" Anong ibig mong sabihin, Samuel? " nagtataka kong tanong sa kanya. Ano ang ibig sabihin niya na ako ang pinakaimportanteng tao? Bakit naman ako bibigyan ng gamoong atenayon ng mga tao dito? " Hindi ba, nasabi na namin noon na dahil sa ama mo, Jemuel? " balik niyang tanong sa akin. Oo, alam ko na malaki ang naitulong ni Tanda dito sa Puro, pero ganoon na ba talaga kalaki ang naitulong ni Tanda dito para ganito ang nagiging trato nila sa akin? " Hindi ba parang sobra sobra naman ang ibinibigay nipang atensyon dito, Samuel, " sabi ko sa kanya. " Kung ganoon ang tingin nila sa akin, bakit pa ako nakatira sa inyo? Bakit hindi ako tumira sa bahay ng Kapitan ng Puro, sa mas magandang bahay, walang prinoproblema, walang mga utos na gaya ng pinapagawa mo sa akin, mga ganoon ba! " sabi

