CHAPTER 3

1588 Words
Chapter 3 AFFIRMING ACTS "Here's your black coffee sir Liam." Ngumiti ako habang inilalagay ang cup sa mesa. "May order ka pa ba? Snacks perhaps?" "I already ate." Nginitian niya rin ako. "Talagang pumunta ako dito kasi..." He looked around. "Gaya nga ng sinulat ko, this place will be my go-to cafe. Okay lang ba?" Nahihiya akong tumango at umiwas ng tingin. "S-sige po, doon po muna ako." Sabi ko sabay turo sa counter. "Uhm, if it’s okay... samahan mo na lang ako dito." He pulled the chair that is beside him. Tinignan ko lang yung upuan then napunta ang tingin ko sa kanya. "H-hindi na, nakakahiya naman." "I insist, sige na." pagpipilit niya. Kahit labag sa akin ay umupo na lang ako, I awkwardly smiled at him. "Pasensya na, I just wanted to have companion. Kadalasan kasi wala akong kasama, walang makausap." Hearing those words from him, bakit ang lungkot? "Okay lang po sir." Tumikhim ako. "I hope you don't mind, sabi mo madalas kang mag-isa at walang maka-usap? Mag-isa ka lang ba dito? Parents? Kapatid, wala?" "Pwede huwag mo na ako i-sir? Hindi naman siguro malayo ang agwat ng edad natin, Liam na lang." Hindi niya sinagot ang tanong ko, I understand. Hindi naman kami close para mag-share siya tungkol sa personal niyang buhay. He flashes his smile again and his eyes, sa tuwing tinitignan ko ang mata niya, si Eclipse ang naaalala ko. Tanungin ko kaya siya? Pero masyado pang maaga, I need concrete evidence na siya si Eclipse. "Sige, Liam." Tipid ko rin siyang nginitian. Ilang minuto rin kaming tahimik, walang may gustong magsalita sa amin. Ngunit sa huli, siya rin ang bumasag sa katahimikan. "'Yung magulang ko at mga kapatid ay nasa States. So, yeah... Basically, mag-isa lang ako dito." He sips his coffee. I creased my forehead. "E-eh, kaibigan? Wala?" Huminga siya ng malalim. "Kaibigan? Casual friend meron pero kung true friend, unfortunately, there's none. I don't know if I can find one, it's rare to find a true friend in the place where I am working." There's sadness and loneliness in his eyes. "Bakit naman rare? Ano ba yung trabaho mo? Member ka ba ng sindikato? Anak ng mafia?" Tumawa siya ng malakas dahilan upang matawa na rin ako. "W-why?" "You're funny." napa-iling siya at pilit na pinipigilan ang muling pag-tawa. "Naisip mo pa talaga 'yon?" "E-eh, k-kasi sabi mo -" "Sa mundong ginagalawan ko, mahirap makahanap ng taong mapagkakatiwalan, yung totoo sa’yo. Baka isang araw paggising ko may issue na ako o scandal." He looked serious when he said that, konti na lang talaga iisipin kong iisa lang talaga sila ni Eclipse. Siya mismo nagbibigay ng hint, eh, but okay let's pretend na hinde ko na gets. "Medyo naguguluhan ako but I'll give you the benefit of the doubt. And..." He looked at me with curiosity. "I-if you can't find a true friend in your world, you can find one here in this cafe." I sincerely smiled. Namungay ang kanyang mga mata at tila namangha siya sa sinabi ko. Ramdam ko naman na mabuti siyang tao kahit na nahihiwagaan ako sa kanya. So, bakit ko ipagkakait sa kanya ang pakikipagkaibigan di ba? "A-are you serious?" Tumango ako and gave him a reassuring smile. "As long as hindi ka member ng sindikato o anak ng mafia then we're good." Natawa siya ulit at pagkatapos non ay inilahad niya ang kanyang kamay. "Thank you, Har-, I mean Hanny." "Paano mo nalaman ang nickname ko?" Tanong ko, pagbabalewala sa muntik na niyang pagsambit sa totoo kong pangalan. There will be a time na malalaman ko rin ang dahilan ng pagtatago niya. "There." May tinuturo siya sa damit ko at nang silipin ko ay ang name plate ko pala ang tinutukoy niya. "Ah, I see." tipid kong sagot. "Oh, by the way, I'm sorry... kumain ka na ba? I can order for you." I shook my head. "No, no! Kumain na ko at 'di ba dapat closing time na ng cafe at uuwi na ako pero dumating ka, so..." I shrugged. "Ah, sige..." Inubos na niya ang kanyang kape at tumayo. "Tara, hatid na kita." 'Di ako naka-imik agad at tumayo rin. "H-hindi naman na kailangan. Malapit lang naman ang inuuwian ko." He gave me a deep sighed. "Huwag ka ng tumanggi, pasasalamat ko lang dahil pinili mo akong kaibiganin ng walang pagdadalawang isip." Yumuko ako at itinago ang ngiti. Inangat ko muli ang aking ulo at tinignan siya. "Sige na nga. Mukhang hindi ka naman titigil." Tumawa lang siya at napakamot sa noo niya. I just arrange everything and we're good to go. May dala pala siyang kotse kaya napabilis ang pagdating ko sa apartment. Bumaba na ako sa kotse niya at paglingon ko sa direksyon niya ay bumaba rin pala siya. "G-gusto mo bang pumasok muna?" "Hindi na, may eve-, I mean trabaho pa ako bukas. Kailangan kong magpahinga ng maaga, next time na lang." Ngumiti siya nang naiilang. I raised my brow. "N-next time?" "Yap, ako na maghahatid sa kaibigan ko gabi-gabi. Delikado na kasi kapag gabi tapos babae ka pa, don't get me wrong. No malice, promise!" Mahina akong humalakhak. "OA mo! Okay, fine! Sige na, pasok na ako. Ingat ka sa pag-uwi, Liam." "Thanks, Hanny!" Lumawak ang ngiti niya. Hinintay niya akong pumasok sa maliit na gate tsaka siya sumakay sa kotse niya at pinaandar ito. Kumaway pa siya sa akin bago niya pinaharurot ang sasakyan. *** "Ate Hanny, kanina pa kita pinagmamasdan medyo maputla ka, masama ba pakiramdam mo?" Pareho kaming nasa counter, may pinupunasan siya habang ako ay naka-upo at nakasandal ang ulo sa may dingding. Paminsan ay pumipikit ako dahil sa sakit ng ulo at ng lower back, sinabayan pa ng malakas na pagragasa ng menstruation ko at ng dysmenorrhea. Good thing hindi masyadong marami ang customers ngayon. Mahina akong umiling. "I-it's that time of the month." Iniwan niya ang ginagawa niya at lumapit sa akin. "You're experiencing dysmenorrhea, ate? Pang ilang araw mo na ngayon?" "Second." Ngumiwi ako dahil mas sumakit yung puson ko. "Nakalimutan ko dalhin yung pain relievers ko. Ugh!" I folded my arms on the counter table and rest my head. "D-do you want to go home already, ate? Ako nang bahala dito, wala din naman akong klase ngayon, I can be the one to close the cafe." Inangat ko ang aking mabigat na ulo. "S-sigurado ka?" Mabilis siyang tumango. "Yap! You need to rest, if ever you're still experiencing the same feeling tomorrow, pwede ka naman um-absent. I'll take care of the coffee shop while you're resting. Don't worry; I have Eclipse's songs to keep me company." She smiled sweetly. Ngumiti na lang rin ako at tumango. Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo na sa staff room at kinuha ang gamit ko. Bago ako lumabas ng room ay nag-text muna ako sa may-ari na si Lily na muna ang magsasara ng cafe dahil uuwi ako ng maaga. "Sigurado ka ba? Okay lang sayo na maiwan dito?" tanong ko sa kanya paglabas ko ng staff room. She raised her right hand na parang nanunumpa. "I swear, ate, I can handle this!" Kumindat pa siya. Naramdaman ko namang nag-vibrate ang cellphone ko at nang tignan ko ito ay ang reply pala ni Ma'am Emily. She replied na magpahinga ako at ang kalusugan ko ang pinakamahalaga. "Okay, basta huwag mong kalimutan i-update ako, ha. I'll just text you kung makakapunta ako bukas." "Okay, ate, noted!" Nang makarating ako sa apartment ko ay nagpunas lang ako at pagkatapos ay uminom ng pain relievers. Nagpunta ako sa kwarto ko at nahiga na, mamaya ko na lang iisipin kung anong kakainin ko sa hapunan. Nagising ako sa sunod sunod na ingay na parang may nahuhulog na bato sa sahig. Tinignan ko ang paligid ng kwarto ko at may iilan ngang mga maliliit na bato ang nakakalat. Bumangon ako, sakto rin ang pagbuhos ng mens sa lagusan ko. Kahit ayaw kong tumayo ay napatayo ako at sumilip sa bintana, nakalimutan ko pa lang isara ito kanina. Agad akong napa-ilag ng makitang babatuhin ulit yung kwarto ko buti na lang at hindi natuloy. "Liam? Sandali bababa ako." Paglabas ko ng pinto ng apartment ko ay nilapitan ko ang gate at pinagbuksan siya. "I'm sorry, Hanny. Natamaan ka ba ng pagbato ko? Wala kasi akong maisip na gawin para makuha ang atensyon mo, eh. Kamusta? Okay na ba pakiramdam mo? Sabi sa akin ng kasama mo doon sa coffee shop may dysmenorrhea ka raw?" I really thought na labas lang sa ilong ang lahat ng sinabi niyang ihahatid niya ako pero mali ako, talagang nagpunta siya sa cafe para siguro sunduin ako pero hindi nga nangyari dahil umuwi ako ng maaga. Kung magkaka-girlfriend 'to, naka-jockpot siya, a man that is true to his words. "Uminom na ako ng gamot para mabawasan yung sakit. Medyo masakit pa yung puson ko pero 'di na tulad kanina." I smiled. "I see. Oh, by the way, nag-dinner ka na? May dala akong mga pagkain, base kasi sa napagtanungan ko, may mga cravings yung girls kapag red day, so, I bought foods that you might like." He smiled widely. Hanep, ah! May words of affirmation na nga siya, may acts of service pa! Kinuha niya ang mga pagkain at pinakita niya sa akin. "Here!" "Ang dami naman niyan pero salamat, nag-abala ka pa." "It's nothing, ang mahalaga nasa maayos ka. Pwede ko ba dalhin 'to sa loob?" I'm quite hesitant dahil magulo yung loob ng apartment ko, bakit ngayon pa talaga kung kailan tamad akong kumilos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD