"Pinsan mo si Benjamin?" pag-uulit ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Nanigas na ata ako sa kinatatayuan ko. Hinilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok at matiim na tumingin sa akin. "Paano?" tanong ko ulit. She pursed her lips tight. Parang tinitimbang kung sasabihin niya o hindi. Huminga ako. "Tell me, Marge. Hindi ko kayang marinig kay Jamin ngayon. Kaya nakikiusap ako sa'yo na sabihin mo na." Pabagsak akong umupo sa couch at sinandal ang leeg ko doon. Umupo rin siya sa tabi ko. Hindi malapit, hindi rin malayo. Nanatili akong tulala. My feelings weren't stable. Nalilito pa rin ako sa ngayon. He's Marge's cousin... Then of course, Andrei's too. "Wala ako sa posisyon para sabihin sa'yo." aniya. Napalingon ako sa kan

