Habang tumatagal ang relasyon namin ni Alex ay unti – unti ring nalulusaw ang nararamdaman kong galit sa kanya. Kapag magkasama kami ay lagi niya akong inaalalayan at napakalambing niya. Kahit saan siya magpunta ay kailangang kasama ako. Di niya daw kaya na di ako makita at makasama. Tulad ngayon, meron siyang transakyon sa Baguio at gusto niya na kasama ako. Nasa resthouse ng pamilya niya kami tumutuloy ngayon. Naiwan akong mag-isa dahil meron pa siyang aasikasuhin at nagpaiwan ako dahil gusto ko na rin namang magpahinga. Alas otso na ng gabi pero wala pa siya kaya naisipan ko munang magkape. Habang nagtitimpla ako ng kape ay narinig ko ang tunog ng sasakyan ni Alex. “Kate.” Pagtawag sa akin ni Alex. “Im here. Sa kitchen.” Sigaw ko upang marinig niya ako. Narinig ko ang mga yabag n

