Chapter 2
HINTS
Few minutes left at magsisimula na ang event. Everything was already settled, I'd made sure that it will run smoothly and well organize.
Nasa front row ng mga upuan naka-upo si Ma'am Naomi kasama ang iba pa niyang mga kakilala at kaibigan na owner din ng mga art galleries at ka-partner niya sa ibang business na inclined pa rin sa sining, samantalang ako ay nasa gilid at pinagmamasdan ang mga taong excited na rin mapanood si Eclipse.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pagbanggit niya ng palayaw ko. Walang hesitation na maririnig sa boses niya kanina, parang sure na sure siya na tinatawag akong 'Hanny' ng mga taong malalapit sa akin.
The light at the Horizon Hall started to dim, hudyat na magsisimula na ang programa. Naghiyawan ang mga narito, majority ay dala pa ang light stick nila. Hindi na bago sa akin ang bagay na ito dahil sa panahon ngayon uso na ang ganito at nakita ko ring may bitbit si Lily kahapon. Nagagandahan din ako sa light stick nila, the top portion is shaped like a crescent moon, symbolizing the name "Eclipse." The crescent moon encircles a small, glowing orb in the center, representing the "eclipse" effect when the moon covers the light.
Gusto kong bumili pero nung makita ko kung magkano, umiyak yung wallet ko. Yung album din niya medyo may kamahalan, pero siguro para sa akin expensive na 'yon ngunit sa mga fans niya as long as nakakapagbigay ito ng saya ay bibilhin pa rin nila.
"Hanny, halika!"
Hinila ako ni Ma'am Naomi papunta sa harap at pina-upo ako sa tabi niya. "Bakit po? May kailangan ba kayo?"
"Wala naman, eh, nakita kitang mag-isa lang doon sa sulok kaya dinala na kita dito." Ngumiti siya.
"E-eh, bawal po ako dito Ma'am dapat nasa likod lang ako dahil isa ako sa mga staff." Dahilan ko, nahihiya ako sa ibang nandirito.
"Ano ka ba, okay lang 'yan. Huwag mo na 'yon isipin, just seat back and relax and let's enjoy the music shared by Eclipse."
May tumayo na isang lalaki sa gilid ng stage, siya ang host na kinuha ni Ma'am Naomi para dito.
"Ladies and gentlemen, today we are honored to have a very special guest with us. Known for his captivating voice and enigmatic presence, he has taken the music world by storm. With his soul-stirring melodies and profound lyrics, he has touched the hearts of millions. Please welcome the one and only, Eclipse!"
Pumalakpak ang mga tao, at ang spotlight ay nakatuon na ngayon sa gitna ng stage kung saan nandoon nakatayo si Eclipse. Hindi magkamayaw ang mga tao, halos mabingi na ako sa pwesto ko. He is wearing a simple white tee na pinatungan niya lang ng leather jacket, naka jeans lang din siya at white sneaker. Simple look pero lakas ng appeal, his mask is covering 3/4 of his face at mula rito ay kitang kita ang mata niyang may shade of deep blue that reminiscent of the night sky.
Kinakanta niya ang latest single niyang 'Summer Love', lahat ay sumasabay sa kanya sa pagkanta. I silently took out my phone and start to record him, ipapakita ko kay Lily bukas. He has a curtain mullet haircut, it suits him well. Napansin ko rin ang half moon shape na tattoo niya sa may kaliwang banda ng leeg na malapit sa tenga.
I was drowning in watching him intently when he turned his gaze toward our direction. Naibaba ko agad ang cellphone ko, and judging by his reaction alam kong ngunisi siya. Feel ko 'yon!
Teka, bakit ba ako affected? Eh, para 'yon lang? Naku, baka isipin niya kaisa na ako sa mga fangirls niya. Kalma ka lang, Hanny! Kalma!
Lumakad siya papunta sa hagdan na nasa harap ng stage at bumaba. Huminto siya sa gitna at nagpatuloy sa pagkanta, inilalayo rin niya ang microphone sa kanyang bibig at itinatapat ito sa mga audience.
He really loves what he's doing. His genuine passion for his work radiates in everything he does, inspiring those around him. But his eyes seems to hold something, like they're holding onto stories he hasn't shared. They look sad sometimes, like they're remembering things from a long time ago. It's like they're asking you to figure them out, but they're not giving up their secrets easily.
Since dalawa na lang ang natitirang kanta na kakantahin niya ay hindi ko na 'yon tinapos at nagpunta na ako sa backstage. Nakasalubong ko pa yung babaeng kasama niya kanina. I smiled but she just narrowed her eyes and raised her brow after.
Hindi ko na lang siya pinansin at nilampasan siya.
"It was a success! Thanks, Harmony for the job well done!" Ginawaran ako ng mahigpit na yakap ni Ma'am Naomi. "I'll send you the payment later sa account mo, okay?"
Tumango ako at napangiti na lang kahit nahihiya. Nasa side niya kasi si Eclipse, at handa na silang umalis.
"I really had a great time performing. Thank you for inviting me, Miss Bernardo." Eclipse politely said.
Na ba-bother ako sa boses niya, parang kanina lang medyo okay na pero ngayon bakas yung pagiging malat niya ulit. Gusto kong sabihin na mainam ang uminom ng ginger tea kaya lang, baka magalit yung manager niya. Yes, manager pala niya ang kasama niya.
Nauna nang umalis sina Eclipse at kailangan ko na rin umuwi dahil may trabaho pa bukas at kailangan bumawi sa nawalang income dahil half day lang bukas ang coffee shop.
"Kailangan ko na rin umalis, Ma'am Naomi."
"Ayaw mo bang sumabay sa akin? Hatid na kita, gabi na." Makikita sa mga mata ni Ma'am Naomi ang pag-aalala.
"No need na po." I smiled. "Malapit lang naman ang apartment ko."
"Sigurado ka ba?"
Tumango ako bilang sagot at hindi na rin niya ako pinilit. Humingi ulit ako ng permiso sa kanya at naglakad na palabas ng hall. When I'm already outside at naghihintay ng masasakyan, napapansin ko na wala na masyadong dumadaan na jeep. I raised my right hand and check my watch, it's almost 10PM na pala. I guess, I have no choice? Maglalakad na lang ako.
Medyo nalalayo na ako sa Horizon Hall nang may narinig akong busina ng isang kotse. Huminto ako sa paglalakad upang lingunin ito. Huminto ang kulay itim na kotse sa tapat ko, it looks like a celebrity car. Someone slides the door at bumungad sa akin ang manager ni Eclipse.
"Hop in. Ihahatid ka na namin kung saan ka man nakatira." She said with a flat tone and raises her right brow.
I waved both of my hands to say no. "I'm alright, Ma'am. Thanks for the offer but I can handle it." I answered politely. Baka ma-issue pa si Eclipse na may hinahatid.
Napamulagat ako nang makita kung sino ang dumungaw mula sa likod ng manager niya.
"Delikado na sa isang babae ang umuwi ng gabi, hatid ka na namin." Sabi ni Eclipse na ngayo'y naka-face mask na. Naka-angat ang hood niya sa ulo na may cap.
Nagdadalawang-isip ako kung um-oo ba ako o hindi ngunit nakakahiya naman na umasta ng parang ang taas ko, and seeing Eclipse waiting parang mas nakakahiyang tumanggi. Hindi na ako nagpaka-KJ at sumakay na sa kotse, sinabihan ko na lang ang driver kung saan ako bababa.
Buong byahe tahimik lang ako pero naririnig ko ang bawat buntong hininga na binibitawan ng manager ni Eclipse na nasa tabi ko. Paminsan-minsan nagnanakaw ako ng sulyap kay Eclipse na natatanaw ko mula sa rearview mirror ng kotse. He's really good-looking. I love his eyes, nangungusap. Wait ―, may hawig siya doon sa lalaking nagpunta sa coffee shop, although I can just see half of his face pero pareho silang may deep blue eyes. Kailan kaya 'yon pupunta ulit? Sabi pa naman niya, gagawin niyang go-to cafe na 'yung shop namin. Nagpunta kaya siya sa cafe ngayong gabi?
"Thank you po sa paghatid, ingat kayo sa byahe." I flashed a genuine smile, tanging tango at pag-ikot ng mata ang sinagot ng manager. Kanina pa 'tong babae na 'to, namumuro na sa akin. Pero suwerte siya, I'm being kind to her.
"Ingat din, Hanny."
I waved goodbye to him, but before the door closed, I let my intrusive thoughts win.
"U-uhm..." I'm a bit hesitant.
"Yes?"
"Inom ka ng ginger tea, it can help relieve throat irritation."
"I will, thank you!"
Ngumiti ako at isinara na ng manager niya ang pinto. Sana maging maayos na ang boses niya para hindi na siya mahirapan.
***
"Woah! Ate, thank you!" Masiglang tinanggap ni Lily ang t-shirt na bigay ni Sir Jake nung isang gabi. Nakalimutan ko palang ibigay sa kanya kahapon. Pinakita ko rin sa kanya ang video na ni-record ko habang kumakanta si Eclipse, ang saya niya to the point pina send niya pa sa akin ang kuha ko dahil i-si-share raw niya sa page nila.
Naging full house ang cafe at hindi na namin namalayan na closing time na pala. Bawing-bawi!
"I need to go ate, ingat ka sa pag-uwi." Lily picked her bag and some books at umalis na. Every 5PM ang alis niya since may klase siya ng 5:30PM, ako na lang ang natitira hanggang 8PM.
"Ingat ka rin!" Tipid ko siyang sinagot.
It was a long tiring day, sa wakas ay natapos ko nang linisin ang coffee shop at excited na akong umuwi at humiga dahil sumasakit na ang likod. Tumunog bigla ang maliit na chandelier na nakakabit sa pinto ng cafe.
"Sorry, we're clo―sed..."
"Oh, I'm already late." Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at pangit pa rin ang boses niya. Naka hoodie pa rin siya at ngayon ay kulay puti, nakababa ang hood ngunit naka-somblero. Come to think of it, sabi ko kagabi na may hawig siya ni Eclipse at pareho silang namamalat. Hindi kaya?... No, imposible ata!
"No, it's okay! Since, nandito ka na rin, a-ano yung o-orderin mo Mr.?"
"Liam. My family calls me Isaac because I have two names, but I prefer Liam." He smiled and showed his little dimple.
"So, Mr. Liam, ano pong order niyo?"
"I'll go for a hot black coffee, baka mas lalo akong mamaos kakainom ng malamig."
"Copy that!"
Itinuro ko sa kanya ang lugar kung saan siya uupo and when he looked at the chair I pointed, I saw his tattoo with my own two eyes. Kaparehong-kapareho ng kay Eclipse, what if siya talaga 'to? Pero baka isang fan lang din at nakikigaya.
Ngunit kung siya man ito, bakit kailangan pa niyang magsuot ng maskara? Ano ang tinatago niya?