Nakabalik narin kami ni Alex galing Baguio.Halos isang linggo rin kami doon bago nagdesisyon si Alex na bumalik ng Manila. Naging abala na si Alex sa mga sumunod na araw dahil sa nalalapit niyang proyekto na gagawin. Tinawagan ko si Maddy ng araw na iyon para makapag-usap kaming dalawa at maisakatuparan ko ang isa kong plano para pabagsakin ang negosyo ni Alex. Kahit na may nagyari na sa aming dalawa ay hindi dapat iyon maging hadlang sa binabalak ko. Matagal ko itong plinano kaya di ko hahayaan na magpadala sa emosyon na nararamadaman ko para kay Alex. Nagkita kami ni Maddy sa Starbucks sa Cubao. Agad kong nakita si Maddy sa labas ng coffee shop. May iniinom siyang kape ng mga oras na iyon bago ako lumapit sa kanya. Pagkaupo ko ay dun ko lamang napansin na sa amin nakatingin ang mga

