CHAPTER 6

1420 Words
Chapter 6 UNEXPECTED CONFESSION "Okay ka na ba dito?" Inilapag niya ang bag pack na bitbit niya sa sahig. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng condo unit na kinuha ni Liam. "S-seryoso ka ba dito? Am I going to live here?" Ngumisi siya at nilapitan ako. "I am serious, Hanny. Also, you don't have to worry about the payment of this unit. Bayad na 'to at lahat ng kakailanganin mo kumpleto na dito. May convenience store naman sa baba in case may gusto ka pang bilhin." "Why are you doing this to me?" Tinignan ko siya sa mata. "Ito lang ang naisip kong gawin bilang pasasalamat.... for being my friend." Iniwas niya ang mukha niya. He check my things. "Lahat na ba nadala natin?" "Uhm, may mga gamit pa akong naiwan sa apartment." "Oh, do you need help? Tara, balikan natin." Agad akong napa-iling. "H-hindi na, bukas ko na lang kukunin yung ibang naiwan. Kakausapin ko rin si Ate Amelia tungkol sa nangyari." Tumango-tango siya ngunit ilang sandali lang ay napahinto siya at nasa akin ulit ang atensyon niya. "Speaking of, ayaw mo bang i-report sa police ang pagtangka sayo ng mukhang unggoy na yon?" Tumawa ako ng marahan. "'Di na kailangan, yung paghampas mo pa lang sa ulo niya ng bote, bawing-bawi na." "Kahit na, you should not take it lightly." He sounded concern. "Don't worry, hindi na talaga kailangan." Kung tama man ang hinala ko, ayokong madamay ka pa at ma-issue. "Okay, fine. You should rest now, a lot of things have happen tonight." "I agree. Ingat ka sa pag-uwi." "Sige, I'll go ahead. The security here is top tier so you don't have to worry, okay. Pero kung may problema ka dito, I'm just one text or call away." He smiled. Gosh! His eyes, his smile... he is so damn handsome. What is happening to me? I shake my head to erase the things that I'm thinking. Kinuha ko na ang mga gamit ko at hinanap kung nasaan ang kwarto. I tried to open the door at the right, namangha ako dahil sa laki ng room. This is probably the master's bedroom, sabi kasi ni Liam may dalawang kwarto raw ang unit na ito. Hindi naman siguro masama kung itong kwarto na ang gagamitin ko, tutal mukhang akin na 'to. Humiga ako sa kama, it's so comfy, inantok ako bigla. Nagmadali akong maligo at magbihis dahil tinanghali na ako ng gising. Sa coffee shop na lang ako mag-a-almusal at lalo akong ma-l-late kung dadaan pa ako sa apartment ngayon. Mamaya na lang siguro. Habang nasa taxi ako ay nire-reply-an ko si Lily na on the way na ako dahil alas nueve na at hindi pa ako dumadating. Sinabi niya rin na dumaan sa shop si Sir Jake at hinanap ako. Anong kailangan niya sa akin ngayon? May natanggap din akong text mula kay Liam, asking me if nakatulog ba ako ng mabuti at susunduin niya raw ako. Hindi ko na siya na-reply-an dahil nakarating na ako sa cafe. Nagmadali akong ibigay ang bayad sa taxi at bumaba na, as I entered the coffee shop the music of Eclipse was in full blast! Wow! May concert? Agad akong nakita ni Lily at mabilis na hininaan ang volume ng stereo. "Sorry ate, wala pa namang customers so nilakasan ko muna yung sound." "Bakit daw ako hinahanap ni Sir Jake?" Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam, eh. 'Di niya sinabi." Hindi ko na lang muna inisip 'yon at nag-concentrate na lang sa trabaho. Mahigit dalawang oras ang dumaan ay may napansin akong isang kotse na pumarada sa gilid ng cafe. Iniluwa nito ang isang lalaki na naka-button half-placket short sleeve polo shirt at white tapered pants. Pinares ni Sir Jake ang kanyang outfit ng slip on casual loafers at black square frame glasses, bumagay sa kanyang crew cut na hairstyle. 'Di rin maikakaila ang kagwapuhan nito, he is every girls dream but not for me because hindi naman kami bagay. Sa status pa lang ng buhay, talo na ako. Tumayo siya sa harap ng counter. I slightly nod. "Good morning, Sir Jake. Ano pong sadya niyo dito? At hinahanap niyo raw po ako kanina? Bakit po?" Tinanggal niya ang kanyang eyeglass, his hazel eyes was focused on me. "Are you free for an early lunch? May gusto lang sana akong sabihin." Nag lag ako ng ilang minuto. "P-po? Eh, may du―" "Gorabels na, ate! Kaya ko na dito." pagsingit ni Lily. Tinignan ko siya ng masama and her smile was tinged with apology, a subtle plea for forgiveness. "Just a quick lunch, Hanny. Hindi tayo magtatagal." sabi naman ni Sir Jake at sinuot na ulit ang kanyang salamin sa mata. "S-sige po." *** Dinala niya ako sa isang fine dining retaurant, the restaurant has a high ceiling and large, arched windows that offer a stunning view of the cityscape. The atmosphere is elegant and sophisticated, with natural daylight streaming through large windows, enhancing it with a bright and airy feel. Ang gwapo ng kasama ko pero nagmukha akong basahan sa tabi niya, I'm just wearing a simple white blouse and jeans. Naka doll shoes lang din ako. A waiter approached us as he gave their menu book, tig-isa kami ni Sir Jake. Knowing na nasa mamahaling lugar kami ay medyo may kamahalan din ang presyo ng mga pagkain. Nalula ako sa mga presyong nakita ko kaya sinara ko na lang yung menu book at nilapag sa mesa. "Don't worry, I ordered already." Ngumiti siya samantalang pilit ko namang siyang nginitian. "So ano po sana ang sasabihin mo?" Panimula ko. Habang hinihintay ang order ay 'di ko na napigilan itanong. He cleared his throat and tried to catch my eyes. "Would you please look at me?" Mariin akong napapikit bago siya tignan ng diretso. "There." Uminom muna siya ng tubig. "First of all, I don't want to hear you addressing me with 'Sir' anymore and please drop the 'po' and 'opo'. Kausapin mo ako ng katulad sa iba." "But ―" "Thank you for your patience. Here is your order. Please enjoy your lunch date, sir and ma'am." "W-we are not dating ―" Magpoprotesta pa sana ako ngunit mabilis na lumakad ang waiter. Tinuon ko muli ang atensyon ko sa kanya. "Sir..." Tumikhim siya. "I mean, J-jake, you're the son of the owner of the cafe where I work. Kailangan kong magbigay ng respeto." "I know, but you don't have to; I'm okay with just my name. Kumain na tayo?" Tumango na lang ako. I wonder kung 'yon lang ang gusto niyang sabihin. "You're silent. Is there any problem?" I shook my head. "Wala naman po. I-I mean, wala." Maagap kong sagot. "Maybe you have a question in your mind; I've thought about it for quite some time. Harmony, would you give me the privilege of courting you?" "What?" Hindi ako nag-atubiling sumagot sa kanya. "Hindi mo naman kailangan sumagot agad, gusto ko lang na malaman mo for you to become aware of my feelings. "I'm willing to wait for you, Harmony, and I'm serious about us." Hindi na ako naka-imik. Kung ibang babae pa 'to, hindi na mag-iisip, eh. Pero sa mga nakaraang araw, medyo magulo ang isipan ko. Marami akong iniisip, dumagdag pa ang isang 'to. "Thank you sa libreng lunch, Jake." I hesitantly smiled. "You're welcome. Pwede ba kitang sunduin mamaya pauwi?" "Hindi na, may pupuntahan pa akong importante." I saw a bit of disappointment in his face but he nodded after. "P-papasok na ako." I immediately turn my back para hindi na siya makapagsalita pa. Ano ba 'tong pinasok ko? Wala pang isang oras matapos umuwi ni Lily ay sinara ko na ng maaga ang cafe. I just texted Liam na sa dati kong apartment na lang kami magkikita, I waited for his reply pero wala akong natanggap. "Ate Amelia, naparito ako para kunin yung natitira ko pa pong gamit. Gusto ko lang din magpasalamat sa pagpapatira mo sa akin dito ng ilang taon. Hindi ko po lubos maisip na nang dahil lang sa kagagawan ng anak niyo, eh, lilipat ako ng lugar ng matitirhan." Nagngingilid ang mga mata ni Ate Amelia habang tinitignan ako. "Patawad sa naging asal ng anak ko, Hanny. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang bilang isang ina." Hinawakan ko ang magkabila niyang mga kamay. "Huwag niyo na po sisihin ang sarili niyo, at hindi mo dapat kwestyunin ang pagiging ina mo, you did your best, hindi ka nagkulang." Tuluyan na siyang humagulgol at napayakap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD