Chapter 4
UNSEEN RIVALRY
“Pasensya ka na, ang daming kalat, ‘di pa kasi ako nagliligpit.” Sabi ko sa kanya nang makapasok kami sa loob. Pinulot ko pa yung ibang t-shirt na nasa sofa lang.
Inilagay niya ang plastic bags na may lamang mga pagkain sa maliit na dining table ko. Patuloy lang rin naman ako sa pagliligpit.
“Mamaya na ‘yan, tutulungan kita dyan. Sa ngayon kumain muna tayo.”
Napahinto ako sa sinabi niya. “Hindi ka pa nag-dinner?”
Nakangiti siyang umiling at isa-isa nang inilabas ang mga pinamili niya, nilapitan ko siya at tinulungan. May baked macaroni, hot chocolate, tea at dalawang box ng chicken stir-fry with brown rice. Kumuha ako ng dalawang plato at kubyertos at inilapag sa mesa.
"Hey, umupo ka na lang, ako na dyan."
Napatunganga ako, grabe naman 'to kung umasta parang boyfriend. Nagtaas na lang ako ng dalawang kamay na parang sumusuko at umupo na.
"Yung tubig nasa ref." Tinuro ko ang small size na refrigerator na niluma na ng panahon.
Tinungo niya 'yon at kinuha nga ang isang pitsel na may kalahating laman na tubig saka dalawang baso. In-arrange na niya ang mga pagkain at umupo na rin sa harap ko.
"Mag-isa ka lang ba dito?"
Nagsimula na kaming kumain.
I nodded. "Almost 5 years na ako dito nakatira, so far so good naman."
"Hindi ba nakakatakot?"
Gusto kong kunin ang hot chocolate pero hindi ko maabot but this guy just notice even the small things. He gets the hot chocolate and gave it to me. I shyly received it and mouthed 'thank you'.
Ininom ko muna 'yon bago siya sagutin. "Hindi naman, yung landlady nito dyan lang sa kabilang bahay nakatira."
"Kahit na, delikado pa rin." I can really see the look of concern in his face.
"Ang nega mo, okay lang nga ako dito. Isa pa, ito lang kasi yung nakita kong apartment na malapit-lapit sa coffee shop."
Kumuha siya ng isang slice ng fried chicken at nilagay sa plato ko. "Kung gusto mo, may kakilala ako na pwedeng maghanap ng condo. Yung malapit lang din sa cafe."
"E-eh, akala ko ba, ihahatid mo na ako pauwi araw-araw? Kung nasa malapit na lang ako, eh, di na kita kailangan kung ganon?"
I let my intrusive thoughts win again.
"It's okay, as long as I'm aware na safe ka sa inuuwian mo. Besides, I can visit you sa coffee shop naman." Nagpatuloy siya sa pagkain.
"Talaga bang kaibigan lang ang turing mo sa akin?" I murmured.
"Ano 'yon?"
I'm glad hindi niya narinig, naku Liam.
"Wala, sabi ko ayos lang ako dito. Don't worry." I assured him by smiling.
"Okay, okay... Hindi na kita pipilitin, basta if you need help just call me."
Halos mabulunan ako sa narinig ko.
"Okay ka lang? Ito tubig, oh." Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig. "May nasabi ba akong hindi maganda? I just said that if you need help just call me." Inulit pa niya. Ano ba, Hanny! Baka naman ganyan lang ang trato niya sa mga taong malapit talaga sa kanya gaya ng sa close friend niya ― platonic friendship kumbaga. Assumera ka lang.
Pinakalma ko muna ang sarili ko. "Wala. P-paano naman kita tatawagan? Eh, wala naman akong number mo."
May kinuha siya sa bulsa niya at 'yon pala ay ang cellphone niya. "Here, type your number and I'll save it."
Kinuha ko iyon at nilagay ang number ko and then I gave back his phone. Ilang segundo lang ang nakalipas at tumunog ang cellphone ko.
"That's my personal number, save it okay?" He said in a soft manner. Tumango ako at tipid na ngumiti.
Matapos namin kumain ay siya na ang nagpresenta na maghugas ng pinagkainan namin. Hindi niya rin nakalimutan na ligpitin ang mga iba pang nakakalat sa sala ng apartment ko. Nakakahiya na sa kanya pero muling sumakit ang puson ko, so, pinahiga niya muna ako.
"Sabi ko naman sa'yo na sa loob ka na lang at huwag mo na akong ihatid. Gabi na at baka malamigan ka pa." Lumabas na siya ng gate. "Make sure na naka-lock ang gate at pinto, okay?"
"Noted! Sigi na, it's getting late."
***
"Hi ate! How are you? Okay ka na?"
Salubong na tanong sa akin ni Lily. She's early for the first time and parang nag-iba ang aura niya ngayon. Ano kayang dahilan?
"Yap! Ikaw? Hindi ka ba nahirapan dito kahapon?"
Inilagay ko ang apron at hairnet ko, then nagpunas na sa counter table.
Lumawak ang ngiti niya na abot hanggang tenga. She looked inspired, iba yung dating niya ngayon 'di gaya nung mga nakaraang araw. Hindi naman siya ganito sa pagpa-fan girl kay Eclipse.
Umiling siya. "Napakagaan talaga ng trabaho ko kahapon, ate. Yung tipong gusto ko na lang itigil ang oras." Yung mga mata niya nangingislap habang sinasabi 'yon.
May narinig naman akong tumikhim, nang tignan ko kung sino ay namilog ang mga mata ko. Nagmadali akong lapitan siya at kinuha ang isang basket na puno ng prutas at pinatong sa mesa.
"Sir Jake, b-bakit po kayo andito? At bakit po kayo may dalang mga prutas?"
Instead of answering me, he grab my hand and pulled me closer to him and hug me tight. Nakita ko ang impit na pagtili ni Lily sa gilid. Sakto naman at may pumapasok nang mga customer at nakangiting tinitignan kami.
Tinapik ko yung balikat niya. "S-sir Jake, may mga customers na po, k-kailangan na naming magtrabaho."
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa mata. "Are you sure you are fit to work? Sabi ni Mama, masama daw pakiramdam mo kahapon. Kaya nga dinalhan kita nito." Tinuro niya ang basket.
"Okay na po ako, thank you sa concern."
Tumango-tango siya. "I'll go ahead and please huwag mo sagarin 'yang katawan mo, you can take a rest for a while. Don't push yourself to the limit."
"I will sir, salamat po ulit."
"My gosh, ate Hanny! Kinikilig ako!" 'Di na napigilang ilabas ni Lily ang nararamdaman niya.
"Huy, umayos ka nga, Kinikilig ka dyan?"
"Ito naman, KJ masyado. Pero ate, 'di mo ba napansin? The way he look at you, halatang may gusto sayo. Ayeeh!" Sinundot pa niya ako sa tagiliran.
"Lily, isa!" Dumistansya ako sa kanya ng konti. "Imposibleng may gusto 'yon sa akin, sadyang pinakita niya lang na nag-alala siya. Yun lang yon."
"If you don't mind ate, simula nung pagpasok ko dito hanggang ngayon wala akong nakikitang may dumadalaw sayo dito. Ayaw mo ba magka boyfriend?"
I stopped what I'm doing and sigh. "May nagkagusto naman sa akin, pero ipinapakita niya ang interes niya sa pamamagitan ng mga salita kaysa sa mga gawa. Kaya sa huli, hindi pa rin nagwork."
"After 'non, wala nang nagpakita ng interest sayo ate?"
I unconsciously smiled, inalala ko yung mga gestures ni Liam kagabi. Although ginawa niya lang 'yon dahil concern siya as a friend pero natuwa ako sa ginawa niya. Small things means a lot.
"Ay, parang meron nang nagpapangiti sayo ngayon, ate. Naku, pass sa halata!" Tumawa siya.
I acted serious. "Wala no! Baka ikaw dyan, kanina pa kita napapansin iba na 'yong awra mo. Bukod kay Eclipse, may iba ka na bang boyfriend?"
Her cheeks went red. In love na ata 'to, eh. "Kagabi kasi ate, I think pass six na, may pumunta dito at hinahanap ka. He said he was your friend, I told him na umuwi ka ng maaga."
"Tapos?"
"He's so handsome ate! Pang boyfriend material ang atake, I guess I have a crush on him. Reto mo naman ako sa kanya, ate." Pumungay ang kanyang mga mata.
"I-I'll try."
"Tahimik mo buong byahe, ah."
Tinulungan ako ni Liam na dalhin ang basket na may prutas sa loob ng apartment.
Bahagya akong umiling. "Pagod lang siguro."
"Uhm, Hanny... May itatanong sana ako?" 'Di siya makatingin sa akin ng diretso.
"Sure, ano 'yon?"
"Who's that guy who hugs you earlier?"
Paano niya nalaman? Wait, did he go to the coffee shop earlier this morning? Kaya pala may missed calls siya kaninang umaga, siguro gusto niya akong kumustahin but he didn't went inside dahil nakita niya kami ni Sir Jake.