Mga ilang oras na rin akong nakahiga dito sa papag. Hindi pa ring dumarating si Samuel galing sa sinasabi niyang gagawin at pinuntahan niya kaya nanatili na lang ako dito sa lilim ng mangga. Nasa ganoong pagkakahiga ako nang biglang dumating si Nana Manda na may dalang juice at pagkain na kamote cue. Inilapag niya ang pagkain sa papag at inaya niya akong magmeryenda. " Meryenda tayo, Jemuel, "anyaya niya sa akin. Umupo ako mula sa pagkakahiga. Nasa gitna namin ang juice at kamote cue. Kumuha ako ng isang stick ng kamote cue at ang baso na may lamang juice. Napatingin ako kay Nana Manda na nakangiting nakatingin sa aming harapan. " Alam po ba ninyo kung saan nagpunta si Samuel, Nana Manda? " tanong ko sa kanya. " May inasikaso lang siya, Jemuel. Babalik din iyon kaagad, " sago

