" Hello? Sino ito? " tanong konsa tumawag sa akin. Katatapos ko lang maghapunan at kakapasok ko lang dito sa aking kwarto. Maghahanda na sana ako para gumawa ng mga requirements ko nang biglang tu.unog ang aking cellphone. Nang tignan ko ito, hindi ito naka phonebook sa cellphone ko. " Good evening, Jemuel! Si Amanda ito! " pakilala ng nasa kabilang linya. " Amanda? " tanong ko at inaalala ko kung sino ito. " Ako iyong babaeng kinabangga mo kanina, " paalala niya sa akin. Tama, siya ang babaeng nakabangga ko kanina! " Pasensya ka na kung napatawag ako, ah, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi ka makausap, " malambing niyang sambit sa akin. " Hindi, ok lang naman, Amanda. Bakit ka pala napatawag? " tanong ko sa kanya. " Gaya nga ng sabi ko, hindi ako makapaghinta

