa pamilyar na boses na yun. It was him. MJ. "Paano kapag sinabi kong oo, aalis ka na ba?" Sarcastic na sabi ko. "Woah! Easy. I won't bite. Nanghahalik lang." Pabiro niyang sabi. "Subukan mo, at nang makita mo hinahanap mo." ? "Alam mo ang sungit mo, sabi naman nila Gab mabait ka daw pero bakit pagdating sa akin, ang sungit mo." Sabi ni MJ. Tse, hindi naman ako ang unang nagsungit sa aming dalawa, remember sa coffee shop, siya unang nagsungit nun. ? "Well, I usually not talk to strangers. Lalo na kapag katulad mo." Paalis na sana ako ng naramdaman kong hinawakan niya kamay ko. May spark. Same spark like Gio's. "Then let's not be strangers with each other. Alam ko hindi maganda yung unang pagkikita natin. But please, can I make it up with you?" Seryoso siya. Ngaun ko lang nakita sa kanya yung ganitong side. Napapalunok ako. 3 beses siguro. Hahaha "Okay." Oh, dba? Okay lang nasagot ko. Haha ?‍♀️ -------------------- It's my bestfriend's wedding day! And everybody's ready... ang ganda ng set up ng entourage.. ang simple pero classy... Naglalakad na ako sa isle... feeling ko ako tuloy ang ikakasal.. nakatingin sila lahat... o feeling ko lang yun? Haha. Pero no joke, nakakakaba pala talaga to. Eh di lalo na kapag ikaw ang bride. ? Malapit na ako sa harap ng mahagip ko ng tingin si MJ. Ewan ko kung feeling ko lang lang to pero iba titig niya eh... hindi pang stalker kundi pang Hunks. ? naks, ang ganda ko. Haha -------------------- Nang matapos na ang ceremony, it all went smooth. Ang saya saya ni Gab. Napakagenuine ng happiness na nakikita ko sa mga mata niya. Naisip ko, siguro kung buhay ngaun si Gio, may mini me na kaming dalawa dito ngaun sa kasal ni Gab. Ang sayang isipin, ang lungkot din isipin. ? "Alam mo sa tuwing makikita kita, there will always be a moment na ang lungkot ng mata mo." Pinaglihi ata tong lalaki na to sa kabute ?‍♀️ "Wala ka bang makitang chix at ako ang inaasar mo na naman ngaun dito?" Irita kong sabi sa kanya. "Ito naman to, syempre maid of honor ka, best man ako, baka naman gusto mong sumayaw kapartner ko?" Hay nang-aasar talaga to eh.. paglingon ko... "Please." Bakit ganun... nakakadala naman tingin niya. Parang may magnet. "Oo na." Oh dba, hindi ka makahinding babaita ka. Pakipot din kasi minsan eh bibigay din pala. Haha --------------------- Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nakakakab naman to ?. Nakailang beses na lunok na ako. Paano ba naman. Nararamdaman ko na hininga niya sa tenga ko. Ang intense. Ganun kalapit. ?‍♀️ "You're beautiful." Biglang sambit nito. ? Napalunok ulit ako. This time hinarap niya mukha niya sa mukha ko, nagkatinginan kaming dalawa. Gusto kong umiwas pero di ko kaya. "Ang ganda mo sabi ko." Sabi niya ulit. This time alam ko nang namumula na mukha ko. Sobrang nanghihina tuhod ko. "Thank you, ikaw din." Sagot ko. "Maganda ako?" Pabiro niyang tanong. "No. Gwapo" naks... lumaki ngiti niya... "Alam mo, marami nang nagsabi sa akin niyan eh pero yung pagkakasabi mo, ibang dating sa akin. Nakakaflatter. Nakakagwapo lalo." Nagsmirk ako. "Sira." Tas natawa na din ako. "Haha. At least napangiti kita. Pero seryoso, ang lungkot mo. Tuwing makikita kita katulad kanina at nung isang gabi, hindi ko alam kung anong meron sa isip mo pero gustong gusto kong alisin dahil alam kong yun ang dahilan kung bakit malungkot ka." Seryoso niyang sabi sa akin. Tumitig ako sa kanya. Gusto kong maiyak. "Hindi ko alam kung anong meron ka, at bakit interesadong interesado ako sau." Dugtong niya. "Pero isa lang alam ko, gusto kita." Dun na talaga. Humina tuhod ko. Same line. Parehas na parehas kung paano nila sabihin. Yung linyang yun, yun din yung linyang sinabi sa akin ni Gio 9 years ago bago niya ako niligawan. At ang malala, parehas din yung naramdaman ko. ---------------------- Natapos ang kanta at hinatid na ako ni MJ sa table namin nila Ces. Bigla akong napainom ng wine. Nilagok ko yung wine na tira ko kanina bago kami sumayaw ?‍♀️ "Ang intense ng titigan niyo ah. Care to share kung anong napag-usapan niyo?" Sabi agad ni Jersey pagkatapos kong uminom "Be, alam mo, lakas ata ng tama ni Papa MJ sau eh. Iba eh." Dugtong pa ni Tom "Hoy basta girl, pag ayaw mo sa kanya, ireto mo na lang siya sa akin ha?" Pabirong sabi ni Ces "Ces/Ces!" Sabay na suway nila Jersey at Tom kay Ces. "Syempre joke lang. Itong mga to hindi na mabiro. Pero seryoso, ang lagkit ng tingin ni papa sau ha. May something eh." Sambit ni Ces Basta ako sa mga puntong yun, gusto kong maglaho. Kung akala niyo last na yung linyahan na yun ni MJ kanina, pwes hindi pa. May padugtong pa siya dun. "Alam mo gusto kitang halikan ngaun." At save by the bell ang lola niyo, dahil natapos na ang tugtog at upbeat na ang pinatugtog. Grabe... ?‍♀️ To be continued...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD