CHAPTER 7

1324 Words
Chapter 7 HIDDEN TALENT I sigh wearily as I roam my eyes around my small room upon entering. Sa ilang taon din na dito ako nanirahan, itong lugar ang naging saksi sa mga kadramahan ko sa buhay. This room is my companion through every frustration and struggle, especially when it comes to my passion for painting. Nilapitan ko ang isang kabinet na matagal ko nang hindi nabubuksan, lumuhod ako at hinarap ito. Tinanggal ko ang iilang alikabok na nasa paligid nito at unti-unti kong inaabot ang pinto hanggang sa mabuksan ito. Bumungad sa akin ang mga canvas board at ang foldable easel na nasa bag nito. Kinuha ko ang dala kong malapad na karton at isa-isang inilagay ang mga 'yon. As I look on every canvas board, may mga hindi ko pa nagamit at nakabalot pa ng plastic, yung iba mga painting ko na hindi natapos. Yung part na wala pang painting nagkulay brown na dahil sa tagal na panahon kong hindi nagamit. Halos lahat ng board pare-pareho lang, wala pala talaga akong painting na natapos kahit isa. After kong i-arrange ang mga 'yon ay sunod kong binuksan ang drawer, mga paint brush, painting palette at apron ko ang naroon. Nilakbay ko ang aking palad sa mga 'yon, a sense of nostalgia begins to fill me. "Hanny?" My moment of reminiscing was interrupted by Liam's voice echoing from downstairs. Oo nga pala, sinabihan ko siya na dito na niya ako susunduin. Tumayo ako at bumaba upang buksan ang gate dahil naka-lock ito, simula nung insidente ay hindi ko na hinahayang nakabukas lang ang pinto. I've learned my lesson. "Kanina ka pa?" Siya na ang bumukas sa gate nang i-unlock ko ito. "Medyo. Kumain ka na?" Pareho na kaming pumasok sa loob ng apartment. "Hindi pa, order na lang tayo sa labas then doon na lang tayo kakain sa unit mo. Okay lang ba?" Tinakpan niya ang kanyang bibig dahil sa paghihikab, he looks tired. I gently nodded. "Okay lang. Hintayin mo na lang ako dito, malapit naman na akong matapos sa pag-aayos." "Tulungan na kita." "Wait ―" Hindi ko na nagawang pigilan siya dahil pumanhik na siya papunta sa kwarto ko. Napakamot na lang ako sa batok at sinundan siya, pagkarating ko doon ay naabutan ko siyang naka-upo sa kama ko. "Is this all yours?" Lumingon siya sa gawi ko. He watched me as I walked towards the cabinet and continue packing. "Yeah, ngayon ko na lang ulit ito nahawakan." "Bakit?" Napabuga ako ng hangin nang mahawakan mga mga paint brush. "Perhaps you see me working comfortably in the coffee shop, but behind the smiles and small talk, I'm battling self-doubt and trying to find the courage to pursue my true passion for painting. I feel unfulfilled and stuck in a routine that doesn't align with my true passions. I keep questioning my choices. These thoughts lead me to introspection, where I evaluate my priorities and aspirations." Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang kamay sa balikat ko. "Hanny, I admire your honesty and courage in facing these challenges. It's natural to question our choices and seek fulfillment in what truly matters to us. Your passion for painting is evident, and I believe in your talent and dedication. Remember that growth often comes from introspection and facing our doubts head-on. You have the strength to pursue your true passions, and I'll be here to support you every step of the way." I felt a mix of emotions. Everything he said just boosted myself to start again. I face him, inabot ko ang kamay niya at hinawakan rin ito. "Thank you, Liam." Nang masigurado kong dala ko na ang lahat ng gamit ay umalis na kami sa apartment at dumaan muna kami sa isang convenience store para bumili ng pagkain. "May pinuntahan ka ba kaninang tanghali?" Tanong sa akin ni Liam nang maupo ako, binigay niya sa akin ang sandok para kumuha na ako ng kanin. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang naging ganap kanina but he deserves to know though, he is my friend. "I-inimbita kasi ako ni Jake na mag early lunch." Bakit ba parang kinakabahan ako, daig ko pa ang isang girlfriend na nahuling may ka-date na iba. Parang nakagawa ako ng kasalanan. "Jake?" Nakakunot ang kanyang noo. "Yung anak ng may-ari ng coffee shop?" Mukha naman siyang naliwanagan. "I see, so, are you already on a first-name basis?" The way he said it, parang may pagseselos. "Y-yeah? Pero hindi naman yun big deal..." "Okay." Wow! Yun lang ang isasagot niya? Hindi man lang niya ako binato pa ng mga tanong? Hindi ba siya curious kung bakit kami nagkita at kung ano ang pinag-usapan namin? "Ang lalim ng iniisip mo, 'di mo na nagagalaw ang pagkain." "E-eh, kasi..." Napayuko ako. "I get it, Hanny. Hindi naman ako bulag at manhid para hindi makita at maramdaman ang bawat kinikilos nung Jake." So, wala ka bang gagawin? Hahayaan mo na lang? Ay, ano ba 'tong intrusive thoughts ko! Hindi na lang ako nagsalita, wala rin namang patutunguhan 'to. It seems he is okay with it. I don't even know why I'm reacting this way, but one thing is for sure: he is special. Nagulat ako nang hawakan niya ang kanang kamay ko, 'di ko napigilang tumingin sa kanya. "Sorry, I just felt like I needed to hold your hand. Is everything okay? You seemed a bit lost in thought." False alarm pala, akala ko... My phone vibrated on top of the table, and I saw Ma'am Naomi's name. "Good evening Ma'am Naomi!" "Hey, Hanny! Last week na for the final listing ng mga artist na mag s-showcase ng kanilang mga obra, and I'm still hoping you could join the art exhibition." Tinignan ko si Liam na sa akin rin ang atensyon, I bet he heard what Ma'am Naomi said. "Ma'am Naomi, gusto ko lang magpasalamat dahil isa ka rin sa nagtitiwala sa kakayahan ko, hindi ka sumusuko na kumbinsihin ako na ipagpatuloy ko ang pangarap ko. Tingin ko po, kaya ko nang balikan ang pagpipinta kaya sasali po ako sa exhibition." "Oh my gosh!" Natawa ako sa naging reaksyon ni Ma'am Naomi. "Am I hearing this right? I'm so happy and excited, I know you can do it, Hanny. I'll end this na, I have to call someone else pa." "Sige po." Ibinaba ko na ang cellphone ko, Liam look at me with a smile on his face. "Don't be afraid, I'm here for you." "Salamat, ano kaya ang magandang ipinta?" Nag-isip naman siya. "I guess, it should be special. Don't worry, I'll help you. Tapusin na muna natin ang pagkain." *** Nasa living area kami at tinutulungan ako ni Liam na linisin ang mga paint brush ko. Tahimik lang siya, gusto ko ngang tanungin kung bakit pero nakakahiya. "It seems your brushes are old, may balak ka bang bumili ng bago?" He ask, breaking the ice. "Hmm, since hindi ko na ginagamit, 'di sumagi sa isip ko ang bumili ng bago. Ngunit sa ngayon, may balak na ako pero isa or dalawa lang siguro." Nagpatuloy siya sa paglilinis at pagkatapos ay muli namang tumingin sa akin. "Aside from the things you mentioned earlier, bakit hindi mo naisip na bumalik ulit sa pagpipinta?" "Aside from self-doubt and lack of confidence... Fear of rejection and criticism din talaga ang naging hadlang. Iniisip ko na baka walang magkagusto sa painting ko, it might not be good enough. Since baguhan pa lang ako, hindi nila mapapansin ang gawa ko or worse baka laitin nila. This fears hold me back from taking risks and pursuing opportunities." "Huwag mo nang isipin ang mga 'yon, people will always have to say negative things for them to satisfy themselves. Ang mahalaga, may tiwala ka sa kakayahan mo at wala kang takot na ipamalas ang totoo mong nararamdaman sa pamamagitan ng pagpinta. Focus ka na lang sa mga taong tunay na naniniwala, nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo, tulad ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD